bc

MY HEARTLESS EX-HUSBAND'S OFFER (SPG)

book_age18+
266
FOLLOW
2.3K
READ
billionaire
love-triangle
HE
age gap
second chance
friends to lovers
dominant
heir/heiress
bxg
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

Nagulo ang tahimik na trabaho ng 22-year-old CEO secretary na si Avajell Marasigan nang pinalit ng Boss niya bilang CEO ang 36-year-old na panganay nitong anak na si Tristan Hayes Wilson. Daig pa ni Tristan ang babaeng laging dinadatnan ng monthly period sa pagsusungit nito kay Ava. Hanggang sa hindi inaasahang pangyayari na naisuko ni Ava ang vir gi*nity sa amo dahilan para mauwi sila sa kasalang pinilit ng Daddy ni Tristan. Hindi naman maitanggi ni Avajell na nahuhulog ang puso niya kay Tristan sa kabila ng malaking agwat nila sa edad at estado. Akala niya ay magiging masaya siya sa piling ng asawa, lalo na at naging sweet ang treatment nito sa kanya. Pero hindi man lang tumagal ang pagsasama nila bilang mag-asawa dahil sa isang pangyayari. Paano kung sa paglipas ng taon ay maging Boss muli ni Avajell si Tristan sa bagong trabahong pinasukan niya? Pipiliin ba ni Ava na umalis sa trabahong kinakailangan niya. O magtiis sa ex-husband niya na walang gustong gawin kundi ang pahirapan siya?

chap-preview
Free preview
Prologue
“Maawa ka na sa akin! Papasukin mo na ko! Gusto ko lang makita ang asawa ko. Please! Kahit sandali lang!” Frustrated na sigaw ko. Ayoko man na lakasan ang boses ko pero hindi ko mapigil ang emosyon ko. Nagbabadya na ang luha sa mata ko habang nasa tapat ng bakal na gate nang ayaw akong papasukin ni Pinky na isa sa kasambahay dito sa mansion ng asawa kong Tristan. “Senyorita Ava naman, este Ava. Hindi na kita tatawaging ‘ma’am at tutal ay pinalayas ka na naman ni Senyorito Tristan at makikipaghiwalay na siya sa’yo, huh?” Pinameywangan ako ni Pinky. “Ang kulit mo naman, eh. Sinabi nang wala dito si Senyorito. Pwede ba umalis ka na!? Dahil mahigpit na mahigpit na bilin sa aming lahat dito ay ‘wag na ‘wag kang papasukin. Ayokong pati ako ay mapalayas dito!” Nabigla ako sa narinig mula sa babae. Napahigpit tuloy ang kapit ko sa rails ng gate. Doon ko binuhos ang hinanakit sa narinig mula kay Pinky. Hindi kayang tanggapin ng tainga ko ang salitang hiwalayan. No! Walang hiwalayan na magaganap! Hindi totoo ang sinasabi ni Pinky. Mahal na mahal ako ng asawa ko. Hindi nito kayang hiwalayan ako. Kailangan lang namin na makapag-usap ng asawa ko. Malulutas pa namin ang gusot sa pagitan naming mag-asawa. Wala akong kasalanan. Na-set up lang ako! Hindi ako nagtaksil. Umiling ako. “No, hindi makikipaghiwalay sa akin si Tristan.” Matigas kong sabi kay Pinky. Natawa ng pagak ang babae sa akin. Tapos ay ito naman ang umiling at pumapalatak pa. Halatang nang-uuyam. Talagang hindi ako nito gusto kahit dati pa na nakatira ako dito. Hindi mo alam kung inggit o ano, dahil ang katulad kong hindi naman mayaman at hamak na secretary lamang ni Tristan ay naging asawa ng lalaki. Langit at lupa ang agwat namin ni Tristan, dahil kabilang lang naman ito sa pinakamayaman na angkan dito sa Pilipinas samantalang ako ay hamak nitong empleyado dati. Isang secretary. “Wala ka nang gamit dito dahil lahat ay pinasunog na ni Senyorito! Nasusuklam na siya sa'yo—” Pero hindi na natapos ni Pinky ang sinasabi nito dahil sa malakas na busina ng sasakyan at doon na-focus sa may likod ko ang tingin ni Pinky. Napalingon tuloy ako at parang may kabayong naghabulan sa dibdib ko nang makita ang pamilyar na kotse. “Mahal?” usal ko. Isang malakas na busina pa ang narinig ko sa sasakyan. Tila matinding hampas ang ginawa ng driver ng nasa loob sa busina ng sasakyan dahil kulang na lang ay umabot sa highway ang ingay mula sa busina. Sigurado akong si Tristan ang nakaharap sa manibela. “Tumabi ka d’yan, Ava! Bubuksan ko ang gate!” Sigaw ni Pinky. Hindi ko pinansin ang kasambahay. Bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa gate at humarap kung nasaan ang kotse ni Tristan. Nanginginig ang tuhod ko dahil sa kaba. Para akong matutumba pero hindi ako nagpatalo sa panginingig. Inayos ko ang tayo at tumingin lang sa tinted na windshield doon sa alam kong kung saan nakaupo si Tristan. Maraming busina pa ang narinig ko. Halatang gigil sa pagpindot si Tristan pero hindi ako nagpatinag. Narinig ko rin ang tunog ng pagbubukas ng gate. Pero wala akong pakialam kay Pinky kahit sigawan ako nito at nakaharang ako. Hanggang sa ilang busina pa ng sasakyan ay lumabas sa sasakyan ang lalaking ine-expect ko. Nakagat ko ang ibabang labi sandali. Kung anong klaseng tingin ang nakita ko sa mata ni Tristan nang huli kaming magkita ay gano’n pa rin ngayon ang tingin niya sa akin. Matalim na tingin na parang kutsilyong tumatarak sa akin. Ang sakit. Hindi ko akalain na hahantong kami sa ganito. “What are you doing here!?” Galit na tanong agad ni Tristan matapos pabalibag na sinara ang pinto ng sasakyan niya at lumapit sa akin. Ilang hakbang ang layo niya sa akin. Halatang ayaw akong dikitan. Hindi ako nakasalita. Napatingin ako sa gwapong mukha ng asawa ko. Halata ang panlalalim ng mata niya. Halatang puyat siya. “Get out of my sight! Umalis kang babae ka ngayon din kung ayaw mong kaladkarin pa kita!” Doon na kusang tumulo ang luha ko. “M-mahal… just let me explain—” “We’re done, Ava! Consider yourself dead to me! Ayoko nang makita ang pagmumukha o kahit ang anino mo kahit kailan! I swear, isang beses na makita ko pa ang mukha mo buong pamilya mo ang madadamay dahil sa pagtataksil mo! Don’t try me, Avajell. Just don’t try me!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook