Chapter 6 Our Paths Crossed "Sino naman ang mga iyan?" "Tss! Panibagong bampirang estudyante na naman?" "Ang gwapo nung isa, oh!" "Mukhang maarte 'yung dalawang babae." Napairap naman sa kawalan si Jinnah ng marinig ang mga bulung-bulungan sa paligid. Nandito na sila sa eskwelahan at naglalakad sa may hallway. Napatigil naman ang lahat ng estudyante para tingnan sila at simula non, hindi na humupa ang mga usap-usapan nila. Naiinis si Jinnah sa mga naririnig niya na kesyo daw mukha siyang maarte at mukha pang retokada. Tiningnan naman siya ni Irrah at iniiling ang ulo nito na parang sinasabing huwag siyang gagawa ng eskandalo. Ibubuka pa sana ni Jinnah ang kanyang bibig pero napag-isipang huwag na lamang. "Hindi lang nila matanggap na ganito ako kaganda kaya nasasabi nilang retokada

