Chapter 37 Piercing Pain Hinahabol na ni Law ang kanyang hininga. Mabuti na lamang ay mabilis siyang nakabalik sa itaas ng puno nang siya ay mahulog kundi ay baka nagkabutas-butas na ang kanyang katawan. Kahit ilang beses pa siyang umatake kay Galileo ay ilang beses lang din siyang nasusugatan gamit ang mga matutulis na bagay sa katawan nito. Hindi na niya magawang lapitan si Galileo dahil sa mga iyon. Mabilis din ang galaw nito at oras na magkamali siya ng galaw ay siguradong tapos na ang buhay niya. Nanggagalaiti na siya sa galit dahil sa mga nangyayari. Kung kanina ay siya ang nangunguna sa laban, ngayon naman ay siya ang nahihirapan. Pakiramdam niya ay nauubos na ang lakas niya para lumaban pa pero hindi siya puwedeng sumuko. Umaasa sa kanya ang mga kasama niya at kailangan niyang

