LUNA Nagising ako sa hindi pamilyar at magandang kuwarto. Inilibot ko ang aking paningin. Alam kong nasa panganib ako at ang tumambang sa amin ang kumuha sa akin. Kaya nagmadali akong bumangon. Iba na ang suot kong damit! May nagpalit ng damit sa akin! At may bandage pa ang isang paa ko! Damn it! Kung sino man siya humanda siya sa akin! Pinakiramdaman ko ang paligid. Ngunit nang itapak ko na ang mga paa ko ay napangiwi ako. At muling napa-upo sa gilid ng kama. Shit! Paano ako makakatakas kung hindi ko maitapak ng maayos ang mga paa ko?! Pinilit ko ang aking sariling tumayong muli. Tiniis ko ang sakit. At paika-ika akong naglakad palapit sa pintuan. Pagpihit ko ng doorknob ay bukas ito! Dahan-dahan kong binuksan ang pinto upang hindi lumikha ng ingay. Pigil ko ang aking paghinga. At naka

