Chapter 23 Place Only I Could See Savannah bolt upright; sweats are running down on her forehead and she’s running out of breath. Napahawak siya sa kanyang dibdib at napabuntong hininga na lang nang maramdaman niya ang pintig ng kanyang puso pero mahina ito na para bang kaunti na lang ay titigil na lang ito bigla sa pagtibok. Inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid. Nasa loob siya ng isang puting kwarto at may sampung pintuan na nakapalibot sa kanya. Ang unang pinto ay kulay puti rin ngunit may malaking ekis na kulay itim ang nakalagay rito. Dahan-dahan siyang tumayo. Kamuntik pa siyang matumba dahil sa biglang pagkaliyo na naramdaman niya. Biglang umagos sa kanyang isipan ang huling nangyari sa kanya. Tanging naaalala lang niya ay nang malason siya ni Mauve. Kinuyom niya ang kany

