Chapter 22 The Pain of Her Death Ito na yata ang pinakamatagal at pinakanakakabang pangyayari sa buong buhay ni Irrah. Pinagpapawisan siya ng malamig at mabibigat ang kanyang paghinga dahil sa takot na baka mahuli sila. Tanggap naman niyang magkakaroon ng paglalaban ngayon pero hindi agad pwedeng malaman ng mga kalaban na nandito sila lalo na ngayong silang dalawa pa lang ang nandito. Tumingin siya kay Tres na seryoso na ngayon at mukhang malalim ang iniisip. Papalapit na ng papalapit ang yabag at mukhang kaunti na lang ay mahuhuli na sila. “I have a plan,” Tres whispered. She just nodded her head in response while waiting for what he will say. “I’ll distract their mind using my ability and use it as a chance to contact Tred and others. Sabihin mo sa kanilang kailangan nilang dalian.”

