LUNA Tatlong araw ang nakalipas ay narito pa din si Forrest at hindi ako iniiwan. Bumalik na rin naman yung lakas ko. Masasabi kong magaling siyang mag-alaga dahil lahat ng pangangailangan ko ay siya ang nag-poprovide. Tinutulungan niya akong magpunta sa banyo. Kumain ng mga liguid foods at fruits pati na rin ang pag-aasikaso ng gamot ko. Dito na rin siya naliligo at natutulog sa sofa. Minsan nga pinapaalis ko na siya dahil alam kong marami siyang trabaho sa opisina kaya lang ayaw niyang makinig sa akin. Ngayon dito na siya sa room ko nagtatrabaho. May dala siyang loptop at kabilaan na rin ang meetings niya online. “Forrest? Hindi ka ba napapagod alagaan ako?” Kunot noo na tanong ko sa kanya habang nasa tabi ko siya at nagtitipa sa kanyang loptop. “Bakit naman ako mapapagod? Madali la

