Chapter 41 Light and Darkness Parang nanghihina at wala sa sarili na bumangon si Savannah sa kanyang kama. Isang araw na naman ang nagsimula para ipagpatuloy niya ang kanyang training. Napatingin siya sa gilid ng kanyang kama at nakitang nakaupo si Law sa upuan na nasa tabi nito. Mahimbing pa rin itong natutulog. Napangiti na lang si Savannah habang pinapanood ito na bahagyang humaharok pa. Naalala niya ang date nila kahapon. Gabi na sila nakauwi at umulan pa ng malakas kaya naman pinatuloy na lamang niya si Law sa mansyon. Sa pagkakatanda niya ay nagkukwentuhan pa silang dalawa. Hindi nila siguro namalayan na nakatulog na sila. Dahan-dahan siyang tumayo at dahan-dahan ding lumakad para hindi siya makalikha ng tunog na maaaring makagising kay Law ngunit nakita niyang inimulat na nito a

