LUNA Ipinatawag kami ni Daddy sa office niya dahil nabasa na daw niya ang nilalaman ng log book. Magkawak kamay pa kaming pumasok sa loob kaya doon agad napunta ang mata ni daddy. “Ehem!” Hinila ko ang kamay ko nang marinig ang pagtikhim niya. “Maupo muna kayo.” Utos niya sa amin at naupo naman kami agad sa sofa nang magkatabi. Tinangal ni Daddy ang takip na tela sa kanyang white board at nakita ko agad ang pangalan ng kanyang ama. Pati ni na rin ng daddy ni Nancy na si William. “Ginawa kong mas madali ang explanasyon nang sa ganun maunawaan niyo kung ano ang nakalagay sa log book.” Wika ni Dad habang nakatingin sa amin. “Forrest, matalino ang ama mo. Gumawa siya ng listahan ng mga taong involved sa lahat ng transaction na kinasangkutan niya. At hindi lang yun, maraming malalakin

