Avajell Marasigan
Nagpantig ang tainga ko sa narinig. The heck! Napaka praning talaga nitong Tristan na ‘to!
Kapal ng mukha!
Pero mas pinili kong hindi ipakita na nainis ako sa sinabi niya. Kapag nakita niyang takot ako sa kanya ay baka i-bully niya ako. Kapag nakakaharap ko siya ay nagtatapang tapangan talaga ako.
“Sir, excuse me lang po, ha? Hindi ko po binibilog ang ulo ng Daddy niyo. Nagta-trabaho po ako ng maayos sa kanya.” Mariing sabi ko.
Nakatitig si Sir Tristan sa mukha ko. Napalunok ako dahil naglumikot ang tingin niya at sa labi ko na siya nakatingin. Hindi ko maiwasan na kagatin ang lower lip ko. Feeling ko kasi ay nabura na ang lipgloss na nilagay ko. Pero agad ko rin na tinanggal ang pagkakakagat doon at parang nang-aakit ako sa itsura ko malamang.
May pagka-seductive na innocent pa naman ang mukha ko. Yan ang description sa akin ng ilan sa mga kaibigan ko. Maganda naman daw talaga ako. Kaya nga bata pa lang ako ay madalas na ako na ang napipiling muse sa school. Suki rin ako sa santakrusan na kinukuha para magparada tuwing Mayo.
Parang umepekto pa ang ginawa ko dahil biglang naglumikot ang mata ni Sir Tristan. Sandaling nag-iwas siya ng tingin at nakita ko pang gumalaw ang adam’s apple niya. Nang binalik niya ang tingin sa akin ay madilim na ang mukha niya at nang-uusig na naman ang mga mata niya.
“Yeah… Palagi ka ngang binibida ni Dad… Bilib na bilib siya sa’yo, Ms. Marasigan. That’s why I’m sure na pati siya ay tinatrabaho mo—”
“Tristan!” Tawag ni Sir Thomas kaya hindi niya natuloy ang pangungutya sa akin.
Nang binaling ko ang tingin sa matanda ay papalapit na ito sa amin ng anak nito.
Inis na inis pa ako pero kinondisyon ko ang mukha ko na hindi magmukhang badtrip.
“Sir Thom, good morning po.” Agaw atensyon ko kay Sir Thomas “Pasensya na po at na-late ako.” sambit ko nang tuluyan na itong nakalapit.
“It’s okay, Ava… hindi ka nale-late sa trabaho kaya naisip kong nagkaroon ka ng problema o emergency.” Sambit ni Sir Thomas.
Mabuti pa itong tatay ay napaka-understanding. Itong anak, hindi pa nga ako nakaka-trabaho ay panay judge na sa akin. Napaka judgemental lang.
Hindi kaya ampon lang talaga itong si Sir Tristan? Ang layo ng ugali niya sa Daddy at dalawa niyang kapatid.
Binaling ni Sir Thom ang tingin sa anak nito.
“Tristan, ang binilin ko sa’yo… ‘Wag mong pahirapan ang secretary mo. She’s one of my best employee here. Maaasahan mo siya.” Mariin ang pagkakasabi ni Sir Thomas sa anak nito pero si Sir Tristan naman ay sa akin lang nakabaling ang tingin kaya kitang kita ko ang paniningkit ng mga mata niya at obviously na hindi niya gusto ang narinig mula sa daddy niya na maaasahan ako.
“Ava,” Biglang lingon naman ni Sir Thomas sa akin kaya sa matanda ko binaling ang tingin ko. “Magsumbong ka lang sa akin kapag pinahirapan ka nitong anak ko, ha?”
Ngumiti naman ako kay Sir Thom at tumango. Nang tinapunan ko ng tingin si Sir Tristan ay nakita kong gumagalaw ang panga niya. Hindi niya talaga bet na mabait ang daddy niya sa akin.
Aware naman kasi si Sir Thomas sa treatment ng anak nito sa akin. Isang beses ay narinig nito ang pangungutya sa akin ni Tristan at sinabing tinatarget ko raw ang daddy niya at gustong pumatol sa matanda. Kaya lalo talaga akong natatakot na mag-asawa ng mayaman eh… Ang saklap na nga ng naranasan ko sa pamilya ng ex ko, idagdag pa itong Tristan na ito na mapang-mata sa gaya kong ordinaryong tao.
“Dad, you know I expect nothing but discipline at work.… Kung umpisa pa lang ay late na siya, doesn’t she deserve to be called out?” Masungit na sabi ni Sir Tristan na sa daddy na nito nakabaling ang tingin.
Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na matitigan ang bagong boss habang naka-side view ito. He’s really handsome.
Yung feature ng mukha ni Tristan ay nakikita ko lang sa mga lalaking nabibilang sa listahan ng most handsome man. Mula sa tabas ng jawline niya, tangos ng ilong. Mapula rin ang labi nito. Nabanggit na rin kasi ni Sir Thomas before na walang bisyo ang mga anak niya na sigarilyo at ocassional lang na umiinom. Ayaw ni Sir Thomas sa lahat ay ang naninigarilyo.
Pero ang facial features siguro na ni Tristan na unang nagpatigil sa akin sa pagtitig sa kanya nang first time ko siyang nakita ay ang mata niya. Meron siyang blue eyes na namana niya sa kanyang lolo. May lahi kasing American si Sir Thomas at ang Tatay nito ay amerikano.
Kaya sobrang ganda talaga ng lahi ni Sir Tristan. Pati ang kapatid niyang si Travis ay gwapong gwapo ako. Ang kaibahan lang nila ay malaya kong natitigan si Travis at Trish na mababait sa akin.
Matangkad din si Sir Tristan. Nasa 6 feet ang tangkad niya at idagdag pa na kahit hindi ko pa naman nakikita ang katawan niya ay mahahalata talagang alaga ‘yon dahil sa tindig niya. Gym buddies silang magkakapatid ang sabi ni Sir Thomas.
Ang dami ko nang alam sa pamilya nila dahil halos nga lagi kong kasama si Sir Thomas dito sa opisina at madalas din na kapag may meeting siya sa labas ay pati ako ay sinasama niya.
“Tristan! I’m warning you!” Biglang taas naman ng boses ni Sir Thom kaya nag-worry ako.
“Dad!”
“Ayokong nambu-bully ka ng empleyado, anak… Oras na malaman ko na may sinabi ka na namang masama kay Miss Marasigan, malilintikan ka sa akin!”
Napalunok naman ako nang marinig na nagkakainitan ang mag-ama dahil sa akin.
“Sir Thom…” Agaw atensyon ko at binaling sa akin ng matanda ang tingin. “Calm down, please… ‘Wag na po kayong ma—”
“Shut up, woman!” Biglang sigaw naman ni Sir Tristan na kinagulat ko.
Nang tiningnan ko ang bago kong boss ay nanggagalaiti na ito sa galit sa akin. Pero ewan ko ba at lihim akong nagdiwang na nakaganti ako sa stress na binibigay niya sa akin ngayon.
“Tristan!” Muling malakas na sabi ni Sir Thomas.
Napahawak na lang ako sa noo ko. Sandali kong tiningnan ang paligid at wala na naman na tao dito sa mini stage. Ang mga empleyado ay halos nakalabas na at naroon na sa bandang dulo malapit sa pinto para mag-exit na. Kaya hindi naman kami nakaka-eskandalo ng ibang tao.
“Isa pang pambabastos mo kay Ava ay tatanggalin kita ngayon din bilang CEO ng kumpanya. Tandaan mo na ikaw ang nakiusap sa akin na ikaw ang magha-handle dito sa kumpanya!” Galit na sabi ni Sir Thomas.
Ako naman ay nabigla sa narinig. Ibig sabihin ay request pa pala ng Tristan na ‘to na maging CEO dito. CEO na siya ng isa nilang kumpanya na related naman sa construction pero lumipat pa dito sa mining industries.
“Fine. Dad… I’m sorry.” Narinig kong sabi ni Sir Tristan na tiklop naman sa Daddy niya.
Nagbuntong hininga si Sir Thomas.
“I need to go. Magkikita pa kami ni Travis. Iiwan ko na kayo.”
“M-mag-iingat po kayo, Sir Thom.” ng sabi ko na lang.
Tumango naman si Sir Thomas sa akin at binigyan pa ng masamang tingin ang anak nito bago kami tinalikuran.
Naiwan kami ni Sir Tristan na magkaharap pa rin. Nanatili kay Sir Thomas ang tingin ko habang sa gilid ng mata ko ay alam kong nakatitig sa akin si Sir Tristan. Bigla akong na-conscious na hindi ko maintindihan.
“Tsk! Anong klaseng gayuma ba ang pinainom mo sa daddy ko?” Mahina lang ang pagkakasabi ni Sir Tristan pero ang diin no’n at halatang nagpipigil ng inis.
Hindi na naman niya ako hinayaan na makasagot pa dahil tumalikod siya agad. Napatingin na lang ako sa matipuno niyang likod at napailing at ilang sandali ay kumilos na ako para maglakad din.
Back to work na… pero ngayon ay with the devil boss!