Avajell Marasigan Naghihikab ako nang makarinig ng yabag kaya mabilis kong inayos sa pagkakaupo ang sarili ko. “Good morning, Sir Tristan.” Seryosong sabi ko nang pumasok sa opisina ng boss ko. Nakasuot na ito ng amerikana at parang ready na sa meeting mamaya. Ilang hakbang pa ang pagitan namin ay kitang kita ko na kung gaano kakisig ang amo ko. Natatandaan ko pa ang tanong sa akin ng kapatid ko na si Arabelle no’ng isang araw. Paano ko raw natatagalan na matitigan ang boss ko. Hindi ko nasagot ang kapatid ko dahil baka asarin ako… Paano ba naman ay sa totoo lang ay kahit isang tingin lang ni Sir Tristan ay aminado akong nakakatunaw. Ang ganda kasi ng mata niya. Kagaya lang din naman ako ng karaniwang babae na nahuhumaling sa gwapo… ‘Yun nga lang ay natu-turn off talaga ako sa kada s

