LUNA Nang magising ako’y wala na siya sa tabi ko. Bumangon ako at naligo pagkatapos ay nagbihis na ako ng short at fitted black t-shirt. Habang nagpapatuyo ng buhok ay inalala ko ang nangyari kagabi. Pagkatapos naming kumain at mag-usap kagabi ay nilinaw ko sa kanya ang trabaho ko. Marami siyang mga tanong na hindi ko sinagot dahil na rin sa code of conduct ng aming organization. At marami din akong sinabi tungkol sa kanya na dapat ay alam niya. Lalo na pagdating sa aking pamilya at kakambal na si Sol. Pagkatapos nang naging pag-uusap namin ay umakyat na kami at nagpahinga. Pagbaba ko ng hagdan ay lumapit ako kay Aling Mercy naglilinis kasi siya ng base. “Saan po si Forrest?” Magalang na tanong ko sa kanya. “Ay Ms. Luna nasa office po niya sa third floor. Nagbilin po siya na kuma

