[Hunter James Acosta] Isa ako sa mga lalakeng hindi marunong magtago ng nararamdaman. Kapag galit ako, ipinaparamdam ko sa isang tao. Nasasabi ko lahat ng gusto kong sabihin at wala akong pakialam kahit masaktan siya sa mga sinabi ko. Ilang beses ko nang naipakita kay Orion ang ugali ko na 'yon. Alam niya kung kailan ako galit o kung kailan ako okay. Naipapakita ko sa kaniya ang totoong ako dahil hindi ako natatakot na ayawan niya ako dahil doon. Pero ngayong si Farrah ang kaharap ko, hindi ko magawang iparamdam sa kaniya ang nararamdaman kong galit at pagkasuklam. "Kakagising lang ni Orion. Kailangang maunat ang mga buto niya kaya samahan mo siyang maglakad-lakad sa labas mamaya," nakangiting sabi ni Farrah habang nasa harap siya ng gas stove at kumukuha ng sopas para kay Orion. Nak

