Akari's
Kanina pa ako dito sa kusina. I'm baking, it's my birthday today. Hindi ko alam kung alam ni Donovan but I want cake today kaya gagawa ako ng vintage cake.
Ewan ko ba something tells me Donovan is up to something. Tumawag kasi ito kanina at sinabihan akong mag-dress up, wala namang sinabi kung bakit kaya hindi ko sinunod at eto nagbe-bake nalang ako ng cake ng pumasok ang katulong sa kusina.
"Ma'am may naghahanap ho sa inyo"
"Sino?"
"Kaibigan daw ho siya ni Sir Don"
Is it Jorge? Benille? Ibinaba ko muna ang hawak kung spatula at pinahid ang ilang icing na nasa kamay ko sa suot kong apron at naglakad na papuntang salas ng makita ko ang hubog ng isang babaeng nakatalikod, hawak hawak ang kanyang bag. Nakatingala ito sa malaking portrait namin ni Don ng ikasal kami.
Umayos ako bago ito tinawag dahil hindi pa rin ito aware sa presensya ko at nasa portrait lang ang tingin.
"Anong ginagawa mo dito, Eloise?", hindi makapaniwalang tanong ko rito
I never hated the woman pero siya ang pinakahuling taong nais kong makita habang nagbubuntis ako. Sino ba namang babae ng nasa matinong isip ang nais makita ang first love ng Ama ng dinadala niya. And besides, ayoko naman talaga dito sa kadahilanang pumayag pa rin itong maging kerida kahit na alam nitong sa mata ng maraming tao ay kasal kaming dalawa ni Donovan. Kaya oo, kerida siya sa paningin ko.
Ngumiti ito sa akin pero hindi ako tangang iisiping genuine iyon, bumaba ang tingin nito sa tiyan ko at lumapit sa akin, sapat lang upang magkarinigan kami.
"Hello Akari, you look so... pregnant", ani nito, ako lang siguro pero tila may inggit sa pagkakabiglas nito sa mga salita.
"Wala dito si Donovan kung siya ang hinahanap mo"
"No, It's you. Ikaw ang gusto kong maka-usap"
Napatingin ako sa paligid dahil baka may mga makarinig sa posible naming oag-usapan, we cant have that.
"Hindi ko alam kung paano ako te-tsempo sayo. Ayokong basta nalang magpunta sa cafe' mo so... nilakasan ko ang loob kung maka-usap ka ngayon"
Hindi na ako nagsalita, hudyat para sana sabihin nito ang oakay niya ng di ko inaasahang bigla itong lumuhod sa harap ko. Gulat akong napaatras.
"Anong ginagawa mo? Tumayo ka, Eloise!", pero hindi nito iyon ginawa at imbes ay nagpatuloy sa sasabihin.
"Leave him please, so he would comeback to me", tumutulo na ang luha nito.
Sa natutunghayan ko ngayon, di ko akalaing ito ang Eloise na minsan kong nakilala, na ngayon ay nagmamakaawa para balikan siya ni Donovan. Hindi ko alam kong anong sasabihin gayong di ko naman alam kung anong nangyayari sa kanila dahil wala na akong pakialam, for all my concerns now goes to my child.
Nahihirapan man ay pilit ko itong itinayo, pero kita pa rin sa mukha nito na desidido pa rin ito. Hinawakan niya ako sa braso.
"Truce, a deal, whatever ganun lang kayo. You are not even his type. He is just staying for the child so why hold on to him. Hindi siya bagay sayo, he's suppose to be with me"
Tama ba ang naririnig ko. Iniinsulto ba ako ng baabeng ito sa sarili kong pamamahay? Has she really gone this desperate? This classy lady Eloise?
Hindi ako makapaniwala!
Winaksi ko ang kamay niya, hinawakan ang tiyan ko at humakbang palayo rito.
"Kompara sayo, aaminin ko walang-wala ko. I'm not old money like you are, hindi ako kasing ganda mo, kahit ang tayo mo walang-wala ako. So, hindi ko lubos maisip kung bakit andito ka at nagmamakaawa"
"Please dont make it hard for the both of us"
"I am not, nagiging totoo lang ako. Dahil kumg pinoprotektahan mo ang inyong dalawa ni Donovan ay ganun din ako sa anak ko"
"You really are one fiesty b***h, I thought you were the naive girl like what Mindy said", at sa huli, bumigay na nga ito. Wala na ang isang sophisticated at mahinhin na si Eloise.
"Oo maaring naive ako pero hindi ako tanga. Tapusin na natin ang ang usapan na ito"
"Hindi, matatapos lang tayo kung mangangako kang pababalikin mo si Don sa akin. Tell him anything, siguraduhin mo lang na babalik siya. I can be a stepmom to that child. He's all I want, Akari. At alam mo sa sarili mong lamang ako. Tandaan mo, he stayed for the child, and not for you"
"I know, cause I know where I stand, Eloise. At sanan ganuon karin kay hindi, no, ayoko! At hindi iyon dahil gusto ko si Don para sa sarili ko kundi dahil wala akong pakialam sa inyong dalawa. Ayoko nang magligpit ng kalat ninyong pareho"
"Huh, ayaw mo when I'm the first place you locked him into marrying you; if it weren't for you he wouldn't be tied down to your truce and he should have been with me! Hindi dapat kayo nagkaroon ng pagkakataon, now, he looks at you like he longs to be hold by you na para bang mahal na mahal ka na niya!", lumalakas na ang boses nito. Kailangan ko nang tapusin ang usapan.
"Wala kang karapatang sigawan ako sa loob ng pamamahay ko", turo ko dito ng naglalakad palapit sa kanya dahilan para mapa-atras jto at mapaupo sa sofa.
"Pilit kitang iniintindi dahil ikaw ang babaeng minahal niya, Eloise. But this is below you, a woman of class to stoop this low when you even barely knew my side of the story", malalim akong huminga bago muling nagpatuloy.
"I was with child, my Father wouldn't get any surgery if he will not marry me. I admit, I was desperate. But what can I do given the circumstances. So if you think he already loves me. It's not on me because I have cleared everything to him. Now, its on him if he will continue to love me or not. Reconsider that maybe it was you who made him fall out of love with you and not me. So stop this bullshit and get the f**k out of my house"
Tinalikuran ko na ito at humakbang pabalik ng kusina ng makarinig akong yapak na patungo sa akin at nakita si Eloise na inangat ang dalang bag at hinampas sa akin, natumba ako at nadaganan pa ng nanginginig nitong katawan nang dali ko itong winaksi at nawindang sa nasaksihan, dama ko sa aking lalamunan ang kaba na nangibabaw sa buo kong katawan.
"Aaaagh!! Aaah! Uuughmp!", malakas kung sigaw siguradong rinig iyon ng kabahayan. Hinawakan ko ng maiigi ang aking tiyan.
Dugo!
Hindi!
Ayoko!
Ang Baby Puto ko!
"Akari! Akari! Akari!", si Zeke, siya ang unang nakakita sa akin sabay na nagsilabasan sina Manang Eva at dinaluhan ako at inalis sa akin si Eloise na biglang nahigit ang kanyang hininga, tabon ang dalawang kamay sa bibig ah itinuro dugo sa sahig.
"Aargh!", sigaw ko muli dahil sa sakit.
dugo... dumadami ang dugo.
"Akari! Akari! waaah", si Zeke iyon pilit tinutulungan ang Ina niyang patayuin ako dahil di ko na magawang iangat ang aking sarili. Higpit ang hawak sa aking tiyan ay unti-unti na akong nawawalan ng malay pero bago pa ako tuluyang mahimatay ay narinig ko ang boses ni Donovan at ang pigura nitong papalapit sa kin pero wala na akong boses na marinig hanggang sa tuluyan nang nagdilim ang buong paligid.
Donovan's
This is because of me.
It's my fault.
I'm to blame.
Akari is there... the baby?
Walang salitang makapaglalarawan sa nararamdman ko ngayon. For the first time in my whole f*****g existence I feel like collapsing, like the world weighs heavy on my chest. Even my head spins at time I feel like vomitting. Pawisan na ako, crazy sweating, sitting in hospital bench, ilang oras na naghihintay, I even called our families already, pero wala pa rin.
Pero paano ako kakalma nito. Again... it f*****g happened again!
Ang pangyayaring sa masamang panaginip lang nakikita ni Akari.
Again... it happened again.
I failed her again.
Nahilamos ko ang kamay sa aking mukha. Ang itsura ko ngayon ay tila galing sa isang nakakapanindig balahibing pelikula. And it f*****g hurts that this is not a movie we can move on from.
How can we move on from this?
Hindi maalis sa memorya ko ang itsura. Si Akari, barely conscious at duguan. Iyon ang unang pagkakataong nakakita ako ng ganuon kadaming dugo.
The child... NO!
I refuse to believe, pero masyadong maraming dugo ang nawala.
Baby Puto, that's what she call our child. The very being tht gave meaning to her days, sa mga panahong puro pasakit ang ibinigay ko sa kanya. Anong sasabihin ko rito kapag nagising na siya? What do I do now, thinking that if we lost the child, she might really leave.
She might really, this time... run far away from me.
Just when our hearts starts to beat in rhythm, it would end just like that.
Hindi, hindi maari.
"Donovan 'putangina kang gago ka' Maderazo!!!"
Isang malutong na sapak sa panga ang binigay sa akin ni Jacintha, nadapa ako sa sahig ng hospital. Ang mukha nito ay puno ng mga luha na ngayon ay pinipigil na ngayon ito.
"Ano na namang ginawa mong gago ka! Why does Akari have to suffer with you. Mabuting siyang tao, she loves kids!"
"Hermosa, kumalma ka, wag dito baka palabasin tayo. We're here for Akari not Donovan. Kalma"
"Argh! Bitawan mo ko!", napaupo nalang din ito at itinakip ang kamay sa mukha saka patuloy na nag-iiyak.
Habang ako naman ay hindi makatayo sa pinagbagsakan. Inalalayan nalang ako ni Jorge.
"Where is she?"
"Still in the operating room. I f****d up, Jorge. I f****d up, Akari at ang bata ang casualty!",tinapik ni Jorge ang balikat ko.
"What happened?"
"Eloise, pumunta siya sa bahay. Wala ako doon, at nang umuwi na ako. Iyon ang nadatnana ko. Akari, bleeding a lot"
Habang nagpapaliwanag kay Jorge ay sakto namang pagdating ng Mom and Dad sa likod ng mga ito ang Dad ni Akari.
Inayos ko ang sarili at tumayo sabay lapit sa mga ito. Si Jorge naman ay bumalik sa asawa niya.
"Anong nangyari, anak?", tanong ng Mom na hinahawakan ngayon ang mukha ko.
"Wala ako sa bahay and when I got home, iyon ang nadatnan ko si Akari; duguan na siya"
Gulat. Kaba. Takot.
Iyon ang makikita sa mukha ng mga ito. Kaya ang sakit na nararamdman ko kanina ay mas lalong dumoble. Nilapitan ko ang Dad ni Akari.
"Sir, I'm very sorry. Hindi ko siya nagawang protektahan...",
Hindi agad ito sumagot ang mga mata nito ay namumula at nangingilid na ang mga luha.
"Sigurado akong mas masakit ito sa iyon, Donovan. Nangyari na ang mga nangyari, alam kong hindi mo ito ginusto, walang may nais nito. As a man, and Akari's husband kailangan mong maging matatag", tinapik lang nito ang balikat ko at naupo na.
Akari's Dad has never been expressive, and her and Akari has opposite principles pero sa mga sitwasyong ganito he is nothing but her Father.
Ilang minuto at kalmado na ang lahat. Kahit papaano ang presensya ng mga ito ay nagpapagaan sa pakiramdam ko; lumabas na rin ang doktor.
"Doc, Akari, my wife is she okay? Ang anak ko?", malungkot itong napabintong hininga, my face drooped.
"I'm sorry, Mr. Maderazo. The bleeding is too heavy. We lost the child. I'm sorry"
At tuluyan nang nawasak ang kakarampot kung pag-asa na magiging maayos ang lahat. Dahil alam ko, matapos ito, everything will not be the same as before.
I ruined everything.
"Nagpapahinga na ngayon si Misis. Again, we are sorry"
Takbong pumasok ako sa kwarto kung asaan inilagay si Akari. She is in bed, asleep, looking so peaceful. Lumapit ako rito at hinawakan ang kamay niya at walang nagawa kundi umiyak.
The pain of losing two of our children. It hit me like a solid rock in the face. Nais ko nalang na magising si Akari at umasang magiging maayos pa rin kaming dalawa.
Hinayaan ko na muna itong magpahinga at lumabas ng hospital at nagtungo sa aking sasakyan. Mabilis na hinanap sa compartment ang isang stick ng sigarilyo na tinatago-tago ko kay Akari dahil sa bawal iyon sa kanya and that I plan to stop it because she hates it. The truth of what she can do to even my old habits. Dahil sa unang pagkakataon sa buhay ko, hindi na lang sarili ko ang aking iniisip.
Nakasandal sa labas ng sasakyan ko ay nag-umpisa akong manigarilyo na inakala kong magpapakalma sa akin until she, with that guilt plastered on her face slowly moves towards me.
"Donovan, bago ang lahat I'm sorry pero nagmamakaawa ako pakinggan mo muna amg mga sasabihin ko"
"Don't you even bother asking if she's okay? Di ko inakala na ganyan ka pala ka makasarili, Eloise. My child died!", binato ko rito ang yosi sabay itong lumuhod sa harap ko.
"Donovan, I'm sorry! Gusto ko lang naman bumalik ka..."
"Alam mo ba kung bakit ako nakikipaghiwalay ako sayo? Dahil na realize ko na tama si Benille, it was all a fixation and that you never really did not loved me noon. Mas importante sa inyong dalawa ni Celyn ang pangarap ninyo but when yours crumbled naisip mong ako ang magiging takbuhan mo. But now, I'm aware salamat na rin sayo, that who I really love is Akari. The very woman who loved me in every forms that I show and I was stupid to see that now but what I can promise is that, I will make us work, this time, I can bet my heart on it; because I do, I do love her"
Puro hikbi ang narinig ko dito at di naglabas ng kahit anong salita.
"I'm sorry, Eloise kung sa tingin mo pinaasa kita sa tayo na maibibigay ko, but you also did that to me before so I guess we are equal with that. Now leave Eloise, and have a good life", tinalikuran ko na ito at sa pagkakataong ito, wala na akong balak na lingunin siya, like how I'll leave my past with her behind me.
"I'm really sorry Don sa noon at sa ngayon. I really am sorry", banggit nito habang patuloy ako sa.paglalakad palayo sa kanya.
If only that sorry is tangible and it would bring me back what I lost... but it won't.
And I'm afraid the baby is not the only one I'm losing.
I would die.