Chapter 33 Struck by Lightning “Buong araw ka nang nakasunod sa akin. Hindi ka ba napapagod?” tanong ni Trey kay Tiffany. Kahit saan siya magpunta ay nakasunod lang sa kanya ang dalaga na para bang wala na siyang ibang gagawing importante kundi ang sundan siya. Hindi naman kaso sa kanya ang pagsunod ni Tiffany sa kanya pero hindi pa rin niya maiwasang mailang. “Why would I? Ito lang ang gusto kong gawin. Kapag may gusto kang iutos, iutos mo lang sa ’kin,” malamig na sabi niya. Simula nang maging bampira siya, malaki na ang pinagbago niya. Pero hindi pa rin naaalis sa isipan niya ang malaking utang na loob niya kay Trey. Tumigil sa paglalakad si Trey at hinarap si Tiffany. “Hindi naman sa pinapatigil na kita pero may sarili kang buhay, Tiffany. Hindi mo na ako kailangang pagsilbihan o k

