[Orion Hale De Castro] "O-Orion..." Halos tumalon ang puso ko nang marinig ko siyang tinawag ang pangalan ko. Halos maiyak ako nang unti-unting lumuwag ang pagkakasakal niya sa leeg ko. "A-Anong..." Tiningnan niya nang maigi ang leeg ko na alam kong namumula na ngayon dahil sa pagkakasakal niya sa akin kanina. "A-Anong ginawa ko sa 'yo? S-Sabihin mo anong ginawa ko sa 'yo?!" "Shh..." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya, naluluha na. "A-Ayos lang ako. U-Umalis na tayo rito...please..." Gumalaw ang panga niya at kumuyom ang mga kamao. Alam kong nagagalit siya sa sarili niya dahil sa ginawa niya sa akin kaya hinawakan ko ang mga kamao niya para pakalmahin siya. Paulit-ulit siyang umiling habang sagana sa pagluha ang mga mata. Niyakap niya ako bigla, sobrang higpit na halos hindi na

