Zhafee's POV
"Una na kayo may bibilhin lang kami ni voan." Tinig ni laszlo.
"Sama ka bro?" Tanong ni laszlo kay hale.
"Oo!"
"Sama ako!" Si zhas.
"Huwag na! Magkikita naman tayo mamaya!" Taas kilay kong tinignan si laszlo.
"Sige na!" Pilit nito.
"Sige na kuya!" Si voan.
Bahagya pa siyang bumuntong-hininga at tinignan ang dalawa. "Sige na nga!" Pilit na sagot niya. Tinignan niya naman ako. Pano ka? Basa ko sa mata niya.
Nginitian ko na lang siya at tumalikod na. Hindi na din sila sumunod pa. Balak kong maglakadlakad muna dito sa gilid ng beach. May mga lights sa paligid kaya maliwanag at medyo tanaw mo yung agos ng tubig.
Tumingin ako sa paligid. Medyo marami namang tao. Umupo ako sa buhangin at tumingin sa baybayin.
Si laszlo...hindi ako masyado komportable sa kanya dahil kakakilala lang namin pero nakikita kong magkakasundo naman kami pagnagtagal..pero ang ipinagtataka ko, bakit gano'n na lang ang kagustohan ni mama na maging kami na? Dahil ba sa business? Pero..
"Damn!" Gulat kong sigaw. Agad na tumingin ako sa paligid. Buti na lang at walang nakapansin.
Ginagamit na naman ako ni mama para sa business partner na iyon! Close naman si zhas at voan ah! Bakit kailangang madamay pa ako? Kailangan niya ba talagang magpanggap na gusto niyang magkalapit kami ni laszlo kahit labag naman sa kalooban niya?? O gusto niya talaga? Ginagawa niya nga naman ang lahat para sa pera! Kahit ang kapalit ay saya ng anak niya.
Tumayo ako. "Ay ya!! Ggamjjagiya!" Gulat kong sigaw nang eksaktong paglingon ko.
Translation: Hey!! You startled me!
"Hahaha! How are you? Pinagtagpo nga naman tayo oh!" Tatawa-tawang aniya. Bahagya akong nagtaka.
"Sino ka?" Walang reaksyong tanong ko.
Tumawa siya. "Bakit? Sobrang pogi ko na ba para hindi mo 'ko makilala? hahaha!" Kunot-noo ko siyang tinignan.
"I'm callis...Callis Bruttenholm!" Masayang pakilala niya.
Sandali pang walang reaksyon kong tinignan siya. Lalagpasan ko na sana siya nang hawakan niya ako sa braso.
Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Galit ang mga mata kong liningon siya. "Oh, sorry." Bilis na binitiwan niya iyon.
"Huwag ngayon, nagmamadali ako." Kailangan kong kausapin si mama.
"For what? Mukha namang nandito kayo para magpahinga. 10 minutes lang zhafee."
"Bukas na lang. Siguro hindi pa naman kayo uuwi." Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit hinawakan niya na naman ako.
"10 minutes lang ipagkakait mo pa? zhafee, galit ka ba? Kung sa tingin mo ay iniwan kita, hindi iyon gano'n. Siguro gano'n lang ang naging dating sa iyo. May dahilan ako, pakinggan mo naman oh." Nagmamakaawang sabi niya.
Huminga ako ng malamim. "Hindi ako galit. Pakikinggan ko yang dahilan mo. Pero hindi ngayon, bukas na lang. May kailangan akong kausapin." Pilit na ngiting sabi ko at tinalikuran siya.
"Iniiwasan mo ba ako?" Habol niya ngunit nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
I hate this feeling. Bumibigat 'tong puso ko at namumuo ang mga luha sa mga mata ko. Mukhang alam ko na kung ano ang pakay namin dito.
Kumatok ako sa kwarto nila mama. Bumungad naman siya sa akin.
"Where's dad ma?"
"May kinakausap."
Pinapasok niya ako at umupo naman ako sa sala nila. Ayokong magtagal dito kaya dederetsohin ko na.
"Ma....anong pakay natin dito?" Natatawang tumingin siya sa akin. "Ang mag-enjoy, ano pa ba?"
Malabo ang nakikita ko dahil sa mga luhang pumapaligid sa mata ko, ngunit tumingin ako sa kanya ng deretso. "Ano ho yung business partner na nabubuo?" Nagpipigil ang panginginig na tanong ko.
Mukhang alam niya na kung ano ang ibig kong sabihin dahil natagalan siya sa pagsagot. "Ayaw mo non? May kaibigan ka na naman ulit?" Natatawang sabi niya.
Michyeosseo.
*You're crazy.*
"Ma ito ba ang plano mo? Ang magkalapit kami ni laszlo dahil ako na lang ang walang alam sa nabuong realasyon ng pamilya natin sa pamilya nila? At kung magtatagumpay ka do'n makukumbinsi mo sila na gumawa ng business partner.. gano'n ba?" Tumutulo ang mga luhang sabi ko.
Nagulat siya ngunit hindi niya ipinahalata. Ngumiti siya ng pilit bago nagsalita. "Binggo!"
Tama nga ako. Ngunit ang alam ng mga kapatid ko nandito kami para magpahinga.
"Pero ma, bakit sila pa kung pwede namang iba? Hindi na namin kailangang madamay sa pagkumbinsi mo sa kanila. Pwede namang iba. Ang dami ngang may gustong makipagbusiness partner sa inyo, bakit hindi na lang kayo pumili doon?"
"Bakit?? Hindi ba't iyon ang gusto mo?ang magkaroon ng kaibigan?"
Iniiba mo na naman ang usapan. At halatang hindi mo nga ako kilala dahil hindi tugma ang gusto ko sa palusot mo.
"Ma hindi sa gano'n."
"Eh ano!?" Sigaw niya.
"Gusto kong magkaibigan sa paraang gusto ko! Gusto kong sumaya ng hindi pilit! Gusto kong sumaya ng hindi plano! Gusto kong makakilala ng kaibigan sa paraang hindi plinano! G-gusto kong magkaibigan ng totoo ma. D-dahil doon ako komportable." Tumulo ang mga luhang palagi kong pinipigilan.
"Walang kwentang dahilan yan. Kaibiganin mo na lang sila." Sabi niya habang umiinom ng tubig. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.
"Tapos kapag napamahal na ako sa kanila magbabanta ka na naman? Ma hindi gano'n kabilis magtiwala! at mas lalong hindi gano'n kabilis makalimot!"
"Edi dahan-dahanin mo!"
Nakakainis. Ako ang nahihirapan. Ako ang naiipit.
Hindi na naman ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "Hindi ba pwedeng sa i-iba na lang?" Pagmamakaawa ko.
"Hindi. Masyadong magaling ang pamilya ni Laszlo para sa plinaplano naming negosyo...at saka gano'n ba kahirap para mapalapit ka sa kanya?"
"Oo ma! Ilang buwan bago ako magtiwala at ilang taon bago ako makalimot! Mahirap sa 'kin! Takot akong ilayo mo na naman ang taong kalalagay ko lang ng tiwala! Ma, mahirap iyon! Bibigyan pa kita ng halimbawa! Iyong isang buong araw.....'yong labing-isang oras ay unti-unting nabubuo yung tiwala mo sa isang tao kung gayon ay may alinlangan, at yung isang oras naman ay ibinigay para makompleto yung saya dahil buo na yung tiwala mo at pang huli ay yung labing-dalawang oras na ibinigay para magkalimotan kayo! P-panandaliang saya at n-napakahabang lukot ang ipinaparanas mo sa 'kin tuwing magkakaroon ako ng kaibigan ma.." Humahagulgul na sabi ko. Tumayo ako at umalis doon.
Walang nang kwenta kung magpapaliwanag pa ako ng napakahaba para maintindihan niya dahil kahit anong gawin ko siya parin yung tama at kung alam niyang mali siya ay ipagpipilitan niya parin na tama siya. Gano'n kataas ang pride niya.
Pinunasan ko ang aking luha ng makalabas ako sa kwarto. Gusto kong magpahangin.
Bumungad sa akin sila voan nang bumukas yung elevator. "San ka pupunta?" Tanong agad ni laszlo.
"Wala ka na doon." Seryosong sabi ko.
"Sama ako."
Tinignan ko siya ng deretso saka pilit na ngumiti. "Huwag na."
"Sige na." Pilit niya.
"Woi, 'wag kayong maglandian dito hahaha!" Tinig ni zhaint. Walang reaksyong tinignan ko ang mukha niya.
"Mianhae." tumutungong sabi niya. Buti naman at nakaramdam siya. Bumuntong hininga ako.
*Sorry*
"Samahan kita!" Ulit ni laszlo.
Ayoko sa lahat ay yung kinukulit ako sa tuwing seryoso ako. "Huwag na." Pilit pa rin akong ngumiti ngunit ang ngiting iyon ay may pagbabanta na.
"Sige na." Pilit pa rin niya. Inuubos mo ang pasensya ko.
Inis kong tinignan siya. "Ilang beses ko bang sasabihing wag na para tumigil ka ha!??? Ba't ba ang kulit mo!!? Kung makapilit ka akala mo sobrang close natin a, ano ba tayo ha!? Kakameet nga lang natin kaninang umaga e! Kaya 'wag kang umarte na parang magkaibigan tayo!" Hindi inaasahang sigaw ko. Tumahimik silang lahat. Hindi ko rin namalayan ang ginawa ko.
Pumasok ako sa elevator. Sasara na sana iyon kaso. "9 o'clock na. Delikado na sa labas. Sasamahan kita."
Ngayon lang ako makarinig ng gan'ong salita.
Nagulat ako sa sinabi niya ngunit nanatili akong nakatingin ng deretso. Mula sa gilid ng mata ko ay kita kong hinawakan ni zhaint ang braso ni laszlo at isinenyas na huwag na siyang sumama.
Sumunod naman ito at umatras ng kaonti. "Ingat." Walang tonong habol niya.
Gulat na gulat sila zhas at voan sa nangyari. Nakanganga lang sila kanina.
Nang makarating ako sa baba ay agad akong pumunta sa tabing-dagat.
Umupo ako sa buhangin. Buntong hininga akong nagsalita para ilabas ang aking saloobin. "Bakit ba kase hindi na lang ako nanahimik. Wala naman akong mapapala sa mga pagsagot ko. Kahit anong paliwanag ko, gusto niya pa rin ang masusunod. P-pagod na akong umiiyak sa harapan niya.. Ang tapang tapang ko sa harap ng ibang tao pero ang hina ko naman sa taong gusto kong ipakita ang lakas ko. Kailan ako makakalaya sa mga paghihigpit niya? Pagod na pagod na ako. Sobrang nahihirapan na ako---" Hindi ko naiwasang mapahagulgul.
"Feels nothing, no crying. No hapiness, no sadness. Leave the painful world. I wanna die---"
"Stop crying.."
Dahan dahan akong tumingin sa likoran ko. Si callis.
Nakangiti siya habang nakatingin sa 'kin. Yumuko ako sa tuhod ko. Hinayaan ko siyang umupo sa tabi ko.
Huminga siya ng malalim at nagsalita. "Hindi kita iniwan noon. Pinagbantaan ni tita faye ang mga magulang ko." Gulat akong tumingin sa kanya.
"Hmm." Nakangiting aniya.
Mas lalong nadagdagan ang galit na aking nararamdaman kay mama.
Callis POV.
FLASHBACK
Naguguluhan akong tumingin kay mama. "Bakit ko naman gagawin iyon? Siya lang ang naging tunay kong kaibigan! at siya magpakailanman!" Sigaw ko.
"Anak, kailangan mong gawin dahil mawawala ang pinaghirapan namin ng mama mo kapag patuloy mo siyang lalapitan!" Paliwanag ni papa. Inis kong tinignan siya. HINDI KO MAINTINDIHAN.
"Yung mga negosyo natin lahat yun business partner at mas malaki ang share nila kaysa sa atin. Ang mga lupa na kinatatayuan lahat ng negosyo natin ay pag-aari nila. Nagbanta ang mama ni zhafee na kapag hindi mo layuan ang anak nila ay kukunin nila lahat iyon at wala tayong magagawa dahil lahat ng mga lupa at buildings ay sa kanila, tayo lang ang nagpapatakbo. Parang tauhan lang kami sakanila anak." Paliwanag niya habang nakahawak sa kamay ko.
"Pa, Ma, Hindi niyo ba maaring gawan ng paraan?? Pakiusap... Hindi ko kakayanin." Makaawa ko habang namumuo ang luha sa gilid ng mata ko.
"S-si zhafee nangako ako sa kanya na hindi ko siya iiwan dahil ako lang ang kaibigan niya at ako lang ang tunay niyang kaibigan. P-paano na kapag l-lalayo ang isa sa amin? Paano na siya? Wala na siyang masasabihan ng mga problema niya. W-wala na siyang kasabay tumawa. W-wala na siyang masasandalan. Wala na siyang kasama. W-wala ng maglilibang sa kanya kapag ang b-bigat bigat na ng problema niya..A-alam niyo namang ako lang ang n-nagpapakalma sa babaeng iyon. A-ako lang ang nakakaalam lahat ng sikreto niya lahat ng p-pinagdadaan niya. Ilang taon bago 'yon nagtiwala sa akin. Halos magpakamatay na ako makumbinsi ko lang na makasama ko siya sa isang araw..M-ma, pa. N-nangako ako kay z-zhaffee na hinding hindi k-ko siya iiwan.. N-nangako ako ma..." Paglalabas ko ng saloobin. Kasabay non ay ang pagpatak ng aking mga luha.
"Nangako ako..." Humagulgul na ako sa pagluha.
Hindi ko kayang wala siya dahil nasanay akong kasama siya.
"Promises are meant to be broken anak." Sabi ni mama dahilan para mas humagulgul ako sa pagluha. Umalis ako sa dining area at tumakbo patungo sa kwarto.
Hindi maaaring mahiwalay siya sa akin. Siguradong magbabago 'yon.
Paano na ang mga luha mong tutulo sa unan at hindi sa balikat ko? Paano na ang mga ngiti at tawa mong lumipas, mauulit pa kaya? Pagpapanggap na lang ba lahat ng mga iyon? Paano na ang mga salitang binitawan ko sa iyo? Lalo na't iyon ang pinanghahawakan mo. P-paano ka na?
Ayokong bumabalik ka sa dating pinaghirapan kong baguhin.
Back then, you're so cold. Picking a paper, make them into pieces and counting if you will help the bully dying infront of you.
Mas lalong humagulgul ako dahilan para mas lalong mapayakap ako sa aking paa at mapayuko ang aking ulo sa tuhod.
Ayokong bumalik ka sa gano'n. Hindi maari.
Pupuntahan kita bukas. Pangako.
Ilang oras ang aking pagiyak bago ako nakatulog.
Alas sais palang ng umaga ay nakabihis na ako.
Namamaga at ang pula ng aking mga mata. Mainit din ako. Pero di bale na basta makita ko siya.
Pupuntahan kita. Dahil hindi ka karapat-dapat na iwan na lang ng basta basta.
Kinuha ko ang jacket ko at bumaba ng hagdan.
Nang makita kong wala pang gising ay binilisan ko ang pagpunta sa pintuan hindi ako tumakbo dahil baka maririnig nila. Dahan-dahan kong binuksan iyon.
Napatingin ako sa kotse. Hindi ko 'yan kayang manehohin baka maaksidente lang ako. Kinuha ko ng bike.
Nanghihina ang katawan ko at kaonti na lang ang natitirang lakas ko kaya't marapat lang na ibigay ko ito sa taong nangangailangan.
Taka kong tinignan ang bahay nila.
Bakit walang ilaw? Medyo madilim palang ang paligid.
Huwag mo namang iparamdang umalis kayo.
Agad akong nag doorbell sa gate nila. Ilang beses kong pinindot iyon ngunit walang lumalabas o sumagot.
Napakagat ako sa aking darili dahil sa kaba. Tumingin ako sa paligid. Nagbabakasakaling may tao. May nakita naman akong lalake sa harap ng bahay nila kaya nilapitan ko agad siya. Mukhang papunta siya sa trabaho dahil naka pang uniform ito ng opisina.
At dahil nanghihina ako, dederetsohin ko na. "Excuse me po, umalis po ba yung pamilya na nandiyan?" Turo ko sa bahay nila zhaf.
"Oo, umiiyak nga yung bata na parang kaedad mo. Ayaw umalis, kawawa nga eh."
Bumalik ako sa harap ng bahay nila zhaf. Pinagmasdan ko iyon. Mukhang wala talagang tao. Agad na namuo ang mga luha ko.
Sobrang nanghihina na ang mga tuhod ko at nawawalan na ako ng balanse.
"Z-zhafee..." Kasabay ang pagpatak ng mga luha ko ay nanlabo ang paningin ko at agad na bumigay ang katawan ko. Natumba ako sa sahig. Sinubukan kong imulat ang aking mga mata sa huling pagkakataon ngunit hindi ko kinaya.
End of Flasback
Kwinento ko kay zhaf yung nangyari at halatang nagulat siya.
"Sinubukan kitang hanapin sa school pero ang sabi ng teacher natin ay kakatransfer mo lang daw. Tinanong ko kung saan pero ayaw sabihin. Ilang buwan akong malungkot non. Iyak sa gabi tapos sa umaga namumuo ang luha ko pagnakikita ko yung mga lugar na pinupuntahan natin. Araw-araw pa akong nakatutula n'on. Araw araw akong nangangarap na sana makita kita. It's hard. Sobra. Pero naghiwalay man tayo noon at least nakita kita ngayon. Ano? Ang laki na ng pinagbago mo a. Ako pa rin ba? Hahaha."
"Bakit naging ikaw ba?" Tanong niya at saka tumawa.
"Ay!Hindi ba? Hahaha."
"Hinde!" Sigaw niya dahilan para magtawanan kami.
"Simula no'ng naghiwahiwalay tayo, wala pa?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Wala... Ikaw, meron na diba? Yung babae kanina."
HAHAHAHAHAHAHA she's talking about bella my classmate. Not friend.
"Hindi. Yung babaeng...kaharap ko ngayon. Cool right? I'm in relationship with you without you knowing..super long distance relationship...hahhaaha" Nakatinging tinignan ko siya. Nagugulahan naman siyang tumingin sa akin. Tinapunan ko siya ng seryosong tingin.
"Hinintay kita. Dahil ramdam kong magkikita pa tayo. Hindi maaring ganon na lang yung magiging ending ng story natin. Ang panget no! HAHAHA!" biro ko.
"Seryoso ka?" Hindi makapanilawang sabi niya.
"Nope joke lang hahahahaha"
"Aaahhh, gano'n ba? Hehehe" Pekeng tawa niya. Takang tinignan ko siya.
"Naiilang ka ba?" Seryosong tanong ko. Kanina pa siya ganyan. Parang umiiwas.
Tumingin siya sa 'kin at agad na iniiwas iyon. Wala pang tatlong segundo kung tumingin siya.
"Classmate ko silang lahat." Tukoy ko kila nicole, drake at bela.
"Ang kaibigan ko lang doon ay si drake. At ang kaibigan ni drake ay si nicole. Ang kaibigan naman ni nicole ay si bela. May business partner ang mga magulang namin. Sabi nila mall daw, dito naman nila naisipang pumunta kasi yung si bela daw half korean. Sobrang big time kaya sagot nila lahat ng gagastosin namin dito. Ayoko ngang sumama dito kaso masyadong mapilit si mama sabi niya why not makipagkaibigan ako sa kanila. Ang kapalit daw ng pagsama ko dito ay bibilhan niya ako ng bagong kotse, kaya pumayag na ako. Sobrang luma na rin kasw yung ginagamit ko. Ayokong makipagkaibigan sa ibang babae dahil wala ng hihigit sa pinagsamahan natin. At ayokong mahigitan iyon." Paliwanag ko sa kanya. Ngumiti naman ako sa kanya ngunit kataka-taka na wala kang mababasang reaksyon sa mukha niya.
"Ba't ka nagpapaliwanag?" Wala paring reaksyong sabi niya. Tulala kong tinignan siya.
'Ba't ka nagpapaliwanag'
'Ba't ka nagpapaliwanag'
'Ba't ka nagpapaliwanag'
'Ba't ka nagpapaliwanag'
'Ba't ka nagpapaliwanag'
Ulit-ulit 'yan sa pandinig ko. Nang matauhan ako ay agad kong iniiwas ang tingin ko. "Dahil mukhang naiilang ka??"
"Yung....yung kanina..narinig mo lahat 'yon?"
'Yon lang pala e hahahaha.
"Oo!HAHAHAHAHAHAHHAH! Walang nagbago!ang drama mo! Hahahahha!" Biro ko.
"Pero sino yung tinutukoy mo kanina?"
"Mapagkakatiwalaan ba kita?" natawa ako sa tanong niya. "Mga sikreto mo nga noon tinatago ko pa rin hanggang ngayon. Naalala mo no'ng may binigay kang love letter sa crush mo? Busted ka nga do'n iiyak iyak ka sa harapan ko. Eh mas gwapo nga ako kesa do'n." Natatawang sabi ko.
"Si mama." Seryosong sabi niya. Natigilan naman ako.
"Bakit?"
"Huwag mong sasabihin kahit kanino? lalo na sa mga kapatid ko ha?"
"Hmmm."
"Yung kasama namin kanina ay anak ng kabusiness partner nila mama..gumagawa si mama ng paraan para magkalapit kaming apat. Ginagamit kami ni mama para makumbinsi niya yung mga magulang nila."
Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. "Kaya uumiiyak ka kanina na parang mag-isa ka sa kwarto mo? Eto yung sinasabi ko no'n. Hindi ako nag-aalala sa sarili ko, kung 'di nag-aalala ako para sa'yo dahil alam kong matagal bago ka makahanap ulit ng masasandalan mo. Bawat galaw mo natatandaan ko zhafee..kaso parang nagbago ka na.. tumigas 'yang puso mo, at halata sa galaw mo kanina. Nawawalan ka na ng pake sa paligid."
"Nagkaroon ulit ako ng kaibigan noon...pero sandali lang iyon. 3 months nga lang e. Walang tatalo sa pinagsamahan natin..5 years."
"But you came back. Can we start again?" Malungkot ang mga mata niya at parang kinakabahan sa magiging sagot ko.
"Huwag."
Tumingin ako sa kanya. "Ipagpapatuloy. Hindi pwedeng iwan mo ang nakaraan natin dahil iyon ang nagpatatag sa nabuong samahan natin." Nakangiting sabi ko. Sinuklian niya naman ako ng ngiti. Naalala ko kung pa'no siya humikbi kanina.
Isang segundo pa lang ang pagtitig ko sa kanyang mga mata, ay halatang pagod na.
"Hindi ka pa ba pagod?" Tanong ko ng makitang kanina pa siya tulala sa tabing-dagat.
Tinignan niya lang ako at saka tumango bilang sagot. Una akong tumayo at tinulungan siya.
"Salamat." Nginitian ko lang siya. Paglingon namin ay nakita ko yung lalaking katabi niya kaninang nagbonfire kami. Napaatras si zhafee at muntik ng matumba ngunit nahawakan ko siya sa baywang. Agad naman siyang bumalik sa pagkakatayo at tumingin do'n sa lalaking 'yon.
Tsk, don't dare take my place.
- End of this Chapter -
Preview?
"Ilabas mo lahat ng sakit na nararamdaman mo, sa harap ko at didinggin ko..pero ipangako mo na hindi kana iiyak tulad ginagawa mo ngayon sa harapan ko."