"Ahh! Punyeta ka Ally! Sagabal ka sa kaligayahan ko!" Malakas na sigaw ni Ella sa loob ng kwarto.
Ibinalibag nito sa sahig ang maletang dapat ay dadalahin nito sa Tagaytay. Kumalat ang mga damit sa marmol na sahig.
Nanghihinang dumapa ito sa kama bumalong ang masaganang luha sa mga mata nito.
"Ganito pala kahirap ang buhay ng isang kabit habang nagsasaya at nagpapakasarap ang kaluguyo ko sa kandungan ng tunay niyang asawa, heto naman ako umiiyak, nangungulila sa mahigpit, mainit niyang yakap, at na babaliw kaiisip kung kailan ko ulit siya makikita at mahahawakan." Nasasaktan na wika nito.
Aliw na aliw si Alex na panuorin ang pagwawala ni Ella sa loob ng master bedroom.
"Ganyan nga honey magdusa ka! Nangmaramdaman mo kung gaano kasakit ang lokohin at paglaruan. Tulad ng ginagawa mo sa akin." Galit na wika ni Alex habang hinahaplos nito ang screen monitor ng laptop kung saan napapanuod nito ang malakas na pag-iyak ni Ella.
"Hindi ka ba nagsasawang marinig ang pagtangis ni Ella, Alex? Bakit hindi mo ipagtapat sa kanya ang katotohanan na iyong nalalaman ng matapos na ang kaniyang pagdurusa.'' Wika ng maliit na boses galing sa loob ng utak ni Alex.
"Sa tamang panahon honey malalaman mo rin ang masakit na katotohanan at sana kapag nalaman mo 'yon hindi ka magpakamatay." Nakangising bulong nito.
Busy si Ally sa paghihiwa ng karne rinig na rinig niya ang malakas na tawa ni Nico at Alexa.
Lumabas siya ng kusina upang tingnan kung ano ang ginagawa ng mga ito. Napangiti siya nang makita niyang naghahabulan ang mga ito sa garden.
"Alexa! Babe! Pumasok na kayo dito sa loob ng bahay!"
"Sandali lang wife hindi ko maabutan si Alexa ang bilis kasi niyang tumakbo." Hinihingal na sagot ni Nico.
"Okay, babe tapusin na ninyo ang paglalaro at tulongan ninyo ako maghanda ng ating dinner." Sumaludo sa kan'ya si Nico at muli itong tumakbo.
Bumalik siya sa kusina upang ipagpatuloy ang paghahanda ng mga pagkain.
"Siguro kung kasama namin si ate Ella dito sa Tagaytay mas masaya, makakapag-bonding kami ng matagal." Nangangarap na bulong niya.
"Takbo Alexa! andiyan na ako mahuhuli na kita!" Napalingon siya sa pintuan ng kusina nang biglang pumasok si Nico and Alexa.
"Stop running baby! Madulas ang tiles baka madapa ka. Magpalit ka na ng damit basang-basa na ang likod mo." Hinubad niya ang damit ni Alexa pinunasan niya ito ng pawis sa likod.
"Ikaw rin babe magpalit ka ng damit."
"Pawis lang ito wife, pagpinunasan wala na saka takot lumapit sa akin ang sakit dahil gwapo ako." Pakindat-kindat na sagot ni Nico.
"Ha ha ha! Ang yabang mo!" Pinalo niya ng sandok ang pwet ni Nico.
"Totoo naman po tita Ally, gwapo si tito Nico eh." Nakangiting wika ni Alexa.
"Oo na talo na ako wala kasi akong kakampi, magpahinga muna kayong dalawa bago maligo."
"Sige wife manunuod muna kami ng Television sa sala."
Tinanguan niya si Nico bago niya ipinagpatuloy ang kan'yang ginagawa. Inilagay niya ang karne, hotdog, hipon at gulay sa plato. Mag-barbeque siya sa labas.
Isa-isa niyang dinala ang mga pagkain sa bahay kubo. Pagkatapos nilagyan niya ng uling ang ihawan ng um-apoy na ang uling, sinimulan niyang ihawin ang karne.
Sinilip muna ni Nico sa bintana kung busy si Ally nang masigurado niyang busy ito sa pag-iihaw saka siya pumunta ng banyo. Ini-lock niya ang pinto binuhay niya ang shower para isipin ni Ally na siya'y naliligo.
Dinukot niya ang cellphone sa bulsa ng kaniyang pantalon. Tinawagan niya si Ella kanina pa siya nag-aalala rito.
Napatigil si Ella sa paghikbi ng mag-ring ang cellphone nito. Pinindot nito ang answer button.
"Hello?" Naiiyak na wika nito.
"Hello baby bear okay, ka lang ba? Kanina pa ako nag-aalala sayo."
"Ano ba namang klaseng tanong iyan Nico! Natural hindi ako okay, masamang-masama ang loob ko! Dapat ako ang kasama mo diyan sa Tagaytay pero dahil umepal ang bruhilda mong asawa! Na itche-pwera ako... Hu hu hu!" Nilakasan ni Ella ang pag-iyak .
"Please baby calm down kahit lumuha ka pa ng isang timba hindi ka makakarating dito sa Tagaytay, and please huwag mong tawaging bruha si Ally, wala siyang kasalanan. Karapatan niyang sumama sa akin kahit saan man ako pumunta dahil asawa ko s'ya."
Talo pa ni Ella ang sinampal ng sampong beses dahil sa sinabi ni Nico. Sobrang sakit pala masampal ng katotohanan para na rin siyang pinatay.
"Ipinamumukha mo ba sa akin na kabit lang ako? Na wala akong karapatang mag-demand na makasama ka?"
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin baby---"
"Kung ayaw mo na sa akin sabihin mo lang lalayuan na kita kakalimutan ko na ang nakaraan nating dalawa. Hindi na ako maghahabol kahit na ako talaga ang nagmamay-ari sayo at hindi si Ally." Kalmadong wika ni Ella. Strategy nito ang magmanhid-manhidan upang isipin ni Nico na hindi s'ya apektado iwanan man s'ya nito.
Kinabahan siya sa sinabi ni Ella hindi siya papayag na muli itong lumayo. "No! Baby bear... Huwag mo ako iiwan di ba nangako tayo sa isat-isa na magsasama tayong dalawa sa hirap at ginhawa. Nanghihingi lang ako sayo ng kaunting panahon upang mahiwalayan ko si Ally. Para mawala ang sama ng loob mo sumunod ka dito sa Tagaytay, tawagan mo si Ally sabihin mo sa kan'ya na gusto mong magbakasyon dito."
A devil smile form on her lips kailangan lang pala niya umarte para maantig ang puso ni Nico.
"Sigurado ka ba Daddy, bear na gusto mo akong sumunod diyan? Baka naman pag andiyan na ako ay dedmahin mo ang beauty ko?" Sarkastika nitong tanong.
"No that won't happen baby, kapag andito ka na sa Tagaytay susulitin natin ang bawat oras at minutong magkasama tayong dalawa.
"Okay, Daddy bear, I love you! Mwaahh..!"
"I love you too baby bear see you tomorrow." Tinapos niya ang pa kikipag-usap kay Ella at binura niya ang laman ng inbox at call history upang walang makitang ebedinsya si Ally.
Naghubad siya ng damit pagkatapos tumapat si sa shower. Sumisipol siya habang na liligo may malanding plano na naglalaro sa kaniyang isipan.
Tapos na si Ally mag-ihaw, kumukulo na rin ang sinigang na hipon sa palayok pero wala pa rin si Nico and Alexa.
Napagpasyahan niyang pumunta ng master bedroom.
Pagpasok niya sa loob ng kwarto wala si Nico Pinihit niya ang door knob ng banyo naka-lock hindi niya mabuksan.
Nag-alboroto ang dibdib niya dahil sa matinding inis na kan'yang nararamdaman.
"Inilock pa talaga ni Nico ang pinto para lang makausap niya ang kaniyang kabit!" Galit na kinuha niya ang susi sa drawer.
Binuksan niya ang pinto ng banyo nasa loob pa ng shower room si Nico. Dinampot niya ang cellphone nitong nakapatong sa ibabaw ng lababo medyo mainit pa halatang ginamit. Tiningnan niya ang inbox wala namang message galing sa babae puro tungkol sa business. Tiningnan niya ang call logs wala namang bago. Lalo siyang nairita gagawin pa talaga siyang tanga. Natural wala siyangg makikita dahil denelete na.
Na-iiyak na lumabas siya ng banyo. Dumiretso siya sa guestroom upang tingnan si Alexa.
Naabutan niya si Alexa na nagsusuklay ng buhok. "Baby tayo na sa bahay kubo kakain na tayo ng dinner."
"Tita Ally! Naman Ginulat mo po ako." Namumutlang wika ni Alexa.
"Sorry.... Baby tapos ka na ba?"
"Yes! Po tita."
"Okay, halika na." Magkahawak kamay silang pumunta ng bahay kubo.
Dali-daling nagbihis si Nico ng pambahay na damit. Nagmamadali ito dahil iniisip nito na baka si Ally ay naiinip na.
Tumakbo si Nico palabas ng bahay na abutan nito si Ally at Alexa na kumakain na.
Nginitian niya si Nico ng ubod tamis at nilagyan niya ng pagkain ang pinggan nito.
"Gusto mong makipaglaro sige pagbibigyan kita!" Gusto niyang isigaw sa pagmumukha ni Nico pero nagtimpi siya. Dahil alam niyang matatalo siya sa laban kapag nagpadala siya sa galit na kan'yang nararamdaman.
Humigop si Nico ng mainit na sabaw tinusok nito ang inihaw na karne at isinubo iyon. "Hmmm... The best talaga! wife ang luto mo napakasarap!"
Gusto niyag umiyak dahil nuon tuwang-tuwa siya tuwing pinupuri ni Nico ang mga niluto niya. Pero ngayon galit ang kaniyang nararamdaman.
Gusto niyang hilahin palabas ang dila ni Nico upang hindi na ito makapag-sinungaling pa.
"Talaga babe masarap? Baka naman may mas masarap pa sa luto ko?" Patuyang tanong niya.
"No wife! For me walang makakatalo sa luto mo masarap talaga tamang-tama ang timpla at saka malasa." Sumubo si Nico ng broccoli.
"Mabuti naman babe nasasarapan ka sa luto ko kasi alam mo kapag nalaman ko na kumakain ka sa ibang pinggan oh, kaya may iba kang kinakain, puputulin ko talaga iyang dila mo ipapalunok ko sa malanding tilapya ng siya'y mabusog."
Muntik na si Nico mabilaukan dahil alam nitong hindi nagbibiro si Ally.
"Wala naman akong ibang kinakain babe kundi iyang monay mo lang."
"Dapat lang babe kasi kapag tumikim ka ng ibang monay at nalaman ko hihiwain ko iyon at ito-toast ko sa oven kasama ang footlong mo, but I'm one hundred percent sure na hindi mo ako lolokohin kasi mahal na mahal mo ako diba babe?" Seryusong tanong niya kay Nico.
"Yes wife, I love you so much from the bottom of my heart." Naninibago si Nico kay Ally dahil nakangiti ito pero kalungkotan ang makikita sa kulay silver nitong mga mata.
Nag-fucos si Nico sa pagkain nang hindi na si Ally mag-usisa pa.
Alam niya na iniiwasan ni Nico pag-usapan ang tungkol sa pangangaliwa dahil natatakot ito na malaman niya ang katotohanan.
Dahil busy si Nico sa pagkain si Alexa na lang ang kinausap niya. "Baby nagustohan mo ba ang food?"
"Yes po tita Ally lahat po ng inihanda mong pagkain ay masarap ngayon nga lang po ako nakatikim na ganito kasarap na pagkain. Kasi si Mommy po hindi s'ya marunong magluto, madalas nag-o-order po kami sa restaurant."
"Okay, lang iyon baby dahil darating din ang araw na matuto ang Mommy, mong magluto ng iba't-ibang klase ng masarap na putahi." Pinisil niya ang matambok na pisngi ni Alexa. "Tumayo ka na baby mag-tootbrush ka ng ngipin bago matulog."
"Pwede po ba tita Ally sabay tayo mag-toothbrush takot po kasi ako sa bathroom kapag gabi."
"Oo naman sandali lang ha, liligpitin ko lang itong mga pinagkainan natin."
"Ako ng bahala dito wife asikasuhin mo na si Alexa." Pinisil ni Nico ang pang-upo niya.
Kapag-ganitong nakangiti si Nico ng ubod tamis at naglalambing hindi mo iisipin na ito'y may ginagawang kalukohan.
Hindi niya tuloy alam kung ano ang paniniwalaan niya. Susundin ba niya ang sigaw ng kaniyang pusong lubos na nagmamahal? Oh, papakikinggan niya ang isinisigaw ng kaniyang isipan?
Nagugulohan na sinamahan niya si Alexa sa loob ng banyo.
"Baby selfie muna tayo bago tayo magsepilyo nang makita ni Mommy mo."
Magkatabi sila ni Alexa at pareho silang may hawak na sepilyo. Senend niya kay Ella ang picture.
Naiinis na denelete ni Ella ang picture na pinadala ni Ally.
"Sige lang Ally magpakasaya ka ngayon nam-namin mo ang sarap, at ligaya dahil sa susunod na araw mag-isa ka na lang sa buhay. Dahil iiwan ka na nang pinakamamahal mong asawa." Naka-simangot na wika niya.
Kahit na iirita siya kay Ally tenext pa rin niya ito. "Ang sweet naman ninyong dalawa na inggit tuloy ako. Parang gusto kong pumunta diyan, pwede ba bunso?"
Binasa ni Ally ang mensahi ni Ella napangiti ito ng malapad at excited itong nag-reply sa message ni Ella. "Oo Ate pumunta ka dito mas masaya kasi kung andito ka sa Tagaytay marami tayong activity na gagawin."
"Ha ha ha!" Natawa siya ng malakas sa reply ni Ally.
"Grabi tanga-tanga, manhid, at uto-uto ng matalik kong kaibigan!" Humahalakhak na sigaw niya.
"Okay, bunso pupunta ako diyan bukas hindi ko lang alam kung anong oras."
Ipina-alam ni Ally kay Alexa na bukas darating ang Mommy nito. "Baby pupunta dito bukas ang Mommy mo kaya matulog ka ng maaga at ng beautiful ka tomorrow."
"Talaga po tita Ally?" Nami-milog ang mata ni Alexa.
"Yes! Baby.."
"Yehey!" Pumapalakpak na wika nito..
Tinapos nila ang paghihilamos. Pagkatapos nagbihis sila ng malinis na damit.
"Sleep tight Alexa lalabas na ako."
"Good night po tita Ally." Inaantok nitong ani.
Tinanguan niya si Alexa bago siya bumaba ng hagdan.
Sinilip niya si Nico sa garden naka-upo ito sa Carabao Grass may kausap ito sa phone. Kitang-kita niya na kinikilig si Nico sa kausap nito.
"Lubos-lubosin mo na Nico ang iyong kademonyohan dahil sisiguraduhin ko na pagsisihan mo na niloko mo ako at pinaglaruan." Galit na bulong niya sa madilim na langit.