Chapter 30 Formidable Opponent Hindi makapag-focus si Savannah sa kanyang ginagawa. Matapos ang ilang oras ng pagsho-shopping niya kasama si Warren ay balik na ulit siya sa pagte-training. Kahit ang palabasin ang apoy sa kanyang isipan ay hindi niya magawa. Going with Warren is just her excuse. She doesn't want Warren to worry about her so she pretended to be fine. Pumayag siyang mag-shopping kasama si Warren para panandaliang makalimutan ang lahat pero hindi iyon ganun kadali. Kahit saan siya magpunta at kahit saan niya ibaling ang atensyon niya, si Law pa rin ang naiisip niya. Ano kayang ginagawa niya? Galit pa kaya siya sa ’kin? Hindi na ba talaga niya ako kakausapin? Hahayaan ko na lang ba na ganito? "Earth to Savannah! Kasalukuyan pong tinatangay ng galaxy ang utak niya!" OA na sa

