Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Nine months na ngayon ang tiyan ni Ally kabuwanan na n'ya anytime pwede na s'yang manganak. Hinihintay na lang n'ya na sumakit ang kan'yang tiyan. Nine months na niyang hindi nakikita si Nico dahil noong umalis s'ya sa Manila pinutol na n'ya ang kumonikasyon niya rito at wala na din naman s'yang plano na makibalita pa kung ano na ba ang nangyayari sa buhay nito. Masaya na ang buhay niya ngayon dito sa Lemery Batangas nakapagpatayo na s'ya ng bahay na bungalow at meron na s'yang sari-sari store at maliit na bakery. Umiikot ang buhay niya ngayon sa pagbebenta ng mga tinapay na s'ya mismo ang nag-baked at tuwing sunday sarado ang tindahan n'ya at bakery dahil nagsisimba s'ya at namamasyal. Pinakang-exercise niya ang paglalakad tuwing linggo at nagb

