LUNA Pagising ko ay wala na siya sa tabi ko. Bumangon ako at narinig kong may nagsisibak ng kahoy sa likuran. Siguradong siya na yun kaya inayos ko muna ang higaan namin at nagbihis na rin ako ng t-shirt at maong short bago ako lumabas at pumunta sa kinaroroonan niya. Nang makita ko siya ay hindi ko maiwasan na pagmasdan ang upper body niya. May hawak siyang palakol at nagsisibak siya ng kahoy. Naliligo na rin siya sa pawis ngunit hindi naman siya mukhang mabaho. “Gising ka na pala. Nakaluto na ako ng sinangag at corned beef na may patatas saka tuyo. Kulang kasi yung kahoy pang-init ng tubig kaya nagsibak muna ako.” Nakangiting sabi niya sa akin. “Bakit hindi mo ako ginising?” “Actually, hindi ako gaanong nakatulog kagabi kaya maaga akong nagising. Saka ang sarap ng tulog mo naka-

