Laszlo's POV
"Woi! Halika nga dito! Kanina ka pa lakad ng lakad diyan. Pabalik balik ka lang naman!" Natatawang ani Hale. Bilis akong lumapit sa kanya. "Sa tingin mo, sa'n kaya siya pumunta?"
"Anong alam ko do'n!" Sigaw niya. Inis ko naman siyang tinignan.
Psh. Di na lang sana ako nagtanong sa iyo, nakalimutan ko. Wala kang kwentang kausap.
Tumayo ako at akmang bubuksan ko yung pinto nang magsalita si hale. "Huwag mo nang puntahan! 'Di ka mahal non!"
"Hhahahahahahaha" tawa nilang tatlo.
Napangisi na lang ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Una ay pumunta ako sa 1st floor at hinananap siya do'n pero wala. Pumunta ako sa bilihan ng ice cream wala din. Pumunta din ako sa bilihan ng pizza pero wala din. Pumunta din ako sa area, sa tent pero wala talaga e.
Sa'n ba nagpunta 'yon?
Kanina ko pa sinisipa 'tong mga bato na nadadaanan ko dito sa hallway. "Psh! Kala mo naman kung sino ka! Crush lang kita!!..ay gusto pala! ay hindi! Mahal na kita! Makukuha rin kita! at kapag nasa akin kana hindi ko hahayaang pagsabihan mo ako tulad ng kanina!" Kunot-noong sigaw ko habang itinataas pa ang daliri ko.
Huminga ako ng malalim. "Ba't ba ang kulit mo bla bla bla dahil mahal kita baket ha? Angal ka? Angla ka?? Kung makapilit ka akala mo sobrang close natin a, ano ba tayo ha.. ble ble ble ble, kakameet nga lang natin kaninang umaga. kaya 'wag kang umarte na parang magkaibigan na tayo ble ble ble bl--" Ulit ko sa sabi ni zhaf. Natigilan ako sa pagiinarte ng malingonan ko ang isang lalake at babae.
Nakangiti akong tumingin doon sa lalake at babae.
Ang sweet nilaaaaa...ganyan sana tayo pero killjoy ka!!
Iniabot yung kamay ng lalake dun sa babae para tulungan siyang tumayo..
Ngunit....
Si zhaf yun ah! At tsaka yung kalis!
Kunot-noo ko silang pinagmasdan.
Hinay hinay lang tayo laszlo. Wala pa tayong karapatan para pagbawalan siya.
Nang malingonan nila ako ay sobrang nagulat si zhaf. Dahilan din para umatras siya at ma-out of balance. Buti na lang at nahawakan ni kalis yung likod niya dahilan din para mapapikit ako.
Inhale..exhale....wala pa tayong karapatang magseloss..
Naiinis ako ngunit kailangan kong maging kalmado. Iwas tingin akong lumapit sa kanila.
"Gabi na, kaya hinananap kita pero may kasama ka palang iba." Nanatili akong nakatingin sa baybayin. Mas maganda dito kapag gabi. Hindi ko 'to nadaanan kanina.
"Kalis." Tinignan ko yung kamay niyang nakikipagkamay, hindi ko sana hahawakan iyon ngunit aksidenteng nalingonan ko si zhafee. Sobrang sama ng tingin niya.
1.....
Iyan lang yung bilang na nakipagkamay ako sa kanya. Napilitan lang ako 'no. napipili lang kung sinong humahawak sa akin. Tch.
"Hindi mo ba sasabihin ang pangalan mo?"
Galit ang mga mata kong tumingin sa kanya. "Hindi." Pagsusungit ko. Tumalikod ako't nagpalakad papalayo. Nakakailang hakbang palang ako ng marinig kong magsalita ang lalake.
"Tara na?" Dinig kong yaya ni kalis kay zhaf.
Tch.
Bumalik ako at pumagitna sa kanila nang hindi pa din tumitingin sa kanilang mga mukha. Tinignan ko silang dalawa sa gilid ng mata ko. Nakakunot noo si kalis habang si zhaf ay nakatingin lang.
Gano'n na lang ang gulat ko nang pumunta si zhaf sa gilid ni kalis.
What the??
"Tch. Karibal nga kita." Sabi ko nang ako lang ang nakakarinig.
"Zhafee, may ibinubulong yung unggoy." asar na sabi ni kalis.
What!!?
Bahagya akong nakaramdam ng inis sa sinabi niya. "Bawiin--" bigla ay nalingonan ko ang ngiti ni zhaf kaya napatigil ako muntik na akong mapangiti kaso nauna na sila sa paglalakad.
Kahit ganito ang kalagayan ko, makita ko lang siyang ngumiti. Sobrang okay na sa akin.
Nakangusong kunot-noo ko siyang pinagmasdan. Lumingon siya no'ng nakakatatlong hakbang na sila.
Inilibas niya yung dila niya at yung itsura niya parang nakainom ng kalamansi.
Psh. Ang panget mo.
Zhafee's POV.
Gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko si laszlo na masama ang tingin niya sa amin ni callis. Hindi ko inaasahan na nandito siya.
Lumapit siya sa amin ng naka kunot-noo nang hindi tumitingin ng deretso. Wala naman akong dapat sabihin sa kanya dahil alam ko naman ang pinunta niya dito.
"Gabi na, kaya hinananap kita pero may kasama ka palang iba." Nakatingin sa dagat na sabi niya.
Wala akong sinabing hanapin mo ako.
"Callis." Pakilala niya. At iniaabot yung kamay niya tinignan niya lang iyon. Nangunot-noo ako.
Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?
Nang malingonan niya ako ay nakipagkamay naman siya.
Ang bilis niyang tinanggal iyong kamay niya sa pagakakahawak kay callis. Kapal neto. Napangiti na lang ako.
"Hindi mo ba sasabihin ang pangalan mo?"
"Hindi." Pagsusungit niya.
Nagsimula na siyang maglakad. "Tara na?" Baling sa 'kin ni callis. Tinangohan ko lang siya ngunit hindi pa kami nakakatatlong hakbang ay bumalik siya at pumagitna nang hindi pa din tumitingin! Natatawa ako sa kanya pero wala ako sa sarili para tumawa.
Daig niya pa ang babae ngayon kung gumalaw. Halatang nagseselos siya pero ayaw niyang ipahalata. May topak talaga 'to. 'topak na unggoy' hahahaha.
Tinignan ko muna siya bago pumunta sa tabi ni callis. "Mukhang magiging karibal kita.." dinig kong bulong niya. Tsk. Magbubulong pero dinig naman.
"Zhafee, may ibinubulong yung unggoy." nang-aasar na sabi ni callis. Napangiti ako sa sinabi niyang iyon.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. "Mukhang masaya siya kasama zhaf." Usal ni callis. Nginitian ko lang siya. "I don't think so. Ngayon ko lang siya nakitang gano'n. Pacute lang yung alam nun kapag kami at mga kapatid ko ang kasama."
"Magkakasundo kaya kami no'n kapag nagkaibigan kami. Ano sa tingin mo?"
"Pwede na." Sang-ayon ko.
"Noong naghiwalay tayo...diba sabi mo nagkaroon ka ulit ng kaibigan? Sino sila? Kasama mo ba sila ngayon?" Nalungkot ako sa tanong niya.
"Two years bago ako nagkaroon ng kaibigan matapos yung nangyari.. Sila Cassie, Drey at Ken. Do'n ulit ako nakaramdam ng saya, sa kanila. Pero di nagtagal nagbanta na naman si mama. Sabi niya ipapahamak niya daw sila kapag hindi ko sila nilayuan.. Alam mo naman yun, ginagawa niya talaga kung anong sinasabi niya... Makalipas no'n wala na. Bumalik na naman ako sa kalungkotan. At tsaka sayang nga... muntik na akong magkagusto sa ken na iyon. hahahaha!"
"Muntik lang? Hahahaha. Pero grabe talaga si tita faye, sobrang higpit. Pero teka..diba nagustuhan mo ako no'n?!" Nakaturo pa ang darili niya sa akin. Gulat ko namang tinignan siya. "Hindi a. Kapal mo!"
"Nagbibiro lang. Kanina ko pa kase napapansin. Iba na 'yang ngiti mo. Noon lubos ngayon parang pilit na lang..sobra ka yatang nakulong sa kalungkutan?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Ngumiti ako sa kanya.
Ayokong maging mahina sa harapan niya.
"Hindi a, tignan mo." Ngumiti ako ng abot hanggang langit. "Oh, oh, diba? dib--" napatigil ako nang makitang seryoso na siyang tumitingin sa akin.
Itinuloy ko parin iyon. "Tignan mo kase. Walang kulang." Pilit akong ngumiti. Nagmumukha na akong tanga pero ngumiti ako.
Maniwala ka na. Ayokong umiyak sa harapan mo. Na parang hindi ko kinaya mag-isa lahat ng pinagdaanan ko.
"Tumigil ka. Hindi ka nakakatawa. Kung sila naloloko mo, ako hindi. Kilala kita. Naghiwalay tayo ng matagal pero kilala ko ang bawat ngiti mo dahil iyan ang aking tinandaan no'ng panahong wala ako sa tabi mo. Maniniwala ako kapag nagpanggap kang malungkot ka kahit masaya ka. Pero kapag nagpapanggap kang masaya ka kahit malungkot ka. Huwag ka nang umasa na maniniwala ako dahil 'mula pagkabata, iyon ang aking nakasanayan na itsura mo." Seryosong sabi niya. Namuo ang mga luha sa aking mga mata.
"Maging mahina ka sa harap ko at palalakasin kita. Maging masaya ka sa harapan ko at sasabayan kita.. mula ngayon kasama mo na ako. Hindi na kita iiwan ano man ang maging hadlang. Tandaan mo, ikaw ang unang naging kaibigan ko at ikaw ang magiging huli. Maging sa huling paghinga ko, ikaw ang iisipin ko. Pangako ko...panghawakan mo..." Niyakap niya ako.. do'n naman ako lumuha sa dating sandalan ko.
"Ipagpapatuloy natin ang naputol na samahan."
"Ilabas mo lahat ng sakit na nararamdaman mo, sa harap ko at didinggin ko..pero ipangako mo na hindi kana iiyak tulad ginagawa mo ngayon sa harapan ko." Walang tono ng boses niya ngunit mararamdaman mong sinsero. "Ikaw ang kahinaan ko at ako ang kalakasan mo." Dagdag niya pa.
"H-hindi ko akalain na sa k-kabila lahat ng pinagdaan ko ay nandito ka ngayon para paginhawahin ang loob ko.. Salamat. M-maraming salamat." Ipinatong niya ang kanyang kamay sa likuran ko at malambot na tinapik iyon gamit ang kanyang mga darili. "S-sorry. Hindi ako naging matapang. Heto ako't ngayon umiiyak sa harapan mo."
Inilabas ko lahat ng luha ko. Gumaan ang pakiramdam ko sa pangyayaring iyon.
Tinignan ko iyong damit niya.. basang basa na. Halos kalahating damit ang naiiba ang kulay.
Tinignan ko yung mukha niya at nakangiti lang siyang pinagmamasdan ako. "Y-yang...i-iyang damit mo basang basa na... Pasensya na.." Nahihiyang sabi ko.
"Hahaha."
~huukkk~
Yung balikat niya ay ibinalot niya sa leeg ko at kinaladkad niya akong lumakad!
"Umayos ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya nang bumukas yung pintoan ng elevator.
"Oo, salamat."
"Ge, pahinga ka na. Jaljja!" Ikinaway niya yung kamay niya.
Ngumiti naman ako sa kanya at ikinaway ko din ang kamay ko. Nang makapasok na siya sa kwarto nila ay naglakad na ako patungo sa dulo ng floor.
Bubuksan ko na sana iyong pinto kaso may nagsalita. "Hindi mo lang ba ako napansin dito?! Mas nauna pa akong nakarating dito kaysa sa inyo! Tch!"
Nilingon ko siya. Nakakrus ang mga braso't paa niya. "Madilim kaya di kita napansin." Ngumisi ako sa kanya. Lumaki naman yung mata niya. "Woi ang puti puti ko kaya!! Mas maputi pa nga ako kesa sa unggoy na 'yon!!"
Tinalikoran ko siya at bumalik sa harap ng kwarto ko. Binuksan ko yung pinto at akmang papasok ako nang magsalita na naman siya. "Dito muna tayo sa kwarto ko. Nanonood sila ng movie. Kanina pa nila tayo hinihintay. Bumili kami kanina ng popcorn, pizza at ice cream. Pero nagdrama ka, tapos hinanap kita pero kasama mo yung ungg--"
Papasok na sana ako ng hawakan niya ako sa braso. "Pagod ako. Gusto ko ng matulog." Walang interes na sabi ko.
Naiintindihan kong nageffort sila para magkakasama kami pero pagod na talaga ako. Pagod 'tong mata ko.
"Hhmmm. Halata naman, namamaga 'yang mga mata mo. Gusto ko lang iparating sa iyo na bumili kami ng mga gusto mong pagkain para sorpresahin ka sana. Pero galit ka kanina, di mo pa nga napansin yung mga binili namin para sa 'yo, sa ating lahat."
"Pag--"
"Okay lang, next time na lang.. pahinga ka na. Sobrang pula ng mga mata mo.. Panaginipan mo ako ha?" Walang tampo ang tinig niya. Bagkus, tonong parang alam ang pinagdadaanan ko.
Parang nakalimutan kong ginamit lang kita kahapon.
Pumasok na ako at isinara yung pinto. Naligo muna ako bago matulog. Hindi nagtagal ay humiga ako sa kama.
Ang haba ng araw na 'to.
Kinabukasan ay agad akong naligo, nagbihis at agad na lumabas ng kwarto.
Napaatras ako nang makita ko si laszlo pagbukas ko ng pinto. Walang nagbago sa tayo niya kagabi.
"Joh-eun achim!" Nakangiting bati niya pero nilagpasan ko lang siya.
*Good morning*
"Woi! Nanginginig 'tong paa ko kakahintay sa 'yo tapos iignore mo lang ako?" Pasigaw na sabi niya. Napahinto ako sa sinabi niya.
Wow, astig a. Iignore?
Humarap ako sa kanya. "May sinabi ba akong hintayin mo ako?" Nakangiting saad ko.
"W-wala!per--"
"'Yon lang yung tanong ko, huwag mo ng dagdagan, dahil IIGNORE lang din kita hahaha." Nginitian ko siya ng nakakaasar.
Bago ako tumalikod ay nakita kong nangunot-noo at nanguso yung bibig niya.
Bumungad sa amin si callis sa harap ng kwarto nila. "Si unggoy, asan?"
Nakangiting tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako.
"Nand---"
"He's sick, kakaseselos niya yata kagabi."
"Hahaha." Tawa niya.
"Tch!" Singhal ni laszlo at nanguso.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad palapit sa resto dito sa baba. Pero si laszlo patuloy pa rin sa pagbulong.
"Tch! Mas gwapo ako kesa sa 'yo noh! por que ikaw yung pinapansin, kala mo kung sino kana?!"
"Hindi ako nagseselos! Pero may pake ako sa 'yo! Mahirap bang pansinin ako? Mas gentleman nga ako kesa diyan e.. Binilhan kita ng mga paborito mong pagkain tapos sasabihin mo lang na pagod ka na? tch! Ang sama ng ugali mo!kahit isang piraso lang sana kinain mo!makita ko lang na kumain ka sa harap ko!" Singhal niya pa.
"Caramel Macchiato parin ba?" Tanong niya sa akin nang makarating na kami dito sa baba. "Hmm." sangayon ko.
"Sa akin din!" Si laszlo.
"May nagsasalita?" Si callis.
"Wala." Nakangiting sabi ko.
Hahahaha, pangungusoin ko yang bibig mo at pagdidikitin ko yang kilay mo buong araw. Tignan natin kung saan aabot yang pasensya at kapikonan mo sa akin.
"Edi 'wag! Kayang kaya kong bilhin lahat ng nandito noh!"
Tinignan ko siya. Bumaling ako kay callis.
"Tumabi ka." Utos ko kay callis. "Ha?" Inosenteng sabi niya. "Tumabi ka!" Medyo nilakasan ko na 'yong boses ko. Humarap ako sa cashier.
"Ne Caramel Macchiato Coffee-yeyo, ne mul... Ilan yung cake mo?" baling ko kay callis. Mula kase dito sa kinatatayuan ko ay kita ko ang cake na nasa ibaba ko. Sobrang liit na slice. "Dalawa."
"Yug chocolate cake-ku."
*yug - six
ne - four
mul- water*
"Apat na caramel macchiato coffee, apat na tubig at anim na chocolate cake.. 122,308 won po." Nakangiting sabi ng cashier.
Nakanganga naman akong nilingon siya!
"Nagtatagalog ka?" Namamanghang tanong ko.
"Yes, this is a filipino line ma'am." Turo niya sa taas. "May mga filipino food din kami. Just in case ayaw niyo ng mga korean food."
Tumingin ako kila laszlo at callis. Natatawa naman sila. Tumingin ako sa taas.
FILIPINO LINE.
Nakakahiya!!
Napayuko ako't bilis na humanap ng upuan. Nang may makita ako sa kalayuan ay dali dali akong umupo doon.
Nang tumingin ako sa cashier ay nagbabayad na si callis at si laszlo nakangiting pinagmamasdan ako! Inis ko siyang sinuklian ng tingin!
Ipinatong ko yung ulo ko sa table.
Nakakahiya!!! Ang plano ko sana kanina ay pagbayadin si laszlo sa lahat ng inorder ko! Pero!! Arghhhh!! Nakakainis!!!! Gano'n ang nangyari!! Ang astig ko pa magsabi ng, yug at ne!! Proud na proud pa!!! Tapos...gano'n lang?! Arghhhhhh!! Nakakahiya!
"Oh. Kainin mo lahat 'yan dami dami mong inorder tapos hindi pala ikaw ang magbabayad, hahaha.." Tinig ni callis.
Dahan dahan ko siyang tinignan. At muling yumuko!
Aissssssshhhhhhhh!! Nakakahiya!
"S-sorry. B-babayadan ko na lang.." Tumango ako habang nahihiyang kinuha yung kape.
"Hahaha, huwag na, kailan pa kita pinagbayad? At kailan ka gumastos? Hahahha.. nakakalimutan mo na ba? 'OO NA KURIPOT AKO, KAYA IKAW NA MAGBAYAD!' sabi-sabi mo pang gano'n noon.. at tsaka okay lang may pera naman ako. Hindi ko naman sinasayang. Ibubusog naman natin.." Dinig kong sabi niya pero walang interes na kinakain ko 'tong cake.
"S-si laszlo sana yung pagbabayarin ko kanina dahil sinabi niyang kaya niyang bilhin lahat ng nandito, ang yabang kase e... p-ero.. p-ero... Aissshhh! 'Wag na nga lang magexplain!! Sorry na lang!" Nakasimangot na sabi ko habang nakatingin parin sa cake.
"I-isinama ko pala si zhas, voan at zhaint sa order kaya marami..."
"Sino sila?" Tukoy niya kay voan.
"Kapatid ko si voan at kapatid niya si zhas. Oh diba? Perfect match?" Singit niya, then he smirk on me.
Tch, Epal.
"Oh! mas bagay pala tayo zhaf! Walang double date! Walang PANIRA kapag nag-date tayo!" Diing sabi ni callis.
"Anon---" Inis na sabi ni laszlo.
Ngumiti naman ako. "Oo nga eh, wala ng EPAL!" Putol ko sa sasabihin niya at idiniiin ko din yung pagkakasabi ko ng epal.
Your turn.
"Woi! Ikaw! Tignan na lang natin kung sino yung mananalo sa huli!" Nakangising sabi niya kay callis.
"Titignan ko lang sila voan babalik agad ako. Huwag kayong gagawa ng ginagawa mag boyfriend at girlfriend! lalo na sa mag-asawa!!! Kung 'di.. patay ka sa akin." Isinenyas pa niya kay callis yung 'patay'.
Bumaling ako kay callis. "Ang sabi nila sa akin kailangan na naming umalis sa bahay na iyon dahil medyo luma na daw. Tinanong ko kung malapit lang ba iyon sa paaralan natin no'n. Ang sabi nila oo daw. Pero hindi pala. Kinabukasan no'n gumising ako ng maaga para pumunta sa school pero hindi ko na mahanap yung uniform ko. Without knowing that I already transfer to another school.. a-and Daddy told me that i'll never see you again..Nagkulong ako no'n sa kwarto ng dalawang araw. Walang kain. Walang ligo. Iyak lang. Paglabas ko no'n nahimatay ako. Hindi nila ako dinala sa hospital. Kumuha sila ng private doctor.. Simula no'n bahay at eskuwela na lang yung pinupuntahan ko. Hanggang sa nameet ko sila cassie, yung sinabi ko sayo?" Baling ko sa kanya.
Wala akong balak sabihin na yung thirty minutes lang na oras ay naging dahilan ng naging paghihiwalay namin.
"Ah, oo."
"Kaya gano'n na lang iyong pag-iyak ko kagabi. Wala ako sa sarili no'ng naglalakad ako dahil wala akong ibang inisip kung bakit nila ginawa iyon, hindi na din ako nag-abalang tanongin si mama dahil paulit-ulit lang 'yong sasabihin niya."
Tumingin ako sa kanya. "Alam mo kung anong sasabihin niya? 'ang tagal tagal na no'n, ang isipin mo mabutit't nagkita kayo ngayon. Iyon ang importante' iyon yung sasabihin niya without knowing yung magatal na sinasabi niya sobrang laking peklat sa puso ko.."
"Huwag kang iiyak. Siguradong babalik agad si laszlo. Ayokong may ibang lalaki na magpapalakas sa 'yo kun 'di ako lang. Dahil ako ang BEST FRIEND mo.. siguro iniisip mong pangbata yung salitang iyon pero sinasabi ko lang kung ano ang tawag sa samahan natin. Hindi lang iyon salita para sa 'kin dahil yung best, ginagawa talaga ang lahat. The best nga e diba? wala nang dapat makakatalo do'n." Nakangiting sabi niya sa akin habang hinahawakan iyong buhok ko.
"Napakaswerte mo dahil ikaw ang napili kong BEST friend HAHAHAHAHAHAHA!"
"Hala! Andaya, baliktad! Hahaha!"
~~pakk~~~
Aray!!!
Napatingin kaming dalawa sa sumampilo ng kamay ni callis dahilan para mapayuko ako pero agad ko na tinignan iyon.
"Tigilan mo ang kakawahak sa buhok niya at baka kalahati ng kamay mo ang matitira." Seryosong singit ni laszlo.
Aaahhhh, gano'n!?
Hinawakan ko yung tenga niya at iniikot iyon!! Pagkatapos kinalakad ko siyang umupo gamit ang tenga niya at kamay ko!
"A-a-a-a-arayyyyyyyy!!!!!!!!!!!!!!" Sigaw niya habang hinahawakan yung tenga niya.
Anooooooooooooooooo???!! Masakeeeeeeeeeeet?!
"Subukan mong ganonin siya ulet at, sisiguraduhin kong iisa na lang ang matitirang tenga mo. Hindi 1 1/2 hindi 1 1/4 hindi 1 1/8 kun 'di Isa. Isa lang!" Nakangising banta ko sa kanya.
Nagdikit ang mga kilay niya at nakanguso ang bibig niya. "Boooooooooommmmmm!" Si zhaint.
"HAHAHAHAHAHAHA!! Wala ka pala kuya e! Babae, natalo ka! Bakla ka yata eh!" Biro ni voan. Bahagya pang hinawakan ito sa braso.
Nakangiti lang akong nakatingin sa kanya habang siya ay dikit na dikit 'yong kilay niyang nakatutok kay callis. Habang si callis naman ay natatawa.
"Hindi a! Mahal ko 'yan o!" Turo niya sakin.
Nawala ang ngiti sa aking labi at seryoso siyang tinignan.
Hindi magandang biro 'yan. Your mistake, tsk.
"Ulitin mo." Mahinahong sabi ko.
"H-ha?" Tulalang sabi niya sa akin.
"Ulit---"
"Mahal kita.."
- End of this Chapter -
Preview?
¹ "Maganda naman yang boses mo.. pero.... akin parin siya, hahaha."
² "Pupunta tayo sa Galeas Island kung saan may ocean park! Manonood tayo ng Sea lion Show! Ang susunod ay sa Habbakuk Island! kung saan may banana boat, mga cartoon characters, at mga lugar na pang photogenic at marami pang iba!"