[Orion Hale De Castro] "Saan mo balak dalhin ako?" tanong ko kay Hunter habang pinapanood siyang ilagay sa maliit na maleta ang mga gamit ko. Kaunti lang naman 'yon kaya hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya. "Kahit saan basta huwag dito," sagot niya nang hindi nakatingin sa akin. "Kaya ba natin lumayo?" Kahit may tiwala ako sa kaniya ay natatakot pa rin ako sa mga pwedeng mangyari. "Paano kapag sinundan tayo ng mga demonyo?" "Hangga't nandito ako, poprotektahan," puno ng determinasyon na sambit niya, hindi nakatingin sa akin. "Bakit ba ako ang pinoprotektahan mo? Hindi ba dapat ay ikaw ang pinoprotektahan ko? Kaya nga ako lumayo para mailigtas ka, eh." Bumuntong-hininga siya at binitawan ang ginagawa bago tumingin sa akin. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi dapat ako

