Napangiti si Ally pagkatapos niya magluto ng fried boneless daing na bangus, sinigang na baboy, masbate rice at buko pandan. Favorite dish iyon ng kaniyang asawa.
Inayos niya ng lagay ang mga pagkain sa Tupperware. Pagkatapos niya maigayak lahat ng mga pagkain umakyat siya sa master bedroom.
Pumasok siya sa loob ng banyo maliligo siya saglit bago siya pumunta sa work place ni Nico.
"Alexa anak behave ka dito kina lola at lolo ha." Bilin ni Ella sa kaniyang anak.
"Yes po mommy! I'm always behave Don't forget my pasalubong. I want velvet chocolate cake bake ni tita Ally." Natatakam na saad ni Alexa.
"Mamaya ka na lang anak kumain ng chocolate cake pagpunta mo sa bahay ni tita Ally."
"Okay po Mommy, take care po!"
"Pa kiss nga ako baby bago ako umalis." Hinalikan ni Ella sa pisngi si Alexa.
"Mama aalis na po ako pakibantay saglit si Nene." Bilin ni Ella sa kaniyang Ina.
"Sige, anak. Mag-iingat ka sa pagmamaneho," mahinahon na sagot ng Mama ni Ella.
Tinanguan ni Ella ang kaniyang Ina bago ito pumasok sa loob ng sasakyan. Excited itong nag-drive pa punta sa opisina ni Nico.
Nakangiting pinagmamasdan ni Ally ang kaniyang sarili sa human size na salamin. She's wearing a blue cotton dress na hanggang hita ang haba. Tenernuhan niya ng 2 inches white high heels lantad na lantad ang makinis niyang binti dahil medyo maikli ang suot niyang bestida. Nag-apply siya ng light make up, pink lipstick at inilugay niya ang mahaba niyang buhok.
Nagmukha siyang teenager sa kaniyang outfit. Isinukbit niya ang kaniyang shoulder bag bago siya lumabas ng kwarto.
Pumunta siya ng kusina kinuha niya ang mga paper bag na may lamang pagkain.
Nakangiting lumabas siya ng gate. Pumara siya ng taxi.
"Sa Montero auto shop mo ako ihatid Manong." Magalang na utos niya sa taxi driver.
Ipinark ni Ella ang Honda Civic nito sa parking area ng Montero auto shop pagkatapos sexy itong bumaba ng sasakyan.
Nilapitan si Ella ng mekaniko at kinausap siya nito. "Magandang tanghali po! Ma'am, ano pong deprensya ng kotse mo?"
"Wala hindi ako magpapa-ayos ng sasakyan. Pumunta ako dito sa car shop upang kausapin ang boss mo."
"Ah, okay, po Ma'am pumasok ka na po sa loob ng shop andun si Sir Nico."
"Sige, salamat." Pumasok si Ella sa loob ng shop . Magandang secretary ang sumalubong rito.
"Hi! Ma'am, good afternoon! May appointment ka po ba kay Mr. Savedra? O bibili ka po ng mga spare parts ng sasakyan?" Magalang na tanong ni Anna.
"No I'm not gonna buy anything. Pumunta ako dito dahil may appointment ako kay Nico pwede mo bang sabihin sa kan'ya na andito na si Ella Rodriguez." Nayayamot si Ella sa kaniyang sarili dahil hindi niya nasabi kay Nico na ngayong oras ang dating niya.
"Okay, po Ma'am sumunod ka sa akin."
Sumunod siya sa babae. Kumatok ito sa glass wall na pintuan.
Bubog ang pinto pero tinted sa loob hindi mo makikita kung ano ang ginagawa ng tao sa loob.
"Come in!" Sigaw ni Nico sa loob ng opisina nito.
"Sir, may naghahanap po sayo si Miss. Ella Rodriguez"
Ibinaba ni Nico ang mga papeles na kaniyang binabasa pagkarinig niya sa sinabi ni Anna.
"Lumabas ka na Anna papasukin mo ang bisita ko."
"Okay, Sir, and Sir, o-order na ako ng lunch? Isasakop ko ang bisita mo."
"No.... lumabas ka na Anna hindi pa ako kakain at saka kapag may client na dumating sabihin mo wala ako."
Napataas ang kilay ni Anna na iintriga ito sa panauhin ni Nico. "Kaano-ano kaya ni Sir, Nico si Miss, Ella Rodriguez? At mukhang napaka-importante ng kanilang pagu-usapan. Nakakulong sa opisina ang peg! Ayy! Parang mag-ho-honeymoon lang."
"Ayy! Naku Anna tigil-tigilan mo nga ang pagi-ging chismosa mo!" Sigaw ng utak nito.
Lumabas si Anna ng opisina at pinapasok nito si Ella.
"Sit down baby bear, tatapusin ko lang pirmahan itong mga papeles."
"Okay, daddy bear." Sitting pretty na umupo si Ella sa malambot na couch.
Inilibot ni Ella ang kaniyang paningin sa loob ng opisina ni Nico. Malawak ang opisina kulay brown ang kulay ng marmol na sahig. Pang lalaki ang wallpaper na nakadikit sa ding-ding. May kwarto sa kanang bahagi at comfort room sa kaliwa.
"Where are you looking at baby, bear?"
"Anong meron sa kwartong iyan?" Itinuro ni Ella ang brown na pinto.
"Bedroom baby, we can make love if you want. Saan mo gusto? Sa kwarto oh, dito sa ibabaw ng desk ko?" Malanding tanong ni Nico.
"Shut up! Nico tumigil ka nga! Baka may makarinig sa kalibugan mo isumbong tayo kay Ally!" Natatawa na naiinis na wika ni Ella.
"Ha ha ha! Don't worry baby bear lunch time ngayon. Lahat ng empleyado nitong Auto shop kumakain."
"So pwedeng-pwede pala tayo ditong gumawa nang bata?"
"Yes baby, kahit quadraplets pa pwede nating gawin dito." Kinindatan ni Nico si Ella.
"Ha ha ha! Ang yabang mo Daddy, bear hanggang round two nga lang ang kaya mo eh.''
"Huwag mo akong hamon baby bear kaya kitang paligayahin maghapon dito sa ibabaw ng mesa ko." Nakangising wika ni Nico.
"Ha ha ha! Kapag maghapon tayong nag-lovey dovey baka hindi na ako makalakad pauwi Daddy bear." Nakikiliti na wika ni Ella.
Iniabot ni Ally ang pamasahi sa taxi driver."Thank you! Manong keep the change."
"Thank you rin po Ma'am." Bumusina ang driver bago nito pinaandar palayo ang sasakyan.
Pumasok siya sa loob ng auto shop wala siyang nakitang tao dahil lunch time. Dumiretso siya sa opisina ni Nico napatigil siya sa tapat ng pintuan dahil may narinig siyang babae na humahagikhik kung makatawa ang babae para itong kinikiliti.
"Sinasabi ko na nga ba! May kabit si Nico!" Galit na pinihit niya ang door knob.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Nico at Ella na nakangiti sa isat-isa.
Napatigil si Nico at Ella sa pagtawa ng biglang bumukas ang pintuan. Kabadong tinitigan nila si Ally na nakatayo sa dahon ng pinto.
"Bunso!" Nagmamadaling tumayo si Ella nilapitan nito si Ally,. Kinuha nito ang mga paper bag na may lamang pagkain.
"Hi wife!" Nakangiti si Nico pero kabado itong lumapit kay Ally.
Hinalikan siya ni Nico sa pisngi.
"Tamang-tama ang dating mo wife gutom na ako." Sinimulang buksan ni Nico ang mga Tupperware.
Nagtatakang tinitigan niya si Ella. "Paano ni ate Ella nalaman ang address ng opisina ni Nico? Anong ginagawa niya dito? Bakit kung umakto siya parang ka-close niya ang aking asawa." Mga tanong na gumugulo sa kaniyang isipan.
"Ano ka ba naman! Ally sikat ang Montero auto shop. Baka naman napadaan lang dito ang bestfriend mo, huwag ka mag-isip ng kung ano-ano." Bulong ng isip niya.
"Akala ko ate Ella may meeting ka ngayong araw?"
"Yeah tapos na bunso, napadaan ako dito sa Auto shop para magpa-car wash ng malinis mamaya ang kotse pag-gamit ko. Hindi ko naman alam na si Nico pala ang may-ari nitong shop ngayon ko lang nalaman."
"Ngayong alam mo na ate Ella na kami ang may ari nitong shop, dito ka na bumili ng car parts and accessories. Bibigyan kita ng discount diba babe?"
"Of course kahit 50% off pa libre na ang tune up at tire black."
"Ayy! Nakakahiya naman bunso baka malugi kayo dahil sa akin." Pakipot na wika ni Ella.
"No! Ate, Ella magagalit ako kapagtinang-gihan mo ang offer ko. Mamaya na nga tayo mag-usap tungkol sa negosyo kumain na muna tayo gutom na ako ee..."
Pinagtulongan nilang ihain ang pagkain sa ibabaw ng lamesa.
Nilagyan niya ng pagkain ang plato ni Nico.
"Wife, salo na lang tayo susubuan kita."
"Okay, babe." Kinikilig na nginuya niya pagkain na isinubo ni Nico.
Tinusok-tusok! Ni Ella ng tinidor ang pagkain. Nagseselos ito kasi napaka-sweet ni Nico kay Ally.
"Anong tingin ni Nico kay Ally sanggol? Bakit kailangan pa niyang subuan! Ang babaeng 'yan. Pesti! Kasi itong kaibigan ko pumunta-punta pa dito sa auto shop naudlot tuloy ang lambingan namin ni Daddy, bear." Galit na bulong ni Ella.
Gusto niyang patigilin si Ella sa paglalaro ng pagkain pero nahihiya siya kasi baka ma-offend ito.
"Di ba ate Ella sabi mo sa akin kahapon iiwan mo si Alexa sa bahay?"
Napatigil si Ella sa paglalaro ng pagkain ng biglang magsalita si Ally. ''Oo bunso sumama ka sa akin mamaya susunduin natin si Alexa. Okay, lang ba sayo Nico? Kung iwan ko muna sa inyo ang aking anak?"
"Of course walang problema. Mas maganda nga iyon may kasama si Ally sa bahay."
"Oo, Ate okay, lang ako ng bahala kay Alexa, aalagaan ko siya nang mabuti. Siguradong mag-e-enjoy iyon sa pag-ba-baked ng cake."
Pasimpleng inirapan ni Ella si Nico habang busy si Ally sa pagkain.
"Babe tikman mo naman itong buko pandan di ba paborito mo Ito." Nagsandok siya ng buko pandan isinubo niya kay Nico.
Hindi ni Nico alam kung ano ang gagawin. Kapag nilulunok nito ang pagkain napakasama ng tingin sa kan'ya ni Ella. Kapag hindi naman nito nilunok ang pagkain siguradong magagalit sa kan'ya si Ally.
"Ayaw ko na wife busog na ako."
"Ayaw mo na agad babe? Eh, nakakatatlong subo ka pa lang. Dati-rati naman ang dami mong kinakain."
"Masakit kasi ang ngipin ko nangi-ngilo kapagnasa-sayaran ng malamig." Palusot ni Nico.
"Ganun ba kailangan ipabunot na natin iyang ngipin mo nang hindi na lumaki ang butas. Ikaw ate Ella bakit hindi ka kumain?"
"Busog kasi ako bunso kumain na ako kanina sa labas."
"Sayang naman itong mga pagkain na niluto ko kakaunti ang bawas."
"Don't worry wife hindi iyan masasayang ibibigay ko sa mga trabahador."
Tinanguan niya si Nico medyo masama ang loob niya halata kasing napilitan lang ito kumain. Tapos si Ella hindi man lang tumikim kahit kaunti. Kung hindi lang nakakahiya gusto niyang umiyak.
Ewan hindi niya alam kung bakit napaka-emotera niya nitong mga nakaraang araw.
"Wife pupunta nga pala ako sa Tagaytay mamayang gabi may urgent meeting kasi duon. Tumawag sa akin kanina ang branch manager ng Montero auto shop sa Tagaytay meron daw akong kailangan ayusin sa site."
"Babe sasama ako sa Tagaytay isama natin si Alexa ng makapamasyal kami sa magagandang tanawin duon."
Muntik ng mahulog sa upuan si Nico dahil sa pagkabigla hindi nito inaasahan ang naging sagot ni Ally. "Huh? Pero di ba busy ka sa bakery marami kang pa-order ng cakes ngayon dahil Christmas season."
"Isasarado ko ang bakeshop babe tapos ang problema. Gusto kong makapag-unwind tayong dalawa, kasi lately puro trabaho ang inaatupag natin. Nawalan na tayo ng oras sa isat-isa."
"Okay, susunduin kita mamayang 6:00 p.m. sa bahay mag-impaki ka na." Matamlay na sagot ni Nico. Naiinis ito kay Ally dahil hindi na matutuloy ang plano nila ni Ella na mag-honeymoon sa Tagaytay.
Gusto ni Ella na sabunutan si Ally at ilampos ang maganda nitong mukha sa sahig.
"Kung alam ko lang Ally na ikaw ang magiging karibal ko sa lalaking mahal ko! Dapat noon pa lang hindi na ako nakipagkaibigan sayo!" Gustong isigaw ni Ella pero hindi nito magawa dahil natatakot itong makulong.
"Ate Okay, lang naman na isama namin sa Tagaytay si Alexa, diba?"
"Oo bunso." Ngumiti si Ella ng peke.
"Uuwi na muna ako babe nang maihanda ko lahat ng gamit natin. Sabay na kami ni Ate Ella sa pag-uwi."
"Okay, wife ihahatid ko na kayo sa labas."
Nauna si Nico maglakad palabas ng opisina.
Pinindot ni Ella ang un-lock ng kotse umupo ito sa driver seat. Nabubwisit na pinanuod nito si Nico at Ally na naghahalikan.
"Napaka-arte mo Ally! Akala mo naman isang dekada mong hindi nakasama si Nico.!" Nang-gigigil na hinampas nito ang manibela.
Pinakawalan ni Nico ang labi ni Ally. "I love you wife sumakay ka na mukhang na iinip na ang best friend mo."
Kitang-kita ni Nico ang matalim na tingin ni Ella habang nakakuyom ang dalawa nitong kamao.
"I love you too babe!" Niyakap niya si Nico bago siya pumasok sa loob ng sasakyan.
Prenti siyang umupo sa shotgun seat. Medyo naiilang siya kay Ella dahil mukhang galit ito. Hindi niya alam kung bakit bigla itong na bad mood.
Galit na pinatakbo ni Ella ang sasakyan sa gitna ng kalsada. Hindi nito itinago ang pagka-disgusto kay Ally.
Napabuga si Nico ng hangin ng makalayo sa harapan nito ang sasakyan.
"Damn! Muntik na kaming mahuli tapos ngayon problemado ako kung paano ko itatago itong mga chikinini ko sa katawan." Problemado nitong bulong.
Naninibago si Ally kay Ella dahil napakatahimik nito hindi man lang siya nito tinitingnan. Hindi siya nakatiis pinisil niya ang braso nito.
"Ate Ella okay, ka lang ba? Kanina ka pa tahimik?"
"Ayos lang ako Ally medyo masakit lang ang ulo ko." Tipid na sagot nito kay Ally.
Nag-concentrate si Ella sa pagmamaneho ng kotse. Ayaw nitong tingnan si Ally dahil baka masipa niya ito palabas ng sasakyan.
Hanggang makarating sila sa bahay ni Ella hindi pa rin sila nag-uusap.
Tahimik silang pumasok sa lumang bahay. Bumungad sa harapan ni Ally ang maliit na sala may bamboo set na sofa sa gitna. Natutuklap na ang pintura ng bahay at kinakalawang na ang yero.
"Akala ko bilyonaryo ang asawa mo ate Ella? Pero bakit ganito kaluma ang bahay ninyo?" Hindi niya napigilang itanong.
"This is not my house Ally bahay ito ng magulang ko. Sandali lang tatawagin ko si Alexa." Naglakad ito palayo.
Ang daming tanong na gumugulo sa isipan niya. Buong akala kasi niya galing sa mayamang angkan si Ella dahil ang paalam nito sa kaniya noon magta-transfer ito sa mamahaling universidad.
"Tita! Ally, You're here..." Nilingon niya ang batang Sumisigaw.
"Hi! Alexa, how are you baby?"
"I'm fine tita Ally, sabi ni Mommy isasama mo daw po ako sa Tagaytay."
"Yeah sasama ka ba sa akin?"
"Oo naman po tita Ally," magiliw nitong sagot.
"Kung ganun ready na ba lahat ng mga gamit mo? Kasi aalis na tayo."
"Yes! Po kanina pa nakahanda girls scout yata 'to..."
"Very good! Ate, Ella aalis na kami, ihahatid ko na lang dito si Alexa pagbalik namin galing sa Tagaytay." Pukaw niya sa pananahimik ni Ella.
"Ally pagbalik ninyo dito sa Manila sa Villa Verde Subdivision mo ihatid si Alexa duon kami nakatira."
"Sige, ate Ella mauna na kami." Inakay niya si Alexa palabas ng bahay.
Sumakay sila ng taxi pauwi.