THIRD PERSON’S POINT OF VIEW. “Mag-iingat kayo anak.” Bilin ni Tamara sa anak na si Luna nang magpaalam ito sa kanya. Hinalikan niya sa pisngi ang ina at niyakap. “Wag po kayong mag-alala, babalik ako dito ng walang galos.” Wika ni Luna. Nababahala man si Tamara sa kanyang mga anak ngunit malaki naman ang tiwala niya sa mga ito. “Ate Luna!” Napa-angat siya ng tingin dahil sa pagtawag sa kanya ni Zian pagkalabas niya ng pinto. May inihagis itong bagay na mabilis naman niyang nasalo. “Digital tracking device?” Sambit ni Luna. “Mag-ingat ka!” Pahabol ng kapatid. Ngumiti si Luna sa kanya at tumango bago siya mabilis na sumakay sa kotse. Nakalimutan niyang may matalino nga pala siyang kapatid. At lahat ng taong nagpupunta sa kanilang hidden mansion ay recorded ni Zian. Naramdaman din s

