Chapter 5 Circle of Friends Maganda ang panahon nang dumating sina Jinnah, Blade at Irrah sa bansa. Nasa labas na sila ng airport at hinihintay na lang ang sasakyang susundo sa kanila papunta sa mansyon ng mga Walker. Kada taong dumadaan sa tabi nila ay hindi maiwasang mapatingin dahil sa taglay na kisig ni Blade at ganda nina Jinnah at Irrah. Panay ang paypay ni Jinnah sa kanyang sarili dahil sa init, si Irrah naman ay hawak ang isang maliit ng libro at nagbabasa samantalang si Blade naman ay seryoso lang na nag-hihintay. Maya-maya pa ay dumating na ang kotseng susundo sa kanila at 'agad din naman silang sumakay. “Excited na akong makita si Savannah!” Pagbasag ni Jinnah sa katahimikan. Wala namang pumansin sa kanya kaya napanguso na lang siya. Naisipan naman niyang kulitin si Blade na

