[Hunter James Acosta] "M-Ma...anong nangyari sa 'yo?" nauutal na tanong ko sa kaniya. Pinanood ko siyang tumayo nang dahan-dahan habang nakangisi at nakatingin pa rin sa akin. Sa isang iglap ay nagbago ang magaan niyang aura dahil sa mga mata niyang purong itim. Tumayo kaagad ako, hawak ang cellphone kung saan naririnig ko pa rin ang boses ni Orion. "Hello, Hunter?! Bakit hindi ka sumasagot? May nangyari ba?!" tanong niya mula sa kabilang linya. Habang nakatingin kay Mama ay dahan-dahan kong inilapit ang cellphone sa tenga ko. "A-Ayos lang ako, Orion. Huwag ka nang pumunta rito." Dahil natatakot ako na gawin niya na naman ang lahat para protektahan ako. Ayokong masaktan siya...o si Mama. "Pero, Hunter—" Pinatay ko na ang tawag bago pa siya matapos sa pagsasalita at ibinulsa iyon.

