[Orion Hale De Castro] "Huwag mong ituloy 'yan." Kung anong tapang ko kanina ay biglaan naman ang pagkabog ng dibdib ko nang marinig ang pamilyar na boses mula sa likod ko. Hindi pa man ako lumilingon ay pigil ko na ang hininga ko kasabay ng panlalaki ng aking mga mata. Hindi. Hindi siya pupunta rito. Bakit siya pupunta rito? Hindi niya alam ang kinaroroonan ko. Imposibleng malaman niya kung nasaan ako. "Orion..." Namasa ang mga mata ko nang tawagin niya ang pangalan ko. Isang linggo. Isang linggo kong hindi narinig ang boses niya, pati ang mukha niya...hindi ito maalis sa isip ko at dala ko pa hanggang sa pagtulog. Miss na miss ko na siyang yakapin...at halikan. Miss na miss ko na lahat sa kaniya. Nang akmang lilingon na ako ay saka naman sumugod sa akin ang apat na lalake. At

