Zhafee's POV.
"Ma, alam mo kung parang saan dumadaloy 'tong buhay ko?" Tinignan ko siya ng deretso.
"Sa nakakulong na para bang may nagawang napakalaking kasalanan. Na kahit maging masaya, hindi pwedeng ipadama. Dahil ang tingin mo, ikapapahamak ko. Kahit ang totoo, ikasasaya ng puso ko." Mas lalo pa akong humagulgul sa pag-iyak.
Pumunta siya sa taas at sinundan ko naman siya. Ang inaasahan kong gagawin niya ay ginagawa niya. Kinuha niya yung mga damit ko at itinapon sa baba na para bang basura.
Pumunta ako sa baba at pinulot ang mga iyon habang umiiyak. Ngunit hindi pa din siya tumitigil.
Yan siya. Kapag nagagalit walang nakakapigil. Kanina pa nanonood ang mga alipin niya na naaawa sa akin pero wala silang magawa dahil isang salita lang nila, tanggal na agad sa trabaho.
I should've been quite than feeling so awful.
"Kung ganyan ang tingin mo sa mga ginagawa ko ay lumayas ka! Pinapahirapan mo ako bilang nanay mo." Dahilan para mas lalong hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha sa aking kawawang mata.
A-ano ba ang ginawa kong napaka sama?
"Anong nangyayari!!?" Dinig kong sigaw ni papa dahilan para tumigil si mama sa ginagawa niyang pagtapon sa mga damit ko mula taas hanggang dito sa baba.
"Yang anak mo! Imbes na 4 o'clock ang dating naging 4:45!!! Kumain daw sa labas kasama ang mga kaibigan niya! Eh pwede namang dito na lang siya kumain!" Sigaw niya.
"Pinagsabihan ko ngunit sinumbatan ako!! Iyan ba ang ipinagtatanggol mong anak ha!? Walang respeto!!"
Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. "Ma, sinabi ko lang kung anong nararamdaman ko, hindi iyon kawalan ng respet--" Tanggol ko sa sarili ko.
"Nararamdaman mong bastos!?"
"M-ma huwag ka namang ganyan.." Mas lalong humagulgul ako.
"Itigil niyo na yan!! Kagagaling ko sa trabaho oh! Pagod ako! Tapos ito ang madadatnan ko!? Zhaf!! Go to your room!" Utos ni papa.
"P-pa--"
"Ngayon na!!" Putol niya sa sasabihin ko dahilan din para magulat ako. This time hindi niya tinanong kung anong nararamdaman ko.
Anong nangyayari? Thirty minutes lang yun pero dinaig pa nilang halos isang taon. Thirty minutes lang iyon pero nadinig ko ang mga salitang hindi ko dapat naririnig.
Kinuha ko ang mga damit kong kaya kong buhatin dahil marami-rami ito. Unti-unti akong umakyat sa hagdan dahil nawawalan na ako ng lakas. Sa loob loob ko ay parang wala na akong paa ngunit tumayo ako ng matuwid.
"Layuan mo sila dahil kung hindi ipapahamak ko sila." Bulong niya nang makarating ako sa taas.
Pumatak na naman ang mga luhang galing sa sakit, kirot, at galit.
Pumasok na ako sa kwarto at inilock yung pinto..pumunta agad ako sa kama at niyakap yung unan na bigay ni ken, umupo ako at sumandal.
Why do I still feel the same pain? I already said what I need to say but why does it feels like the pain increased?
Hindi ko mapipigilan si mama sa mga banta niya dahil ginagawa niya talaga ang mga iyon.
1 Month Ago...
"Kuya, 11 o'clock ako mamaya." Tinig ko sa driver ko at lumabas na sa kotse.
Naglakad na ako patungo sa classroom. Nang malapit na ako ay nakita ko sila Ken, Cassie, Drey at yung bagong kaibigan nila.
Kailangan ba talagang may pumalit sa akin?
Masaya silang naglalakad ngunit nang makita ako ni cassie ay biglang napalitan ng walang reaksyon ang mukha niya, tila nakikita ako ang sinasabi ng mata niya.
Masakit para sa iyo pero mas masakit para sa akin. Ngunit wala akong magawa dahil isang lapit ko lang sa inyo makakarating na kaagad kay mama.
Namuo agad ang luha sa mga mata ko kaya iniiwas ko ang pagtingin sa kaniya, tumungo ako at binilisan ang paglalakad.
End of Flasback.
May konting epekto pa rin iyon sa akin. Pero hindi na ganon kalala dahil matagal na iyon. O hindi na gano'n kalala dahil namamanhid lang ako?
Pumasok ako sa kwarto ni zhas.
Naririnig ko yung tunog ng shower kaya ibig sabihin naliligo siya. Pumunta ako sa lagayan niya ng liptint at kumuha ng isa.
"Wow, ate! Babae na yan? Hahahaha." bigla ay sumulpot siya.
"Okay ba?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
"Lagyan mo ng lip balm." Lumapit siya sakin at inayos iyon.
"'Wag mong kapalan.."
"Yan okay na." Tumingin ako sa salamin. May nagbago naman.
"Tayo na sa labas, manlilibre daw si kuya zach ng ice cream." Singhal niya.
Kunot-noo ko siyang tinignan.
"Sinong Zach?" Tanong ko.
"Si kuya laszlo ate, hahahaha! Ayaw niyang tinatawag siyang laszlo kase malandi daw pakinggan haha ang weird nga e." Tulala akong tumingin sa kanya.
Eh bakit hinahayaan niya akong tawagin siya sa pangalang iyon?
"A-ha-ha-ha." Pilit na tawa ko.
Kunot-noong tinignan ko siya. "Ano bang full name niya?"
"LASZLO.. ZACH..HUNTER." Diin na sabi niya.
"Crush mo?" Asar na tanong niya.
Inis akong tumingin ng deretso sa kanya..anong pinagsasabi mo??
"Huwag kang mag-alala kay mama ate dahil gusto niya si kuya zach para sa 'yo, kinikilig nga sila ni tita kanina e. Botong boto kay kuya zach gusto nga niya maging kayo kahit wala pa sa tamang edad." Masayang saad niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba kasabay no'n ang pagwala ng ngiti ko.
Akala ko ba inaalagaan ako ni mama? Ayaw niya akong mapahamak? Bakit ganito! Sobra yung paghihigpit niya sa akin noon hanggang ngayon tapos naging ganon na lang bigla?!!
Ang daming tanong sa isip ko pero parang wala lang iyon sa labas ng mukha ko. Sobrang nagulat ako sa loob-loob ko pero sa labas labas ko ay balewala lang.
Ano na naman ba ang plano mo ma?
"Tara na sa labas ate naghihintay na siguro sila." Nang lumabas na kami ay nandoon na sila kaya naman itong si zhas ay pumunta na naman kay voan. Nasa unahan namin sila zhas at voan samantalang kami ni laszlo ay nandito sa likodan nila.
"Ahmmmmmmm, hindi ka freindly noh?" Imik ni laszlo sa 'kin. Tinignan ko siya sa side ng mata ko. Nakatingin siya sa akin. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. "Pwede magtanong?" Tanong niya. "Hmm." Nakangiting sangayon ko.
"Ahmmmm, anong flavor ang kukunin mo mamaya!?"
Pfft.
Natatawang tumingin ako sa kanya. "Hahaha!" Tawa ko sa kanya.
"Hindeeeeeee, seryoso!" nakasimangot na sabi niya.
Marami ang pwede itanong, pero ba't yan pa. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "Jinsim iseyo?" Natatawang tanong ko. Inis siyang tumingin. "Ye!"
*Translation: Are you serious?
"Vanilla na lang..." Natatawang tugon ko.
"Pero diba sabi mo kanina...manlilibre ka ng pizza? Bakit Ice cream iilibre mo?" Takang tanong ko.
Umasa ako, huwag mong sabihing biro lang yun.
"Haha, sineryoso mo 'yon? Pero bakit? Gusto mo ng pizza?" Tanong niya. Tch.
"Ah-ha-ha-ha. Hinde." Binilisan ko ang paglalakad palayo sa kanya. Kaya kong bumili ng pizza pero mas masarap pa rin sa pakiramdam kapag may nagbigay sa'yo ng paborito mo. Nang hindi pilit. Kase wala namang silbi kung pilit 'yon.
Nang makarating na kami doon ay agad na siyang bumili. "Oh." Abot niya sa 'kin.
"Salamat." Nakangiting sabi ko.
"Weyt lang, may pupuntahan lang ako."
Nakangiting tinignan ko siya saka tinangohan. Umupo ako sa table namin nila zhas. Nang tumingin ako ng deretso ay nakita ko si zhas at voan sa harap ko, ang dikit nila.. walong upuan kase kada table parang catering sa pilipinas.
"Woi, halika dito sa tabi ko." Utos ko saka ituro ang upuan sa gilid ko.
"Eh??" Gulat namang angil niya.
Linakihan ko ang aking mga mata at sumunod naman siya. Malungkot siyang tumabi. Natawa na lang ako sa itsura niya. Hindi pwedeng mas mauna kang magkalablayp kesa sakin. Tch.
"Si zhaint?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya. May sariling mundo talaga 'yon. Tss. Buti na lang at hindi napapagalitan.
Itinuon ko na ang atensyon ko sa ice cream at isang kagat na lang sa apa ay..
may ibang nakapukaw ng mata ko.....box ng pizza!!!!! Walang alinlangang tinignan kung sino yun.
"A-ano 'to?" Turo ko sa hawak niyang pizza.
"Karton hehehehe!!"
"Ha ha ha!" Sarkastikong tawa ko. Binuksan niya iyon ng makita niya akong nangunot noo.
Napangiti ako nang makita ko iyon.
Laszlo's POV.
"Oh." Abot ko sa kanya ng ice cream .
"Salamat." Bahagya siyang ngumiti. Naninibago ako sa kanya, hindi ito ng nakasanayan kong hitsura niya. Ngunit sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon.
"Weyt lang, may pupuntahan lang ako!" Paalam ko sa kanya.
Naglakad ako papunta doon sa bilihan ng pizza..nag taka ako kaninang tinanong niyang manlilibre ako ng ice cream tapos walang pizza.
Ano kayang gusto niyang flavor? Sana 'yon na lang yung tinatong ko. hayyyyys.
"Ahmm, igeo eolmayeyo?" Turo ko sa parang hawaiian.
*How much is this*
"30,000 won"
"Igeo sa julge"
*I'll buy that*
Iniabot niya iyon. "Gomapsuemnida."
*Thank you*
Nakangiti akong naglakad pabalik sa table.
Hehehe magugustohan niya kaya?????
Hindi ko pa nakikita ang reaksyon mo ngunit kinikilig na ako. Hehehehe.
Sinadya ko talagang maagaw ang paningin niya sa malaking pizza na ito. Nakatingin siya sa table ng lumapit ako. At nang ilapit ko na. Bayaghang lumaki ang mga magaganda niyang mata na animo parang gulat na gulat.
Bahagyang napangiti siya sa 'kin at agad na inialis iyon. Itinuon na naman niya ang paningin niya sa pizza.
Pwede ba kahit tatlong segundo tumingin ka ng deretso!? Ngunit sa bagay sapat na yung ngiti niya. Hehehehe.
"Ano 'to?" Sabay turo sa nakakarton na pizza. Ngumiti ako ng malawak. "Karton hehehehe." Biro ko sa kanya, ngunit hindi siya natuwa.
Got ya! Gusto mo talaga ng pizza, kunwari ka pa kasee. I can buy it all just to see you, smile.
"Ha ha ha!" Nangunot noong tawa niya.
Binuksan ko iyon sa harapan namin. malaki siya actually..kasing laki ng mga mata niya hahaha.
Siya agad ang unang kumuha.
Pinagmasdan ko lang siyang kumain.
Mga kumikislap niyang mata na ngayon ko lang nakita. Sana'y huwag siyang bumalik sa dating nakikita ko. Nakisama pa ang mga dilaw na ilaw mula sa likuran niya. At gano'n na din ang mga tunog ng agos ng tubig mula sa baybayin.
Malapit na nilang maubos iyon ngunit nanatili parin akong nakatingin sa kanya..
So this is what they say in love? Ah, now I know, hehehe. It just..... feels perfect.
"Kuya zach hindi ka kakain?" Tanong ni zhas.
Bumalik ako sa huwisyo nang magsalita si zhas, nakangiti naman akong sinagot siya.
"Hindi." Iyon lang at bumaling ulit ako kay zhafee.
Pa'no mo ako nakuha ng walang ginagawa?
Tumigil siya sa pagkain at uminom ng tubig.
"Oh sainyo na!!" Masayang bigay niya kila zhas at voan. Pagkatapos ay tumingin siya sakin kaya't natigilan ako sa pagngiti habang pinapanood ang mga ginawa niya.
"Yan na naman yung tingin mong mangpatagalan.. huwag kang masanay dahil BAKA kapag nagkita tayo sa pinas ay hindi mo na ako kilala." Nakangising sabi niya.
Bahagya akong kinabahan ngunit pilit na ngumiti ako ng pabalik sa kanya. "Kahit ano pa ang maging itsura mo pagdating sa pinas, makikilala at makikila kita.." Nakangisi ding sabi ko.
Ngumisi lang siya. "Tayo na kuya." Si voan. As usual nasa unahan sila.
Nang makarating na kami doon ay sinisindihan palang nila yung bonfire. Umupo kami sa may kayo.
"Ang aga niyo naman?" Yung instructor kanina. Ngumiti lang kami sa kanya. Tumingin ako kay zhafee. "Tigilan mo yang kakatitig mo dahil naiilang na ako, kanina pa." Agad na tinitigilan ko naman dahil may banta na yung boses niya.
~crrrrringggg~
~crrrrringggg~
Agad na tinignan ko kung sino yung tumatawag at sinagot agad ng makitang si mama iyon.
Lumayo muna ako kila zhafee.
"Hello ma?"
"Hindi kami makakapunta ngayon diyan dahil nag-uusap kami nila Faye at dazhe about sa business partner. Mag-enjoy na lang kayo,pasensya na.."
"P---"
~Tooootttt~
~Tooootttt~
Pero nandito tayo para gumawa ng magagandang memorya, hindi para sa business na yan.
Napailing na lang ako at bumalik na kila zhafee. "Ba't magkasalubong yang mga kilay mo?" Tanong ni zhaf.
Gulat akong tumingin sa kanya. Totoo bang tinatanong mo ako ngayon!?
"Baliw kaba?" Natatawang tanong niya. Natawa naman ako sa kanya.
"Kanina'y magkasalubong yang mga mata mo tapos bigla ka nalang ngumiti, at ngayon tumatawa. Baliw ka talaga."
Natuwa ako sa reaksyon niya. She's literally smiling! I can't believe it!!
"Hinde, tumawag si mama, at sinabi niyang hindi daw sila makakapunta dito ngayon dahil may pinag-uusapan daw sila nila tita faye at tito dazhe na business partner. Ang sabi niya mag-enjoy nalang daw tayo. Nakakainis nga e. Pumunta kami dito para magbakasyon hindi gumawa na naman ng dahilan para mawala yung oras nila sa amin."
"Ah, ganon ba?" Parang wala lang sa kanya iyong sinabi ko at tumingin sa cellphone niya. Parang may hinihintay siyang tawag o text. Bumaling na lang ako sa iba.
"San ka galing bro?" Tanong ko kay Hale na kararating lang. "Don may chix e! HAHAHA!" Sagot niya.
"Anong!!?" Binatukan siya ni zhaf. "Aray!" Si hale.
"Woi tama na yan, haha! Ba't di mo 'ko niyaya!?" Biro ko sa kanya.
"'Di kita mahanap e! Haha!"
Nasa gano'n kaming sitwasyon nang magsalita yung instructor. "Wala na bang darating?" Tanong niya.
"Wala na po, hindi na po makakapunta sila mama dahil may pinag-uusapan daw sila nila mama ni zhaf! Yung mga mag-asawa pong dalawa kanina!" Paliwanag ko.
"Gano'n ba? Puro bata naman kayo, anong gusto niyong laruin o pag-usapan??" Tanong niya sa amin.
Tumayo yung isang babae. "Introduce yourself muna po kase hindi pa namin kilala ang isa't isa." Suggest niya.
"Oh sige, sinong mauuna?" Tanong niya.
Tumayo ako. "I'm Laszlo Zach Hunter, 17 years old." Pakilala ko. Tumayo naman si voan.
"I'm Voan Lothair Hunter!Ang pinakagwapo sa pamilya namin!!" Binatukan ko siya. Nagtawanan naman ang lahat.
"I'm Yhafey Zhas Fabian, 9 years old , The most gorgeous in our family!"
"Zhaint Hale. 15."
"Nicole, 16 years old!" Pakilala ng babaeng nagsuggest kanina.
"I'm Bella, Bella Rose Gabris, 17 years old." Maarteng pakilala niya habang nakatingin sa 'kin at kay zhaf. Binalewala ko na lang siya at tumingin sa lalaking tumayo.
"I'm Drake, 16 years old!"
"I'm Callis. Nice to meet you.. All." Nagsasalita siya habang nakatingin kay zhafee kaya inis akong tumingin kay zhaf ngunit hindi naman siya nakatingin do'n sa lalaking yun kaya napangiti ako sa kanya at don sa lalakeng yun.
'HAHAHAHA!HINDI SIYA INTERESADO SAYO BRO! SORRY KA NA LANG!HAHAHAHA!'
"ZHAFEE, 17 YEARS OLD." Malawak ang ngiting sabi saka agad na umupo't nakangiting nakatingin sa bonfire. Tahimik ang lahat nang siya'y magsalita. Ngunit balewala iyon sa kanya't normal lang ang naging galaw na animo walang tao sa paligid niya.
"Okay! Anong susunod nating gagawin?" Tanong ng instructor ngunit nanatili parin ang atensyon namin sa kanya. Siya naman 'tong walang kamalay-malay at nakangiting nakatingin lang sa bonfire. "Hello? anyone?"
"Okay!! So ibibigay na lang namin 'tong marshmallow na para sa inyo ano?" Tinignan ko naman siya at kumuha na ng marshmallow para sa amin ni Zhafee.
"Hmm." Abot ko sa kanya.
"Anong tipo mo sa lalaki?"
Gulat siyang tumingin sa 'kin. "W-wala. Ba't mo natanong?"
"Ha? anong wala? haha." Hindi makapaniwalang tanong ko. "Kung sino yung magugustohan ko, 'yon na lang. Ayokong magmahal dahil sa itsura. Ayoko ko din namang magmahal dahil sa ugali."
"Ha? bakit naman?"
"Dahil ang gusto ko, magugustohan ko siya kung sino siya. Hindi iyong babagohin niya kung sino siya para magustohan ko siya. Gets mo?" Malumanay na sagot niya.
"Aaahh, gano'n ba?" Ibig sabihin.. wala akong dapat gawin? just go with the flow? gano'n ba ang ibig mong sabihin, mahal ko? Hehehe.
"Hmmm, ikaw? Anong tipo mo sa babae?"
Bahagya akong nagulat sa tanong niya. Tapos nakangiti pa siya habang nakatingin sa akin!!!!
Waaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!Pinapatibok mo ng mabilis 'tong puso ko!!!
"B-ba't m-mo t-tinatanong?" Nauutal na tanong ko.
Interesado ba siya?? I mean... Arghhhh!!!! Nakakainis!! Heto na naman tayo zacccch!!!!
"Bakit ka nauutal? Hahaha. Tinatanong ko kase wala na akong ibang maisip na topic. Bored na bored na nga ako e. Alangan namang aalis ako dito? at iwan ka? kayo? Nakakabastos naman yata 'yon. Sinimulan ko kaya't tataposin ko...Sagotin mo na, hahaha."
SINIMULAN KO KAYA'T TATAPOSIN KO.
SINIMULAN KO KAYA'T TATAPOSIN KO.
SINIMULAN KO KAYA'T TATAPOSIN KO.
"A-anong sasagotin ko?" Tulalang sabi ko habang nakatingin sa kanya. "Alam mo? Lutang kaba?" Natatawang tanong niya.
"H-ha? Hindi." Naguguluhan kong sagot.
Leche! Ano ba 'tong pinagsasabi ko!!!!!???
"Lutang ka nga, sagotin mo na. Anong tipo mo sa babae?" Malumanay paring pagkakasabi niya.
Ipinatong ko ang aking mga kamay sa aking tuhod pagkatapos ay ang aking ulo.
Huminga ako ng malalim. "Simula palang ay gusto ko na siya..sobrang linis niyang tignan. Nasa kanya lahat ng gusto ko. Hindi siya yung mga gusto ng lalake ngayon. Na nagsusuot ng mga maiikling damit, shorts. Maglalagay ng napaka-kapal na liptint. Pulbo diyan pulbo lahat.. Hindi siya ganon, kumbaga natur---"
"Wala akong sinabeng magkwento ka. Ang sabi ko anong tipo mo sa babae! Isang sagot lang ang hinihingi ko hindi ko sinabing 'anong MGA tipo mo sa babae' hahahahaha."
"Aaaa,"
Ikaw gusto ko hahahahaha. SIMULA ELEMENTARY GUSTO NA KITA. HEHEHE.
- End of this Chapter -
Preview??️
'Back then, you're so cold. Picking paper, counting if you will help the bully dying infront of you.'