Chapter 4

3282 Words
Chapter 4 Not Bad “What is this? Is this some kind of food or.poison?” mariing sinuri ni Savannah ang mga pagkaing inorder ni Law na nasa harapan na niya ngayon. Iba’t-ibang klase ng pagkain ang nasa harapan niya pero tig-kakaunting takal lamang na para bang ipapatikim nga lang talaga sa kanya. Halos hindi na magkasya sa kanilang table ang mga pagkain sa sobrang dami nito. Ngumisi naman si Law kay Savannah at humalumbaba siya sa lamesa. Gusto niyang matawa sa reaksyon ng dalaga habang tinitingnan ang mga pagkain. “What? Are you going to stare at me or answer my question?” bakas sa boses ng dalaga ang pagkainip. Well, she hates waiting that’s why she’s acting this way. Gusto niyang minamadali ang mga bagay-bagay dahil mainipin siyang tao. “Can I do both?” nanatili pa ring nakangisi si Law habang nakatitig kay Savannah at nakahalumbaba sa lamesa. Ni hindi man lang siya naiintimidate sa naiiritang mukha ng dalaga. Kung ibang tao ito, baka maihi na sila sa takot. “What?” naguguluhang tanong ni Savannah. “I said can I do both? Answering your question while staring at you?” bahagya namang napaubo si Savannah at kinuha ang isang baso ng malamig na tubig. Inubos niya ang laman nito ng isang inuman lang at iniiwas ang tingin sa binata. Humalakhak na ng tuluyan si Law dahil sa naging reaksyon ng dalaga. Tumingin ng masama sa kanya si Savannah pero kahit na tumigil na siya sa pagtawa ay hindi pa rin naalis sa mukha niya ang pagka-amuse. “Now what? Aren't you going to taste the food? Beats me, it’s delicious. It’s tested you know.” “By whom? You?” sarkastikong sabi ni Savannah. Law puffs some air. Tinusok niya ang inihaw na atay at sinawsaw sa sauce gamit ang tinidor. Itinaas niya ito at itinutok sa bibig ni Savannah. Bahagay namang napalayo si Savannah at napangiwi sa ginawa ni Law. Mas lalo pang inilapit ni Law ang atay sa bibig ni Savannah na siya namang lalong ikinairita nito. “Bakit hindi mo muna subukang tikman bago mo pandirihan? Kung hindi mo magustuhan ang lasa eh di iluwa mo at  uminom ka ng tubig para mawala ang lasa sa bibig mo.” pabalik-balik ang tingin niya sa atay at sa mukha ni Law na determinado. Sa itsura pa lang nito, alam ni Savannah na hindi siya nito titigilan hanggat hindi nasusunod ang gusto nito. Bumuntong hininga si Savannah at kinain ang isinusubo sa kanya ni Law. Ngumisi naman si Law sa kanya at inantay ang magiging reaksyon niya.  Dahan-dahang nginuya ni Savannah ang pagkain hanggang sa tuluyan na niya itong malasahan. Sumabog ang lasa sa kanyang bibig hanggang sa tuluyan na niya itong malunok at maubos. Tumingin siya kay Law na nakathumbs up. Ngumisi siya rito at nagthumbs up din. “Masarap pala.” nahihiyang sambit niya sabay iwas ng tingin kay Law. Muling natawa si Law at pinasubok naman kay Savannah ang iba pang pagkain. Hindi na nagreklamo pa si Savannah at tinikman na lahat ng pagkaing nasa lamesa nila. Pagkatapos ng ilang minutong pagtikim ay hindi namalayan ni Savannah na naubos na pala niya lahat ng pagkain sa table nila. “Ikaw ang kauna-unahang bampira na nakilala kong sobrang lakas kumain. Akalain mong inubos mo plahat ng inorder ko tapos hindi man lang ako nakatikim?!” tinaasan niya ng kilay si Law at humalukipkip. This is one of Savannah’s intimidating pose but Law didn't give a damn at all. Hindi alam ni Savannah kung matutuwa siya roon o hahayaan na lang. Walang tao o bampira na hindi naiintimidate sa presensya niya pero itong si Law ay tinuturing siya na para bang normal lang. Pero naisip niyang mas mabuti ‘yon kesa masyado siyang tinitingala. Mas mabuting ganito ang turing sa kanya ni Law. She feels at ease. “Sinabi mo bang tirahan kita? Eh di umorder ka ulit kung gusto mo basta ba kasama ulit ako sa order mo, eh.” “Gusto mo pa?!”  “What’s so shocking about that? Eh, sa nagustuhan ko, ano bang pake mo? Dalian mo na at umorder ka na.” pinaalis na niya si Law na may hand gestures pa kaya wala ng nagawa si Law kundi ang umorder ng pagkain. Hindi basta ang bumili dahil iba’t-ibang stall ang bibilhan niya para sa pagkain ni Savannah. Lahat kasi ng tindahan ng street foods ay binilihan niya kaya eto siya ngayon at ganun ulit ang ginagawa. Matapos niyag umorder ay napuno na naman ang lamesa nila. Kumain lang sila ng tahimik at hindi naman niya mapigilang pagmasdan si Savannah habang kumakain. Napailing na lang siya habang nakangiti at pinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos sila ay bumalik na sila sa sasakyan para umuwi na. “Saan ang bahay mo? Ihahatid na kita.” pinaandar na ni Law ang kanyang sasakyan at nagsimula ng magmaneho. “But my bike is still in our school. You can drop me there and go get my bike.” ani Savannah. Hindi sumagot si Law at nagpatuloy lamang sa pagmamaneho hanggang sa makarating sila sa eskwelahan. Lulubog pa lang ang araw kaya bukas pa ang gate at laking pasalamat ni Savannah dahil doon. Ipinasok pa ni Law ang kotse at walang imik na bumaba si Savannah pero kinatok niya ang bintana. Binuksan naman ito ni Law at dumungaw para makita si Savannah na nakangisi sa kanya. “Salamat sa pagkain! Nag-enjoy ako.” napangiti na lang din si Law at tumango. Lumakad na si Savannah para kunin ang kanyang bike. Sinuot niyang muli ang jogging pants ni Warren at sumakay na rito. Pumunta siya sa tabi ng kotse ni Law na hindi pa rin umaalis. “Bakit hindi ka pa umaalis? May gagawin ka pa ba rito?” “Oo, susundan kita hanggang sa bahay mo. Delikado na kasi maggagabi na kaya susundan kita.” magpoprotesta pa sana si Savannah pero nauna ng umandar ang kotse ni Law. Binilisan naman niya ang pagbabike para mauna rito. Medyo may kalayuan ang school sa mansyon kaya aabutin sya ng dilim pero hindi na naman iyon naging problema dahil iniilawan ni Law ang daan gamit ang headlight ng kotse niya. Nasa unahan ng kotse niya si Savannah habang nagbabike. Nakarating sila sa may gate ng mansyon na ganun lang. Bumaba si Savannah sa kanyang bike at muling sumilip sa bintana ni Law. “Salamat Law!” nakangising sabi nito. “Uhh...ibig sabihin ba nito magkaibigan na tayo?” “Bakit? Hindi pa ba?” Natawa na lang sila sa isa’t-isa at nagsimula na silang magpaalam sa isa’t-isa pero paalis na sana ang sasakyan ni Law ng biglang may lumitaw na limang lalake sa harapan nito. Napapreno naman si Law at agad na tumakbo papalapit si Savannah. Hinarap niya ang limang hindi pamilyar na lalake. Napakunot ang noo niya dahil matatalim ang tingin ng mga ito sa kanya at unti-unting pumula ang mata nila, inilabas nila ang kanilang pangil at naglalaway sila. Nag-ugat ang kanilang mga kamay at inilabas ang matutulis nilang kuko. Para silang mga asong ulol at wala na sa kanilang sarili. Ngayon lamang nakakita si Savannah ng ganito, hindi naman sila Insane at malabo ding kabilang sila sa isa sa mga clan. Lumabas si Law sa kanyang kotse at tumabi kay Savannah. Nanatili pa ring nakaharap sa kanila ang limang bampira at para bang kahit anong oras ay handa itong sumugod sa kanila. “Anong kailangan nila?” tanong ni Law. Dahil wala siyang maalala at hindi pa gaanong karami ang alam niya tungkol sa mga bampira ay hindi niya alam kung anong klaseng bampira ang nasa harapan nila. Hindi naman siya nag-alinlangang magtanong kay Savannah. “Ano sila? Mukhang bago lamang din sila sa paningin mo.” base kasi sa reaksyon ni Savannah ay tama si Law. Kahit si Savannah ay hindi alam kung anong klase silang bampira. “Anong kailangan niyo sa ‘min?” Ngumisi ang bampirang nasa gitna. “Ikaw si Savannah Kier Walker, hindi ba?”  Walang interes siyang tiningnan ni Savannah at wala man lang bakas ng takot sa kanyang mukha. “Ako nga kaya sagutin niyo ang tanong ko. Anong kailangan niyo sa ‘kin?” may diin na ang bawat salitang binitawan niya at naramdaman ni Law ang paglamig ng paligid dahil sa presensya ni Savannah. Napapahanga talaga siya ni Savannah, nagbitaw lamang siya ng mga salita pero parang kinikitil ka na nito dahil sa mga titig niya. “Nandito kami…” Dahan-dahan silang ngumisi lahat na halos mapunit na ang kanilang pisngi dahil sa sobrang laki ng bibig nila. Inilibas nila ang mahahaba nilang dila at nanlaki ang kanilang mga mata na para bang luluwa na ito. “…para patayin ka!” Sabay-sabay silang sumugod pero walang ginawa si Savannah. Humalukipkip lamang siya at inantay ang paglapit ng mga ito sa kanya. Nang makalapit sa kanya ang isa ay nagpakawala ito ng isang suntok pero tumalsik lamang siya. Nabalutan si Savannah ng isang bagay na nagmimistulang force field. Sabay-sabay na sumugod sa kanya ang mga bampira pero tumatalsik lamang sila pero buong akala ni Savannah na mapapagod ang mga ito pero nagulat siya ng patuloy lamang ito sa pagsugod sa kanya. Hindi man lang nila ininda ang sakit na natatamo nila sa pagsugod kay Savannah. “Savannah!” Napatingin siya kay Law na nanlalaki ang mata at ibinaling niya ang tingin sa limang bampira na tumatayo na ngayon. Handa na ang mga ito sa pagsugod sa kanya. “s**t!” Hindi niya alam kung bakit biglang napamura si Law pero namalayan na lamang niyang nasa harapan niya ito.  Nagulat siya sa ginawa ng binata pero mas nagulat siya pinakita nitong galing sa pakikipaglaban. Gamit lamang ang dalawa niyang kamay ay sinuntok niya ang mga bampira sa kanilang mga mukha. Sa isang tigigisang suntok lamang sa mga ito ay napatumba sila. Isa-isa niyang nilapitan ang mga ito at dinukot ang kanilang mga puso para hindi na muling makabangon. Humarap si Law sa kanya na hingal na hingal at punong-puno ng pawis ang kanyang mukha. Masama itong nakatingin sa kanya at tatanungin na sana niya ito pero naunahan siya nito.  “Ano ba namang katangahan ang ginagawa mo?! Hindi mo ba napansing nawala na ‘yung bumabalot sa ‘yo?! Hindi mo ba iyon nakikita?!” Ginulo-gulo ni Law ang kanyang buhok dahil sa inis. “A-Ano...” hindi magawang magsalita ni Savannah. Hindi niya namalayan na nawala na pala iyong bumabalot sa kanya. Ibig sabihin, kung hindi humarang si Law ay malamang napatay na siya ng limang bampira na iyon. Masyado kasi siyang nagtiwala sa malakas niyang kapangyarihan. Hindi niya naisip kung may limitasyon ba ito o wala. Masyado siyang natuwa sa kung anong meron siya at hindi niya naisip ang maaring mangyari kung nasobrahan siya sa paggamit nito. “H-Hindi ko alam.” “May limitasyon ang lahat ng bagay Savannah. Hindi habang-buhay mapoprotektahan ka ng kapangyarihan mo.” Bumuntong hininga si Law hinawakan ang ibabang labi niya. “Pumasok ka na sa loob para makapagpahinga ka.” Lumakad na si Law papunta sa driver’s seat. Humarap sa kanya si Savannah na nakanguso at nakakunot ang noo. “S-Salamat sa lahat ng nagawa mo sa ‘kin ngayong araw. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran.”  Napangisi na lang si Law dahil sa nakangusong si Savannah. “Don’t think about it too much. You should rest. You’re probably tired.” Tumango na lamang si Savannah at sumakay na sa kanyang bike. Pumasok na siya sa loob ng gate at nag-bike hanggang sa makarating na siya sa may front door. Pinagbuksan naman siya ng katulong niya at dumiretso siya sa kanyang kwarto. Sumalampak siya sa kanyang kama at naisipang tingnan ang kanyang cellphone. Nakita niyang madaming text galing kay Warren. Napasinghap siya ng makalimutan na niya ito. Warren:  Where are you? Warren: Text or call me kung nasa bahay ka na. Warren: Sav, I’m worried Warren: I’ll strangle you tomorrow if you don’t reply! Napatawa na lang si Savannah sa huling text ni Warren. Mas pinili na lang niyang tawagan ito. Kesa mainis ay natutuwa pa siya kapag masyadong nag-aalala sa kanya si Warren. Pakiramdam niya kasi sobrang halaga niya kay Warren kaya ganun ito mag-alala sa kanya. Isang ring pa lang ay sinagot na agad na ni Warren. Napahalakhak naman si Savannah at sumandal sa kanyang headboard ng kama. “Why are you laughing, Miss?” Halata sa boses ni Warren ang pagkairita. Muling natawa si Savannah ng maimagine ang nakakunot na noo at nakangusong labi ni Warren. “Nakakatawa ka kasi. Akala mo naman lagi may mangyayari sa ‘king masama. Calm your balls down, Warren,” nakangising sabi niya kahit hindi naman siya nakikita nito. Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. “Fine. Hindi lang kasi ako sanay na hindi kita kasabay sa pag-uwi. Where were you anyway? Sinong kasama mo?”  “Hindi ko nga pala nasabi sa ‘yo. Si Law ang kasama ko. Siya kasi ang kapartner ko roon sa project at siya na rin ang naghatid sa akin pauwi.” Saglit na natahimik si Warren sa kabilang linya at napakunot naman ang noo ni Savannah dahil dito. “Warren? Nand’yan ka pa ba?” “Ah, yes. Law Ephraim Phytos? Close na pala kayo?” Hindi maitago ni Warren ang pagkairita sa kanyang boses na napansin naman ni Savannah. “Warren, you okay?” “Of course. Bakit naman magiging hindi?” “Nothing. Hmm, maybe you’re tired. Inaantok na rin kasi ako, eh. Kita na lang tayo bukas sa school?” “Sure. Good night, Sav.” “Good night.” Ibinaba na ni Savannah ang tawag at tumingin sa kawalan. Nasa isip pa rin niya ang nangyari kanina. Kung wala si Law kanina ay napahamak na talaga siya pero madaming katanungan sa isip niya ngayon. Sino ang mga iyon? Anong kailangan nila sa kanya? Bakit kakaiba sila? Dapat niya bang sabihin sa mga magulang niya ang nangyari? Pero sigruado siyang kapag sinabi niya sa mga ito ay mag-aalala lamang ito sa kanya at ayaw na niyang pag-isipin pa ang mga ito. Tsaka isa pa, baka kapag nalaman nila ay pasunudin siya sa Europe. Alam naman niya kung gaanong ka overprotective si Van sa kanya kaya hindi malabong mangyari iyon. Humiga na siya ng maayos at ipinikit na lamang ang kanyang mga mata. Mas maganda kung magpapahinga muna siya para makapag-isip siya ng maayos sa kung ano ang mas magandang gawin. Hindi rin kalaunan ay dinalaw na siya ng antok at nakatulog. *** Hawak ng isang lalake ang sigarilyo sa pagitan ng kanyang daliri at sa kabilang kamay naman niya ay isang kupita ng alak. Nasa balkonahe siya at pinagmamasdan ang bilog at maliwanag na buwan. Lumakad siya papunta sa isang upuan at mas piniling maupo. Bumukas naman ang pintuan sa may balkonahe at pumasok ang isang binata na may dalang dagger. Ang hawakan nito ay ginto at may magandang disenyo. Pawisan ang binata at hingal na hingal na para bang galing sa isang labanan. “Saan ka nanggaling?” tanong ng lalake sa binata. Puno ng awtoridad ang boses nito at seryosong tiningnan ang binata habang inaantay ang sagot nito. “Nag-training lang Dad.”  Ngumisi ang lalake sa kanyang anak. “Mabuti kung ganoon. Kahit papaano naman pala ay may mabuti kang nagagawa. Kamusta ang mga pinagagawa ko sa ‘yo? Nagagawa mo ba ng maayos?” Mas lumapit pa ang binata sa kanyang ama at tiningnan ito sa mata. “Ginagawa ko po ang lahat matupad lang ang kagustuhan niyo. Hindi ko po kayo bibiguin.” Humigpit ang hawak niya sa kanyang dagger na halos mamuti na ang kanyang kamao. Puno ng determinasyon ang kanyang mga mata at napahalakhak ang kanyang ama ng makita ang kanyang itsura. “Sige lang. Siguraduhin mong hindi mo ako bibiguin dahil sa lahat ng ayaw ko ay ‘yung nasisira ang plano ko.” Muli siyang tumayo at ibinuga ang usok sa kanyang bibig papunta sa mukha ng binata. Pinigil naman ng binata ang maubo dahil sa usok na ibinuga sa kanyang mukha. Mas pinili niyang hindi magpakita ng kahit anong reaksyon. “Oras na pumalpak ka sa plano. Alam mo na kung anong mangyayari sa ‘yo.” Dumungaw ang kanyang ama sa ibaba at itinuro ang isang nagwawalang lalake. Para siyang wala sa sarili at may mga lalakeng nakaitim ang pumipigil sa kanya. Napalunok ang binata dahil sa kanyang nakita. “Kapag nabigo ka at binigo mo ako, matutulad ka sa kanya. Wala akong pakealam kung anak pa kita o ano basta gawin mo ang lahat ng gusto ko para maipagmalaki kita. Iyon naman ang gusto mo, hindi ba?” Saglit na hindi kumibo ang binata pero kalaunan ay tumingin siya sa kanyang ama. “Maaasahan niyo ako Dad. Magtiwala kayo sa ‘kin.” “Magaling. May tiwala naman ako sa ‘yo kaya gawin mo ang lahat ng makakaya mo dahil dadating din tayo sa panahon na tayo naman ang babangon at sila ang tutumba.” *** Sumigaw ang isang babae at napatayo sa kanyang higaan habang hawak ang kanyang ulo. Muli siyang sumigaw at mahigpit na hinawakan ang kanyang ulo. Sobrang sakit ng kanyang ulo na para bang binibiak ito. Pinagpapawisan na siya ng malamig at hindi niya alam kung ano ang gagawin niya para mawala ang sakit nito. Hindi niya namalayan na napaiyak na pala siya sa sobrang sakit. “A-Ang sakit…a-ang sakit.” Bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at may isang babaeng lumapit sa kanya. Nataranta ito dahil sa nangyayari, hindi niya alam kung anong gagawin. “Anong nangyayari sa ‘yo Ate? Ate!” hinawakan niya ang balikat ng nakakatanda niyang kapatid at tiningnan ang mukha nito. Umiiyak ito at halatang nahihirapan. Ilang araw na ganito ang kanyang Ate, sa kalagitnaan ng gabi ay bigla na lamang sisigaw at sasabihing masakit ang kanyang ulo. Lahat na ng pwedeng pagdalhan para patingnan siya ay wala namang nakikitang kung anong abnormalities sa kanya hanggang sa sumuko na sila at hinayaan na lang. “T-Tulungan m-mo ko.s-sobrang sakit.” nanginginig ang buo nitong katawan at nagulat siya ng imulat nito ang mata ng kanyang ate ay kulay berde ito. Bahagya siyang napalayo sa nakakatandang kapatid at pinanood ang nangyayari rito. Dahan-dahang tumayo ang kanyang kapatid at lumapit sa kanya. Paatras siya ng paatras hanggang sa napansandal na siya sa may dingding. Nakatingin ito sa kanya pero parang wala ito sa sarili.  Nagulat siya ng biglang umilaw ang berde nitong mata at nabalutan ng kulay berdeng usok ang katawan ng kapatid niya. “A-Anong nangyayari sa ‘yo, Ate?!” hindi ito kumibo at nanatiling nasa harapan niya hanggang sa unti-unting binukas ang kanyang bibig na para bang may sasabihin siya. “Parehong may malakas na kapangyarihan Pangangambahan ng sangkatauhan Magdudulot ng malaking kaguluhan Magiging sanhi ng kamatayan.” Napakunot ang kanyang noo dahil sa mga sinabi nito. Wala siyang maintindihan sa sinabi ng kanyang kapatid. Unti-unting nawala ang berdeng usok sa kanyang katawan, nawala na din ang liwanag sa kanyang mata at bumalik ang natural na kulay na mata nito na kulay itim. Pagkawala ng mga ito ay natumba ang kanyang kapatid sa sahig at nawalan ng malay. “Ate!” Inihiga niya ito sa kanyang kandungan at nakitang dumudugo ang ilong nito. Napahikbi na lamang siya dahil sa kakaibang nangyayari sa kapatid niya. “Anong nangyayari sa ‘yo? Bakit ka nagkakaganyan?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD