Chapter 36 Their True Intentions "Anong sinasabi mong hindi ka titigil hanggang sa maabo ako?" nakangising sabi ni Jackson habang nakasakal sa leeg ng duguang si Irrah. Hindi na niya maigalaw pa ang buo niyang katawan dahil sa sobrang pagod at daming pinsalang natamo niya mula kay Jackson. Buong akala niya ay sapat na ang kanyang lakas para matalo si Jackson pero nagkamali siya. Matapos niyang ipunin ang buo niyang lakas sa kanyang mga kamay at ibato kay Jackson ay wala pa ring nangyari. Binalutan lamang muli ni Jackson ang kanyang sarili ng ilang layer ng bakal para hindi siya maapektuhan sa tira ni Irrah. Gusto niyang sundin ang sinabi sa kanya ni Israel na hindi niya dapat isipin na mahina siya pero kahit anong gawin niya, hindi pa rin niya mapantayan ang galing ng kanyang ama. She

