"Anton, Cora pupunta ako ngayon kina Mama doon muna kami mag-e-stay ni Alexa dahil baka bigla akong manganak walang mag-aalaga sa akin dito. Nana, Cora total naman aalis ako umuwi ka po muna sa probinsya nang makapagpahinga ka, at huwag mo na po akong alalahanin dahil aalagaan naman po ako ni Mama nang maayos at ikaw naman Anton bantayan mo nang maayos itong bahay. Huwag na huwag kang aalis dito upang walang makapasok na magnanakaw." "Pero Ma'am Ella kabilin-bilinan po ni Sir, Alex na huwag kang lalabas ng bahay at bilin rin n'ya sa akin na bantayan po kita nang mabuti kahit saan ka magpunta." Kumakamot sa batok na wika ni Anton. "Napaka-OA mo Anton ha, alangan naman na pati sa kubeta eh, sumama ka. Maiwan ka dito bantayan mong mabuti itong bahay. Oh, sige, na buhatin mo na 'tong bag

