LUNA Pagkatapos ng lunch break namin sa cafeteria ay bumalik na rin kami sa office kung nasaan sila. Gusto pa nga ni Forrest na magkasama kami mag-lunch pero hindi ako pumayag dahil ang pinabaon ni Olivia ang kakainin nila. Pagbalik ko ay naghanda naman sila sa pag-alis. Patungo na kami ngayon sa Genetics biolab para sa DNA. Hindi namin kasama si senator dahil pupunta pa siyang batasang pambansa. “Masarap ba ang lunch?” Tanong ko kay Forrest. Tumingin siya sa akin at nakakunot na ang noo niya. “Kinain ko lang yun dahil ayaw ni daddy mag-order ng food. Saka sabi pa ni George masarap naman daw ang pagkain kaya no choice ako.” Paliwanag niya sa akin. “Sus, kunwari kapa nasarapan ka din naman.” I crossed my hands and look at the rearview mirror. Nakatitig pa rin siya sa akin kaya tum

