Special Chapter III Van is not Perverted Anymore?! Kisha's POV Lahat ay nagulat. Lahat ay nagtaka. Lahat ay hindi makapaniwala. Nagising na lang kami, isang araw, hindi na manyak si Van. Pinagmamasdan ko si Van habang nakangiti at nagbabasa ng libro. Nakaupo siya sa aming kama. Nakasandal din siya sa headboard nito. Ilang beses na akong napapamura sa isip ko dahil matatapos na naman ang isang araw na wala siyang ginagawa o sinasabing kamanyakan. Magugunaw na ba ang mundo?! Ito na ba ang katapusan ng lahat?! O isa itong malaking himala?! "Van," bulong ko. Tumabi ako sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang dibdib. Tiningnan ko ang reaksyon niya pero hindi man lang niya inalis ang tingin niya sa binabasa niyang libro. "Pansinin mo naman ako." Napanguso ako nang ngumiti lang siya sa 'kin. Maya

