“Mommy!” Napatingin ako sa aking anak na babae na tumatakbo habang tumatawa. Tumatalbog ang buhok niyang naka-pigtails pati na rin ang matambok niyang pisngi. Halos tumulo na ang luha niya sa mata dahil sa matinding pagtawa. Mabilis siyang tumatakbo na para bang may humahabol sa kanya. “Mommy! Kuya Saviel is running after me and he’s going to kill me!” humahangos na sabi nito habang tumatawa pa rin. Nakatuon pa ang maliliit niyang kamay sa kanyag tuhod. Napatawa naman ako sa kanyang sinabi. Binuhat ko siya at mabilis na hinalikan ang kanyang namumulang pisngi. “Lawry, Kuya won’t kill you. He loves you. How can you say that?” Lawry pouted her small and pinkish lips. “Because I broke his favorite CD! He’s fuming! I don’t know what to do!” Kunwari pang nagpapanic ito pero hindi niya kayang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


