LUNA “Anong balita? Bakit kayo tumigil sa paghahanap?” Tanong ko sa mga coast guard na katulong namin sa paghahanap kay Forrest. “Ma’am, buong magdamag at maghapon na po tayong naghahanap. Pagod na rin po ang mga divers. Bumalik na lang po tayo bukas…” Sagot niya sa akin. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. “Kung pagod na kayo, ako na lang ang maghahanap!” Giit ko sa kanila. “Luna!” “Sis!” Sabay na tawag ni Dad at Sol nang bumaba ako sa hagdan upang tunguhin ang speed boat. Hindi lang sila ang pagod! Kasama nila ako sa magdamag na paghahanap kay Forrest dahil sa dagat daw itinapon ang nakataling katawan niya. “Anak! Makinig ka muna sa akin!” Pigil ni dad nang hawakan niya ang braso ko. Hilam ang luha na tumigil ako at humarap sa kanya. “A-anak…magpahinga ka muna. Kagabi k

