Capitulo Diecisiete

2363 Words
Akari's Barbecue Sunday ngayon sa bahay ng mga Maderazo. Nasa likod bahay kami ngayon, enjoying each others company. Kanina pa nga umiikot si Mindy at kinukuhanan ang happening ng mga larawan. May hawak akong platter ng prutas, dinala ko na iyon sa mesa at tahimik lang na napaupo. Di mapigilang mapagmasdan ang nasa harap ko. Si Ate Adriana ay binabantayan ang baby nitong si Aster na kakasilang lang habang ang asawa naman nito ay nasa barbecue pero paminsan-minsan ay lumalapit at nilalaro ang bata o di kaya'y nakikipagtawanan sa Ate. Ang Mom at Dad naman ay nasa garden at tinitingnan ang mga pinapatubo nitong mga halaman, they somehow take my breath away. Kung paanong napaka gentle pa rin ng Dad dito after all these years that they shared together. Ang ilan kasi ay nawawala na pagmamahal sa mga asawa nila pero sila, hindi ganun, parang walang malungkot na araw kapag magkasama ang mga ito. My smile formed ng makita kong hinalikan ng Dad ang Mom sa noo niya and the latter rested her head on his. I want what they have. Masaya ang pamilyang Maderazo, nakakalungkot lang isipin na hindi kami ganito, at hindi magiging ganito ni Donovan, dahil nagsimula kamo sa mali at hindi na iyon matatama. Malalim akong napabuntong-hininga at napayuko na lang ng mapansin kong may kanina pa nakatingin sa akin at ng tingnan ko ang aking kanan, si Donovan. Di na ako nabigla, panay itong ganun, na para bang lalayasan ko siya kapag mawala ako sa paningin niya. "Bakit?" "Smile more" "Hindi ko alam na pati pagngiti ko kailangan mong diktahan" "I am not, I just like seeing you smile" "Pwede ba, Donovan di mo na--" "I mean it; kung sa tingin mo sinasabi ko lang to para isipin nilang maayos tayo, hindi. I really do like seeing you smile, even if its not for me", wika nito sa mahinahong boses, na naabot na rin pala ang aking kamay na hawak na nito ngayon. "Ate pahingi ako...", tinanggal ko ang kamay nito sa pagkakahawak sa akin at inabutan ng pakwan si Mindy. Matapos ay tumayo na ako at nagpaalam na magbabanyo lang kahit di naman ako naiihi o ano. I just want to be away from Donovan kahit sandali. Dahil natatakot akong bumigay na naman sa mga nakikita kong pagbabago rito. Hindi naman kasi ako manhid, he is being considerate with me. At alam ko for the mean time lang iyon dahil sa bata, it is not for me. Nakapsok na ako sa powder room na nasa baba ng buglang pumasok si Donovan dahilan upang mapaurong ako, mabuti nalang at di ako natumba. "Anong ginagawa mo dito?!", inis kong itinulak ito paalis pero sinarado na nito ang pinto ng banyo at nang pinilit kong buksan ay hinawakan ako sa braso. "Akari, it's been months, pwede ba tigilan mo na?", labas ang litid sa ulo nito. "Tigilan ang alin? Wala akong ginagawa" "Running away from me..." "Ano?" "Ignoring me like I'm some kind of disease" "Pinagsasabi mo?" "Ano bang gusto mong gawin ko. Para makita that I'm willing to change, para sayo at sa magiging anak natin" "Really Don, we're having this conversation sa powder room?" "Dahil patuloy ka sa pag-iwas!", bulalas nito, napaurong ako dahil mukhang galit na takaga siya. Nakayuko lang ito at tila tumakbo ng ilang milya, hangos na hinahabol ang hininga niya. "I can't believe, I'm even this breathless, na para bang hinahabol kita, na napakalayo mo when...", dahan dahan nitong inabot ang aking pisngi, hindi ako nagalaw. "When your inches from my grasp. How can you do this to me, hindi ko alam", Napaupo ito sa kubetang nakasarado at lupaypay ang dalawang kamay na parang napagod na siya sa mga nangyayari. Pansamantalang katahimikana jg bumalot sa loob, wala yatang naghahanap sa amin, ni katok sa powder room ay wala. Kaya hawak ang aking tiyan ay bubuksan ko na sana ang pintuan ng sumabay ito sa akin kaya dalawa na kami ngayong nag-aagawan sa door knob. "Bitiwan mo ako ano ba!", kinuha ko ang kamay at lumayo pero lumapit lang ito ng lumapit, ang mga mata nito ay parang hayop na hayok sa isang biktimang nakahanda sa harap niya. Hanggang sa pader na ang nasa aking likod at naiharang na nito ang kamay sa akin at di na ako makawala. "I'm sorry, Akari for everything. Hindi ako magpapaliwanang dahil hindi justifiable ang mga nagawa ko sayo pero please, do not push me away...", At idinampi na nga nito ang labi sa akin pero sa pagkakataong ito iba ang hagod ng kanyang mga halik sa aking nakasanayan. Hindi iyon hayok, hindi pilit, hindi minamadali, kundi malumanay na para bang ninanamnam nito ang bawat sandaling hinahagkan ako na kapag bibitaw kaming dalawa ay wala nang bukas. Saka lang kami tumigil ng hindi na ako makahinga, pero patuloy pa rin ito sa paggawad ng mga mumunting halik sa aking mukha, sa bawat parteng iyong habang binabanggit ng paulit-ulit ang salitang 'akin' at hawak pa nga ang umbok sa aking tiyan na hinahagkd hagod nito, na sa buong pagbubuntis ko ay ngayon ko lang siyang hinayaang mahawak-hawakan. Mahina ko itong itinulak ng maoansin kong nakapikit pa rin ito at tila wala pa rin sa realidad at nasa sarili niyang mundo. "Wh-what?", tila nabitin niyang sabi. "Tama na, lumabas na tayo at baka hinahanap na tayo nina Mom at Dad" "Okay...", Mauuna na sana ako rito pero hinuli nitong agad ang aking kamay at lumabas na kami ng powder room nang makita naming ang nakahalukipkip na si Mindy na tinataasan kami ng kilay, may paggalaw pa sa kanang paa nito, napayuko nalang ako, nakakahiya, may ideya kaya ito sa nangyari sa loob? Dalawa kaming lumabas ni Donovan at magkahawak kamay, siguradong may duda na si Mindy. "Bilisan niyo daw at kakain na. Excuse me naman dadaan ang single!", tinabig nito ang Kiya niya at pumasok na nga sa banyo. Binitiwan ko ang kamay ni Donovan. "Nakakahiya!" "Anong nakakahiya doon? You're my wife" "Kahit na!" padabog na akong lumabas doon, tinatawag ako nitong hintay pero hindi ko na ito nilingon. Kailangan ko ng tubig iyong malamig para mahimasmasan naman kami sa kamunduhan naming dalawa. It's the hormones; nabasa ko kasi na mas malakas ang drive ng babaeng nagbubuntis kesa kapag hindi. Hormones lang ito! Hormones lang! ~~ "May gusto ka bang kainin?" Ikaw. Anuba! Nakakahiya ako! Ang landi ko! Pigil ko ang sarili habang iniisip ang mga bagay na iyon. Hindi ko naman kasi mapigilan. Ang tagal na mula ng gawin namin ang bagay na iyon but our Doctor clearly advises na wala munang ganun lalo pa at nasa first trimester pa lang ako. Nasa loob kami ng sasakyan dahil kakalabas lang namin sa yoga for pregnant soon to be mother's gaya ko at sinamahan ako ngayon ni Donovan na nalamang lihim kasi akong nagpa-sign up para sa yoga class. And like the man that he is; nagpunta nang wala man lang pasabi sa akin. /flashback/ "Mag-isa ka na naman Mrs. Maderazo?", bungad agad sa akin ni Melissa ang isntructor doon. "Di ba at sinabi ko sayong isama mo ang asawa mo? Ikaw na naman walang Mister dito" Napatingin kami sa silid kung saan nagaganap ang session. Impit na lang akong napangiti. "Kaya ko naman, Ma'am Melissa at saka busy ho iyong lalaking yon", nakangiti kong sabi rito pero tila wala sa akin ang atensyon niya. Na ngayon ay kagat kagay ang ibabang labi at tila may kung anong pinagnanasahan sa likod. "Mrs. Maderazo, alam mo bang nakakabuti sa bata ang palaging nag-eexpose na magagandang tanawin?" "Ho?..." "Tingin ka sa likod mo" Ginawa ko ang sinabi nito at napatingin sa kung anong kinagigiliwan nito ng makita ko ang papalapit na si Donovan may suot itong airpod sa isang tenga at mukhang may kausap pero ang mga mata nito ay tila may hinahanap. Naka-suit pa nga ito, dapat naman kasi aa mga oras na ito na ay nasa trabaho na niya siya. Ilang sandali lang ay nagtama ang aming tingin at tila nag-slomo ang paligid nito ng ngumito ito sa akin at kumaway. Pinasok ang airpod sa bulsa at nagmadaling lumapit sa akin at ginawaran ng halik ang aking noo. "Kung di pa ako nagtanong kay Manang Eva ay di ko pa nalamang nandito ka. I told you to not go anywhere without me" "At anong gusto mo maagnas ako sa loob ng bahay?", sarkastiko kong wika. "You and your words again", nakangiti pa rin ito. "Bakit ka ba sumunod? Akala ko ba busy ka?" "Wala akong sinabing ganun, nag-assume ka lang. Why won't I have time for my wife and child?", I smirked and tsked at him. Di ko na napansin na kanina pa pala kami pinagtitinginan ng mga Mr at Mrs na andoon, lalo na si Ma'am Melissa na mukhang naglalaway na kay Donovan. Iniikot ng huli ang kamay sa aking bewang saka ko ito ipinakilala. "Ma'am Melissa this is Donovan my husband. Don si Maam Melissa yoga instructor namin dito" "Hello Ma'am, nice to meet you" "And so do I...", nanginginig pa ang boses nitong wika habang nakikipagkamay kay Don. Natawa nalang ako sa matandang dalag, well she looks younger than her aged, masiyahin kasi ito. Di ko akalang marupok rin pala ito sa mga pogi. Because Donovan may be an asshole but he has a Greek God sculpted looking face, di ko maitatangi iyon. /end of flashback/ "Ano may naisip ka nang gusto kainan?" "Gusto ko nang fried chicken..." "Okay" "Pero iyong bucket meal ng jollibee" "Okay" "Pero sa Samgyupsalamat mo kainin kasi idi-dip mo sa cheese nila, pero oorder pa rin ako kasi ikaw lang naman kakain ng lahat ng chicken at samgyup yung sa akin. Bili a na rin tayo ng s**o sa kanto, gusto ko iyong nakasupot ah, sa plastic ng yelo ayoko nung nasa baso. Actually gusto ko sana ng ensaimada ng mary grace pero sa loob ng Okada natin bilhin pero out of the way naman yun kaya wag nalang", "Y-you, you want what?", bahagyang nakaawang nag bibig nito. "Ano ba yan uulitin ko pa. Ang bobo mo naman di mo nakuha lahat iyon, sa susunod isulat mo. Ang bobo mo!" "B-bobo? Huh, God I can't believe these is what pregnancy can do to a person" "Anong sabi mo?" "I said yeah, let's do that pero pwede paki ulit, last nalang promise di ko kakaligtaan" At dahil sa kabobohan nito ay inulit ko nalang ang sinabi ko sa kanya sa pero nakuha na rin naman niya sa huli at ngayon nga ay niluluto ko na ang samgyup habang ito naman ay nilalantakan na ang jollibee chicken joy. Pinagtitinginan pa nga kami pero ang sabi ko sa kanya ay wag na niyang pansinin at baka mabilaukan pa siya. "May tatlong piraso ng manok pa, di ba sabi mo gusto mo niyan?" "Hindi ko kailanman sinabi yun, ikaw ang may gustong kainin to" "Pero di mo naman ginawa, may tatlo pa, ubusin mo kasi par matuwa naman ako sayo. Lagyan nating kimchi", ilalagay ko na sana pero kinuha nito ang bucket at inipit sa braso niya. "Wag na! Wag na, ayos na to, kaya ko pa mauubos ko to" "Kaya mo naman pala eh, dami mong kuda" Lumabas kami ng samgyup na busog. Pero ewan ko dito kay Donovan ang OA, isang bucket ng chicken joy at isang order lang naman ng samgyup pinaubos ko sa kanya, daig pang buntis sa arte! Heto at nakahawak sa pader at didighay lang daw siya. "Bilisan mo!" "Akari please..." "Ano na naman?" "Don't torture me like this agh!" He really wasn't looking good. Di ko na napigilan, ang ngiwi ko rito ay nauwi na sa malakas na tawa. The great Donovan, looking so helpless. Maglaon ay umuwi na rin kami, sabi nito ay sa bahay na lang daw siya magta-tsaa sa dami kasi ng kinain niya. Umuulan na ng umuwi kami mabuti nalang at di kami nadatnan ng malakas na pag-ulan. Napakalakas ng ulan di ako makatulog ng maayos pero pinilit ko pa rin at pinikit na ang aking mga mata. Nang makatulog na ay siya rin namang gising ko. Nanaginip ako, madugo, nakunan ako! Nahirapan akong huminga kaya dali akong lumbas ng kwarto mas lakas na ngayon ang ulan at may pagkulog at kidlat pa. Nang saktong paglabas ko ay nadatnan ko si Jorge na papunta sa aking kwarto. Gulat rin ito ng makita ako. "Bakit gising ka pa?" "Ikaw, bakit gising ka pa?" "Hindi ako makatulog so I--" Di na natapos ang sasabihin nito ng biglang kumulog ng napakalakas napatakbo ako sa kanyang deriksyon at niyakap ito. "Are you okay?", niyakap ako nito pabalik. "Hindi, I had a nightmare, Don", inalakyan ako nito pababa. Sinabi kong dito na lang kami maupo sa may hagdan at ayoko nang bumaba. "Nanaginip ako. I dreamed that Baby Puto was born dead..." "Akari, stop that. Sinabi oo na sayo di ba? Walang mangyayari so stop that" "Masisisi mo ba ako? Nagsimula tayo sa kasinungalingan Donivan hanggang ngayon anduon pa rin tayo. Ang batang ito lang, natatangi, ang masasabi kong totoo at akin sa lahat ng ito. Ayokong mawala siya muli sa akin gaya ng nauna, it will break me, Donovan!" "I'm sorry Akari, if you feel that way pero walang magandang maidudulot ang negatibong emosyon mayroon ka. Alam kong mahirap but trust me on this, trust us and what we have now, na walang mangyayaring masama sa bata at nasa utak mo lang iyan lahat. So stop crying now, please, please stop it" Isinandal nito ang ulo ko sa balikat niya at hinawakan ang kabilankong braso at ang aking kamay. Malakas pa rin ang ulan sa labas pero sa mga bisig ni Donovan ay tila nakahanap ako ng kapayapaan, hanggang sa napapikit nalang ako at naramdamang binuhat ako nito patungo siguro sa akaing kwarto at nilagay ako sa kama. Naramdaman ko ang paghalik nito sa aking labi at tuluyan na nga akong nakatulog. Nagising na lang ako kinaumagahan na nasa mga bisig na ako ni Donovan at nasa silid niya. Tatayo na sana ako pero nakita ko ang mala-anghel nitong mukha na natutulog kaya bumalik ako sa pagkakahiga at isiniksik pang lalo ang katawan rito. It is nice, this feels nice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD