Zhafee's POV.
Masaya kaming nakarating sa baba ni Zhas. Bago kami pumunta sa area namin ay pumunta muna kami sa mga booth. Ipinakita ko sa kanya yung earrings na nakita ko kaninang tanghali. Nakita ko din siya sa Glow in the Dark na binilhan ko ng bracelet.
"Zhas, ito yun." Nakangiting turo ko sa magkapares na star at moon na maliliit. "Glow in the Dark siya." dagdag ko.
"Ate..wala na akong pera." Nakasimangot na sigaw niya. Natawa naman ako sa reaksyon niya.
"Wala akong sinabing ikaw ang bibili." Paalala ko.
"Aaaah, hehehe. Ganon ba ate?" Napakalawak na ngiting tanong niya.
Nagmadali na akong bilhin iyon at pumunta na sa area one. Doon kase yung tinext ni papa, kasama din namin sila laszlo at saka isang barkada, apat sila. By floor kase yung mga activities. At the same time. By lugar. Like kung pilipinas lang sa area na iyon, pilipinas lang.
Nang dumating na kami doon ay nandoon na silang lahat. Pumagitna ako kila zhas at zhaint. Eksaktong tingin ko sa tent ay nakita kong lumabas sila Laszlo at Voan. Binalewala ko na lang sila at itinuon ang atensyon ko sa instructor.
"Ang unang activity natin ngayon ay gagawa ng seashell wreath o seashell flowerpot. Ang una po nating gagawin ay kukuha ng magagandang shell pagkatapos po iyon ay ibibigay na namin ang mga ibang materyales. Pabilisan po ito at pagandahan, ang mananalo sa activiting ito ay magkakaroon ng 2 thousand pesos cash!" Masayang paliwanag ng lalaki. Naghiyawan naman ang lahat dahil sa binanggit na premyo.
"Paalala lamang po, tayo po dapat ay hindi lalagpas sa linyang iyon." Turo niya sa dulo ng area.
"Ang ilang mga activities ay tigdadalawang tao." Aniya.
"Tayo na po ay mamili na ng kaparehas natin." Mabilis na nagsiktakbuhan ang lahat patungo sa gusto nilang kapares.Eksaktong lingon ko kay zhas ay papunta siya kay voan.....tch.
Lumingon ako sa pwesto kanina ni zhaint pero wala na siya do'n. Sa'n na naman siya nagpunta? Takas ng takas, wala namang napapala. Tss.
Walang kwentang laro. Bakit pa kase dalawa kung pwede namang isa isa.
Sanay na akong mag-isa pero hindi ko mapigilang banggitin iyon sa isipan ko kapag naiinis ako. Wala akong nagawa kung 'di manatili sa aking pwesto.
Tumingin ako sa paligid, nakita kong magkapartner sila mama at tita, yung mama ni voan. Ganun din sila papa. Tapos yung magbabarkada.
Ngunit may nakita akong lalake na nakangiting papalapit sa 'kin.....
Tumabi siya at pumunta sa gilid ko ngunit nakatingin siya sa instructor habang ako ay nakatingin sa kanya.
Nakatingin at nakangiti siya sa instructor habang yung instructor ay busy sa pagkuha ng timba.
Tch.
Nakangiting inialis ko na ang pagtingin sa kanya at tumingin na sa instructor na magbibigay ng timba.
"Itong timbang 'to ay gagamitin ninyo sa pagkuha ng shell." Turo niya sa timba habang yung mga kasama niya ay ibinibigay na yung para sa amin.
Nanatili akong nakatingin sa instructor. "Pagbilang ko ng tatlo tatakbo na kayo!" Awit niya.
"Ako hahawak neto." Turo ni laszlo sa timba. "At ikaw ang kukuha, bilisan mo yung pagkuha a?" Utos niya sa kin.
Bahagya akong napakunot-noo. Kung ako ang kukuha sasakit ang likod ko. Ano? Yuko ako ng yuko. Asa.
"Baliktad ka, ako yung hahawak at ikaw yung kukuha." Inagaw ko yung timba.
"Hindi pwede, ako yung hahawa—" Hindi niya na natuloy yung sasabihin niya dahil nagsalita na yung instructor.
Napangiti na lang ako ng malawak.
"Isa!....Dalawa!!.....Tatlo!!!" Sigaw niya at nagsiktakbuhan na ang lahat. Lumakad lang ako na tumakbo.
Tumakbo si laszlo ngunit nang napansin niyang wala ako sa likod niya ay nakangiting lumingon ito sa akin.
"Bilisan mo!! Kapag nanalo tayo bibilhan kita pizza!" Sigaw niya.
"Oh—" Pabulong na tinig ko. Bahagyang tumaas ang magkabila kong kilay ngunit napangiti na lang ako't sumunod sa kanya.
"Okay na yan." Singhal niya nang makita niyang nakalahati namin yung timba. Tinangohan ko lang siya.
"Mabigat? Ako na 'ng magbubuhat!" Kinuha niya iyon nang hindi pa naririnig ang sagot ko at tumakbo siya pabalik don sa tabi ng tent. Lumakad lang ako pabalik.
"Hayy." Singhal ko't nakangiting lumapit sa kanya.
Sinimulan ko na ang paggawa ng Seashell Wreath at binilisan ko dahil kami ang naunang nakakuha ng mga shells ngunit mabilis na sumunod yung magbarkadang babae.
At dahil gusto ko na din ng pizza nakisama na ako sa gawain. Ilang shell na lang ang ilalagay ko, malapit na kaming matapos.
"Laszlo, yung pito na binigay nila kanina ihanda mo na."
Dalawa na lang yung ikakabit ko.
'isa...dalawa....tatlo....'
"Ngay—"
~ppprrrrriiiiiiiitttttttttt~
Gulat akong tumingin doon, yung dalawang magbarkada na babae.
"Aish." dismayang tinig ko, kasabay no'n ang aksidenteng pagtingin ko kay laszlo, nakatutula siya sa dalawa habang nakanganga.
Saktong tingin niya ay nahuli niya ako. Bilis ko namang iniiwas ang tingin ko sa kanya. Napatawa na lang ako ng pabulong dahil sa itsura niya.
"Championnnnnnnnn!" Sigaw ng instructor dahilan para doon namin ituon ang atensyon namin.
"Ano bayan!" Sigaw ni voan na kakakuha lang ng shell, dahilan ng paghagikhik ko.
"Ang susunod po nating activity ay bonfire, ngunit magdidinner muna tayo ng dalawang oras. Pagkatapos po ng dalawang oras na ito ay babalik ulit tayo dito para sa bonfire. Eksaktong eksakto po dapat 'no? 5 o'clock na po kaya mamayang 8 o'clock ay nandito na po tayo....Sige po!" Paliwanag ng instructor. Nagsitayuan na ang lahat.
Tatayo na sana ako ngunit.....
May nakita akong kamay na inaalok na tulungan akong tumayo..
Mabilis kong tinignan iyon at walang iba kung hindi si laszlo. Tinanggap ko naman iyon.
"S—"
"Ang bigat mo!" Reklamo niya. Kumunot ang noo ko sa inasal niya.
"Sa susunod wag ka ng tutulong kung magrereklamo ka dahil ang tulong kusa ng walang naririnig na reklamo." Mahinahong sabi ko sa kanya.
Nauna na akong naglakad palayo sa kanya.
Napangiti na lang ako dahil sa nabuong reaksyon niya.
Maya-maya ay sumunod naman siya. Ramdam kong binilisan niya. Tumabi siya sa gilid ko. "Sorry, I didn't mean to offend you."
"You don't have to be sorry." Tugon ko. Palihim akong napangiti.
Nang makarating na kami sa hotel ay nakita ko sila zhas at voan. Lumapit kami sa kanila.
"Ate, mamayang 5:45 pa daw tayo kakain." Bungad niya agad sa 'kin.
"Ge kwarto muna ako, maliligo lang." Nakangitng paalam ko. Ngunit sumunod sila pagkarating ko sa elevator, malamang maliligo din sila.
Wala kaming imik hanggang sa makarating kami sa floor namin. "Ate, pasok ka na lang sa kwarto ko mamaya!" Sigaw niya bago pumasok sa kwarto.
Tinangohan ko lang siya at isinara na yung pinto. Humiga ako sa kama at nagpahinga ng ilang segundo pagkatapos ay naligo na ako.
Nag pants na ako at maluwag na t-shirt.
Ginagawa ko lang ang mga bagay na ito kapag lumalabas akong kasama ang pamilya ko, dahil hindi naman nila ako pinapayagang lumabas kasama ang mga kaibigan ko noon. Oo noon.
Wala na akong kaibigan ngayon dahil sa higpit nila mama. Kung lalabas sila cassie pagkatapos ng klase, wala ako. Sobrang higpit nila sa 'kin kapag wala ako sa paningin nila.
Paulit-ulit lang yung ginagawa nila sa 'kin. Tumatanda na ako pero wala pa rin. Ang higpit pa rin nila sa'kin na parang wala pa ako sa tamang edad.
FLASHBACK.
"Zhaf! Sama ka? Kain lang tayo sa labas!" Yaya sa 'kin ng best friend kong si cassie.
"Magpapaalam muna ako kay mama!" Masayang sabi ko.
"Sige! Hintayin namin kita sa baba!" Nauna na siya. Binilisan ko ang pagligpit ng mga gamit ko at naglakad pababa sa hagdan.
"Zhaf! Pinayagan ka?" Bungad na tanong sa 'kin ni Ken.
"Oo!" Pagsisinungaling ko.
Kahit ngayon lang maramdaman ko yung totoong saya. "Pero 30 minutes lang daw ako." Baka kase pagsalitaan na naman ako ng sobrang sama kapag umuwi ako ng mahigit dalawang oras.
"Buti naman! Anong nakain ni tita? Hahaha!" Biro ng kaibigan kong si Drey.
"Ewan ko nga e, nakakapanibago! Hahaha!" Maglilibang lang ako. Ngayon lang.
"Cge tayo na!" Naglakad na kami papunta sa labas ng gate.
"Taxiiiiii!" Sigaw ni drey sa taxi habang sumasayaw!
Pfft.
"Hahahaha! Sige! Ikembot mo pa!" Sigaw cassie.
"BWAHAHAHAHAHAHA!!" Tawa namin ni ken. Ang sarap pala sa pakiramdam. Ngayon ko lang 'to naranasan.
Tumigil yung taxi sa harap namin, at sumakay na kami.
Una si drey na pumasok at sunod si cassie tapos ako. Katatamtaman lang yung upuan na iyon para sa tatlong tao.
Tinignan ko si ken ng nakakaasar na tingin. Tumaas naman yung kilay niya saka ngumisi
Huwag mong sasabihing kasya tayong apat!?
Unti-onti siyang gumalaw sa kinatatayuan.....at pumasok!
"Uuussssooooooooooggggggg!!!!" Sigaw niya.
"Aigooo." Tinig ko.
"Ken naman!!" Si drey. Tinignan ko siya sa gilid, ipit na ipit siya hahaha!
"HAHAHA!" Kami ni cassie.
"Asan po tayo?" Tanong ni driver.
"Sa Canada po kuya." Birong sabi ni drey dahilan para magtawanan kaming apat.
"Maaari na po kayong bumaba." Seryosong sabi ng driver.
Nagsitahimikan naman kami, at nagtitigan. "Joke lang kuya hehe, 'di mabiro kuya?Sa Shakey's po." Anang natatawang sabi ni ken.
"Sa Shakey's tayo!?" Masayang sabi ko.
Paborito kong restaurant na kailanman hindi ako dinala ni mama. She didn't bother asking what I want.
"Bakit? ayaw mo?ahmm kuy--"
"Hindee!!! Gustong gusto!!!" Putol ko sa sasabihin ni ken. Napangiti na lang kaming kaming lahat.
Pagkarating namin doon ay agad akong bumaba at ako ang pumili ng upuan.
Inilinga ko ang aking paningin sa paligid at may nakita ako doon sa bandang sulok. Pang anim siya pero doon ko gusto. Umupo ako.. Nang tumingin ako kila cassie sa pintuan ay nakangiti silang pinagmamasdan ako.
Nang umupo sila ay saktong dumating yung waiter. "Good for five tayo zhaf!? Hahaha!" Tanong ni ken. "Sige! Gusto ko yan!! Hahaha!" Ayoko ng tumangi dahil ngayon lang 'to.
Sobrang sarap ng mga food dito kaya ito na ang naging paborito ko.
Birthday ko noon. Plinano kong maging normal lang yung araw na iyon. Tinignan ko kung sino ang makakaalala ng kaarawan ko.
Ang saya saya ko sa umagang 'yon dahil akala ko natatandaan nila ken pero akala ko lang pala. Hindi ako nawalan ng pag-asang walang nakakaalala sa araw na iyon kaya dali-dali akong umuwi sa bahay pagkatapos ng klase ko. Kalahati na yung lungkot at saya na nararamdaman ko no'n kase yung kadalasang kasama ko hindi naalala ang pagkasilang ko, sila mama pa kaya.. pagdating ko sa bahay ay pumunta ako agad sa kitchen. Walang sorpresang bumungad sa akin. Tinignan ko lahat ng sulok sa bahay namin pero walang nagbago. Normal na araw lang iyon para sa kanila. Dinner na no'n kaya't omorder ako ng pizza. Wala pang isang kagat ay sakit na ang naramdaman ng puso ko. Hindi nila nagustohan yung paborito ko. Pinatapon ni mama iyon ng hindi inalam kung bakit ako umorder ng gano'n. Wala akong pakealam kung nakakabastos yung ginawa ko pero nagwalkout ako sa gitna ng kainan. Sakit lang yung naramdaman ko sa araw na iyon. Walang tawa na maririnig mo galing sa aking bibig. Wala ring luha na lumabas sa aking mata..sa harapan nila. Pero noong mag-isa na ako ay parang bagyo na ang lumabas na luha sa aking mga mata. Hindi ko pinagsisihan na hindi ko binanggit ang kaarawan ko sa taon na iyon dahil nalaman kong walang naging masaya sa araw na dumating ako sa mundong 'to.
"Ate ito po, good for five. Tapos dessert po, vanila ice cream, apat po." Order ni drey na kaharap si cassie.
"10 minutes po."
"Truth or dare tayo!" Masayang sabi ni cassie habang linalabas niya yung bottled water.
"Ge!" Sang-ayon ko.
"Ikaw ang unang magi-spin dahil ngayon ka lang sumama!" Utos sa 'kin ni cassie.
Sinunod ko naman siya.....
4.....
3.....
2.....
Kay ken tumigil!
"Truth or dare!?" Ngising tanong ko sa kanya.
"Truth!" Kinakabahang sagot niya.
HAHAHA, matagal ko ng gustong itanong 'to sayo ken.....
"CRUSH MO BA AKO?"
Over yang mga actions mo sa mga pang level ng kaibigan lang bro.
"Woah...." Si cassie. Alam niyang pinaghihinalaan ko siya.
Tinignan ko si drey sa gilid ng mata ko.. Hahaha, ba't ka umiiwas? Alam mo? Halata!hahahaha!
"Sagot!" Deretsong tingin ko sa mga mata niya.
"Ahmmmm, ahmmm..." Putol niya.
"Ang bagal naman!nawawalan na tayo ng oras oh! thirty minutes lang ang meron ak--!" Reklamo kong natatawa sa kanya. Ngunit nagsalita siya.....
"Oo! Pero hindi aabot sa relasyong pangjowa!WAHAHAHHAHA! Hinahangaan lang kita at sana huwag mong bigyan ng malisya." Singhal niya habang umiinom ng tubig.
"Huwag na 'wag mo akong iiwasan beacause I'll make sure that you'll regret it for a long tiiiiime!" Dagdag niya.
"Huwag kang mag-alala dahil hindi ko bibigyan ng malisya, masyadong mahangin kung iniisip mong gusto din kita! Hahaha!" Biro ko din sa kanya. Tahimik lang yung dalawa habang nanonoood sa rebelasyon naming dalawa ni ken.
Pinaikot na ni ken yung bottle......
1....
2....
3....
Kay cassie tumama! Nangising tumingin si ken kay cassie....alam na this hahaha!
"Truth or dare!?" Tanong ni ken.
"D-dare." Kinakabahan na sagot ni cassie.
"Ipakita mo kung pano ka tumae nung bata ka!BWAHAHAHAHAHAHA!!"
"WAHAHAHAHAHA!!!! HAHAHHAHAHA!!" Kami ni drey.
"Oiiii!!! Andaya!! Anong klaseng dare yan! Nasa public tayo oh! Resto pa!!! Hmp! Huhuhu."
Hahahaha.
"Bilis na! 30 minutes lang si zhaf oh!" Si ken.
Tumayo naman si cassie at umupo sa floor, yung pantae talaga BWAHAHAHA! Yung paa niya na parang nakapatong sa bowl tapos yung itsura niya....
Pfft.
"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA!!!" Tawa naming tatlo. Namumula na si cassie sa hiya dahil sa ginawa niya. Buti na lang at medyo maliit ang tao ngayon dito at nasa dulo kami.
Kukunan na sana ni ken ng picture pero mabilis na tumayo si cassie. "Woi! Wala kang sinabing pipicturan mo ako!" Turo niya kay ken.
Umupo na siya sa tabi ko at pinaikot yung bottle.
1...
2....
Kay drey tumama.
"Truth or dare?" Nakangising sabi ni cassie.
"Truth na lang!" Hindi kinakabahang sagot niya.
Nakangiti akong tumingin kay cassie.
"Kinatatakutan mo ba ang mawala ako sa buhay mo?" Masayang tanong niya kay drey.
Biglang nawala ang ngiti sa aking labi. "Hala ang dayaaaa!! Ba't ganyannnn! 'di pwedeee!!" Angil ko sa kanila habang iiling iling.
Hindi iyon ang inaasahan kong tanong ni cassie. Ang inaasahan ko ay ikakahiya ni drey kung ano man ang tatanongin ni cassie.
"HAHAHAHAHAHAHA." Tawa naman ni ken.
"Eh bakit kayo kanina!? Hahahaha! Walang madaya zhaf!" Laban ni cassie.
"Oo na! Oo na! Bilisan mo ang pagsagot drey ha!"
Bumaling naman kami kay drey.
Hahahaha namumula na siya, pero nawala naman bigla 'yon nang sumagot siya.
"Oo naman siyempre!......bilang 'kaibigan' nga lang haha!" Masayang sabi niya.
"Nice one bro!" Papuri ni ken habang hinawakan pa ang balikat ni drey.
"Woi! Hindi iyon ang ibig kong sabihin!" Angil ni cassie.
"Hahahahaha." Tawa ko naman.
Napala mo, hahaha.
Paglingon ko sa waiter ay paparating na yung order namin. "Ayan naaaaaaa!!" Masayang sabi ko habang nakatingin pa rin sa pagkain.
Kinuha ko yung alcohol sa bag ko at inispray ko sa kamay ko, pagkatapos ay ibinigay ko iyon ay cassie.
"Kain naaaa!!" Sigaw ni ken.
Kumuha ako ng pizza, chicken at spaghetti. Habang kumakain ay nagkwekwentohan naman kami.
"Si ken may ex na yata hahaha!" Sabi ko habang nginunguya yung pizza.
Ang sharaaaapppp.
"Woi! Mahiya ka! Wala pa noh!" Angil niya.
"Ahh, akala ko meron na hahahaha!" Tawa ko.
"Bakeett? Mukha bang meron? Ang gwapo ko kase e 'no? Hahaha."
Ha! Asa!
"Bro, Huwag mong kakalimutang nandito pa ako!" Sabi naman ni drey habang tinatapik ang braso ni Ken.
"Ang kakapaaalllll!!!" Sigaw naman namin ni cassie dahilan para magtawanan kami. Nang matapos na kaming kumain ay umuwi na agad kami.
"Bye Zhaf!! Sa uulitin!" Paalam nilang lahat. Sinuklian ko naman sila ng ngiti.
Nang pumasok na ako ay sumalubong sa akin si mama. Nakaupo siya sa sala na halatang kanina pa ako hinihintay na umuwi. Nakasimangot itong nakatingin sa akin. Bumuntong hininga at galit na tumayo.
"San ka galing? Hindi ka man lang nagpaalam kung saan ka pupunta!! kabilin-bilinan ko sa 'yo na wag kang lalabas ng wala kang kasamang mas nakakatanda sa iyo. Trese anyos ka pa lamang Zhaf! Wala ka pa sa tamang edad para gawin ang mga iyan!!" Sigaw niya sa akin habang dinuduro ako. Namumuo na ang mga luha sa mga mata ko.
Isang hakbang ko palang sa loob ng bahay ay yan na ang sumalubong sa akin.
'Wala ka pa sa tamang edad para gawin ang mga yan!' Mga salitang nagpaulit-ulit sa pandinig ko.
Wala pa ba sa tamang edad ang trese anyos na kumain sa labas kasama ang kaibigan?
I deserve happiness not sadness.
Bumontong hininga ako at lakas loob na nagsalita. "Kumain lang kami sa labas ng kaibigan ko, ma." Naiiyak na mahinahong sabi ko kay mama. Nasasaktan ako pero yung respeto nandoon pa din.
"Ano!? Sumasagot kana!? Nawawalan kana ng respeto ha!? NANAY MO PARIN AKO ZHAF! Hindi ka pa nakatayo sa sarili mong paa! Ilang minuto kang nawala!! 'Yong minuto na iyon pinagtuonan mo na lang sana ng pag-aaral mo! Rumespeto ka sa akin dahil ako pa rin ang nangbubuhay sa 'yo! Hindi ko gustong mapahamak ka!kaya pinaghihigpitan kita!! Ano ba ang pumasok sa kukote mo at naisipan mong sumama ka ha!?" Sinasabi niya iyan habang dinuduro niya ako gamit ang darili niya. Nakayuko lang ako habang nakatayo at umiiyak.
Ang hiling kong sabihin niya ay kung okay lang ba ako o kung may masakit ba sa akin. Kung bakit hindi ako nagpaalam. Kung bakit nawala ako saglit. Ngunit kabaliktaran ang inasahan kong hindi mangyayari.
Nag-aalala siya pero nasasaktan niya ako, hindi ba pwedeng kahit isang beses, Nag-aalala siya tapos napapaiyak niya ako dahil sa mga yakap at haplos niya sa 'kin? Alam kong hindi na ako bata para sa gano'n ngunit hindi ko pa naranasan iyon sa buong buhay ko. Sa mismong nagluwal sa akin.
"Layuan mo yang mga kaibigan mo!! Iyan ba ang sinasabi mong good influence ha!? Iyang pagpunta sa labas para kumain!? Kung pwede namang dito ka na lang sa bahay kumain, kung nagpahinga ka na lang kaya? Wala na akong ginawa kung hindi pagsabihan ka tapos yan lang ang gagawin mo!! Ikakabuti mo itong sinasabi ko, kaya sana maintindihan mo!" Huminga siya ng malalim at nagsalita ulit.
Sa pagkakaalam ko ay hindi naman masamang kumain sa labas kasama ang mga kaibigan ko. At sa pagkakaalam ko mas masarap ang pagkain kapag may kasama kang kumakain.
Naisip ko lang na ang laki ng pinagkaiba kapag pinagsasabihan niya ako ng mahinhin kaysa sa ganyang sinasagawan niya ako't dinuduro, siguro kung sinabi niya ang 'magpaalam kana sa susunod ha? Sa gayon ay alam ko kung nasaan ka. Dahil kung ganito ay pinag-aalala mo ako ng sobra, anak.' kapag sinasabi niya ang mga salitang iyan habang yakap yakap ako't hinahaplos ang likod ko ay iiyak siguro ako sa saya. Ngunit wala eh,
"Layuan mo yang mga kaibigan mo! Kapag may narinig ako mula sa inyo ng mga kaibigan mo, papaalisin kita sa pamamahay ko!" Palibhasay wala si papa na nakakarinig ng mga salitang iyan.
Kahit ngayon lang masabi ko ang tunay na nararamdaman ko, sawang sawa at pagod na pagod na ako sa mga masasakit niyang salita. Ewan ko ba, palagi siyang ganyan pero hindi parin ako nasasanay dahil umaasa ako na magbabago pa ang tingin niya sa akin bilang anak niya.
"You should've just stay at home rather than making stupid things with your bad influence friends."
Tumalikod na siya. Huminga ako ng malalim, nanginginig na ako. Parang nababali na 'tong paa ko. Huminga ako ulit ng malalim....
"M-ma, trenta minutos lang, h-hindi ko iyon sinayang... g-g-gumawa ako ng magandang memorya kasama ang mga dumadamay sa akin kapag nasa baba ako. A-ang mga kaibigan kong tinutukoy mo ay s-sila na ang pangalawang pamilya ko. D-daig pa nila ang n-nanay ko, dahil alam nila ang mga ayaw at gusto ko." Panimula ko.
All I can feel is pain. Heavy pain.
Ramdam kong napatigil siya sa paglalakad. Humarap at napatingin sa 'kin. Ngunit nanatili akong nakayuko.
"M-ma? a-alam mo ba kung gaano ako kasaya kaninang kasama ko sila? Y-yung sayang 'yon, hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko. Ma, trese anyos na ako pero nandoon pa rin ako sa panghihigpit mo na parang hindi ko pa kaya ang sarili ko, na parang hindi ko pa alam kung paano pumunta sa eskuwelahan na mag-isa....na parang limang taon palang ako." Huminga ako ng malalim.
"M-ma, m-minsan lang ako naging m-masaya at linagyan ko i-iyon ng limitasyon d-dahil nirerespeto ko pa rin yang p-paghihigpit m-mo..."
"G-ginagawa ko ang paghihigpit na iyon para sa ikabubuti mo." Napipilitan ang tono niyang sabi.
Ikakabuti ko, pero asan yung saya na inaasam ko?
"P-pero ma hindi ba't sobrang sobra na? M-ma, tiinis ko lahat ng sinasabi mong mali tungkol sa kanila, k-kabaliktaran sa mga sinasabi mo sa kanila. M-ma alam mo kung asan nila ako dinala? S-sa r-restaurant na paborito ko ngunit ni minsan hindi mo ako d-dinala."
"Hindi ko alam na may paporito na palang restaurant, haha." Sarkastikong sabi niya.
"H-hindi mo alam kase hindi ka nag-abalang tanongin kung saan ko g-gusto o anong gusto ko." Humahagulgul na saad ko.
"M-ma, ngayon lang ako naglakas loob na sabihin 'tong matagal ko ng d-dinadama." Pinipigilan kong umiyak pero hindi ko kaya.
I bite my lips. "M-ma, alam mo kung parang saan dumadaloy 'tong buhay ko?" Tinignan ko siya ng deretso. Wala na akong mababasang inis sa mukha niya. Mukhang gulat na gulat din siya.
"Sa nakakulong na para bang may nagawang napakalaking kasalanan. Na kahit maging masaya, hindi pwedeng ipadama. Dahil ang tingin mo, ikapapahamak ko. Kahit ang totoo, ikasasaya ng puso ko."
- End of this Chapter -
Preview??️
'I should've been quite than feeling so awful.'