Chapter 40 My Only Wish I'm always thinking about one thing, what if Cross really come back? Anong gagawin ko kapag nangyari iyon? Paano si Law? Mahal ko si Law pero ano ang nararamdaman ko para kay Cross? Sigurado akong mahal ko rin siya. Pero hindi ako pwedeng magmahal ng dalawang lalake. I need to choose but I don't want to lose them both. "A-Aww!" sigaw ni Savannah nang pisilin ni Law ang kanang pisngi niya. Sinamaan niya ito ng tingin at ganoon din naman ang ginawa ni Law sa kanya. "What's your problem?" iritadong tanong niya. Sumandal si Law sa upuan at kumuha ng isang pirasong fries. "Kanina pa kita kinakausap pero nakatulala ka lang. May problema ka ba? Kanina ka pa nagkakaganyan. Wala ka namang sakit?" Hinawakan niya ang noo ni Savannah para tingnan kung nilalagnat ba ito pero

