Chapter 49-A Friend's Betrayal

1507 Words

[Hunter James Acosta] Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto at dumiretso sa kwarto ni Orion. Dahil sa kabang naramdaman ko na baka nakita niya na ang CCTV footage ay hindi ko na nagawang kumatok pagpasok ko. "Orion!" hinihingal na tawag ko. Nagulat ako dahil nang luminga ako sa paligid ay hindi nakabukas ang monitor na nakalagay sa harap. Si Orion naman ay nakahiga at nagising lang dahil sa pagsigaw ko. "Oh...bakit?" tanong niya habang kinukusot ang sariling mga mata. "Bakit parang kabado ka riyan?" Napabuga ako ng hangin at napabuntong-hininga. "K-Kanina ka pa tulog?" Kumunot ang noo niya at tuluyang bumangon para pagmasdan ako nang maigi. Gulo-gulo pa ang buhok niya. "Bakit? Ang sabi ko kanina magpapahinga ako kasi masakit ang katawan ko. Bigla-bigla ka na lang pumasok at nagsi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD