Ang bigat pa ng mata ko pero nagising na ang diwa ko nang makarinig ng malalakas na katok. “Tristan!” Naririnig kong malakas na tawag mula sa pinto. Parang hindi ko kayang bumangon lalo na at parang may nakadantay sa akin at nakapulupot. Sinubukan kong gumalaw pero napangiwi ako nang makaramdam ng sakit na gumuhit sa p********e ko. Parang doon lang ako natauhan at napadilat. Nasilaw ako sa bumungad na liwanag. Kapag natutulog ako ay patay ang ilaw kaya biglang nanakit ang mata ko liwanag At doon ko lang tuluyang naramdaman ang init ng katawan sa tabi ko. Nilingon ko ang lalaking mahimbing pang nakapikit at nakahiga sa kama na para bang wala siyang pakialam sa mundong gumuho ko na. Nakahubad ang balikat niya at nakabuhaghag ang buhok habang ang isang braso niya ay nakapulupot sa baywan

