Chapter 39 Falling Game Nagdadalawang-isip si Savannah kung lalapitan ba niya si Cross para yakapin o tititigan na lang ito pero sa lagay niya, na nanlalambot ang tuhod at nanghihina, hindi niya magagawa iyon. Halos hindi na niya makita ang mukha ni Cross dahil sa luhang umaapaw mula sa kanyang mga mata. Ang daming tanong na tumatakbo sa isipan niya pero wala na siyang pakealam pa sa kung anomang kasagutan ang makukuha niya. Ang mahalaga ngayon ay nasa harapan niya si Cross. Buong-buo at parang walang nangyari. "A-Anong ginagawa mo rito?" humihikbing sabi niya. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya si Cross. "I-Ikaw ba talaga ’yan, stupid Cross?" Napatawa naman si Cross sa kanyang sinabi. Parang mas lalong gumaan ang kanyang pakiramdam ng mapakinggan niya ang t

