LUNA “Sigurado ka na ba sis sa desisyon mo?” Inayos ko an pagkakasandal sa headboard ng kama. Bago ko balingan ng tingin si Sol na kanina pa nangungulit tungkol sa pinag-usapan namin ni Forrest. “Yes, hindi lang yun para sa akin Sol. Ayokong mag-alala sa tuwing nawawala siya sa paningin ko. Ayokong maulit yung nangyari sa pier. Nandoon ka noong halos mabaliw na ako sa paghahanap sa kanya diba? Hindi sa lahat ng oras nasa tabi niya ako kaya gusto ko din siyang matutunan kung paano niya maipagtatangol ang kanyang sarili.” Paliwanag ko sa kanya. Lalo na ngayon, sigurado akong kumikilos na si Temor. Napabuntong-hininga siyang umupo sa gilid ng kama. “Luna, may potential si Forrest. Minsan lang hindi siya nag-iisip kaya nagpadalos-dalos. Ikaw din naman kasi ang may kasalanan pero nakita ko

