18

1943 Words

NANG MGA SUMUNOD na araw ay iniwasan ni Aiyana si Aiden. Hindi niya sinagot ang mga tawag at text messages nito. Nang bisitahin siya nito sa opisina ng Cinderella ay nagtago siya at binilinan si Emily na sabihing nasa labas siya. Nagbilin din siya sa lahat na huwag sasabihin kung nasaan siya kung sakaling nasa kliyente nga siya. Kailangan muna niyang dumistansiya at mag-isip kahit na wala naman talaga siyang nabubuong desisyon. Sigurado lang siya na hindi niya mapapakitunguhan sa kasalukuyan si Aiden. Hindi pa gaanong humuhupa ang galit sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung paano iyon pahuhupain. Palagi siyang nasa bad mood dahil doon. Nangingilag sa kanya ang mga tao dahil panay siyang nakasikmat at maiksi na masyado ang pasensiya niya. Alam niyang kailangan niyang ayusin ang sarili pe

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD