LUNA Nang magkamalay ako ay nasa loob na ako ng operating room. Tinatangal ang bala na pumasok sa tagiliran ko. Wala naman akong nararamdaman dahil siguro sa anesthesia. Nakatingin lang ako sa kawalan at ina-antay na matapos ang operation. “Kailangan pa ba nating siyang patulugin doc?” Narinig kong tanong ng babaeng nurse sa kanya. “Huwag na Ms. okay lang ako ituloy niyo lang ang ginagawa niyo.” Ako ang sumagot. “Hanga ako sayo at ma-suwerte ka dahil hindi naka-abot sa sa’yong large intestine ang bullet. Pero kailangan pa rin nating makasiguro na wala itong malalang epekto sa kalusugan mo.” Wika ng doctor sa akin. “Pero bago yun, kaano-ano mo ba ang lalaking nasa labas? Kanina pa kasi siya nagwawala doon at gustong pumasok dito.” Dagdag pa niya. Nabaling ang tingin ko kay doc. Sig

