“Napakaganda mo, Ate Ava!” Puno ng energy na sigaw ni Arabelle na nasa likod ko pero sapat na para makita ko siya habang nakaharap ako sa salamin. Suot ko Bigla ko tuloy na hinarap si Arabelle at pinandilatan siya ng mata. “Ara! Baka naman marinig ka nila Mama at akyatin pa tayo dito sa taas.” Saway ko. Binalik ko ang tingin sa salamin at muling tiningnan ang sarili ko. Well, hindi naman sobrang kapal ng make-up ko. At masasabing kong bumagay ‘yon sa akin. I’m sure na magugulat sa akin si Sir Tristan kapag nakaharap ko siya mamaya sa cityhall. Hindi naman kasi ako nagme-make up ng ganito sa opisina. Biglang nag-init ang mukha ko nang biglang nag

