[Orion Hale De Castro] Pinanood ko si Tita Mirriam na halungkatin ang mga gamit sa loob ng lumang box na gawa sa kahoy. Puno iyon ng alikabok at may mga sapot pa. Halatang matagal na hindi nagalaw. Nakita ko na inilabas niya mula roon ang isang kulay brown at medyo malaki na photo album. Nakangiting hinaplos niya ito para alisin ang alikabok pagkatapos ay lumingon siya sa akin at inabot 'yon. "Tingnan mo ang huling picture diyan," nakangiting utos niya. Sinunod ko ang sinabi niya at binuklat ang photo album. Una kong nakita ang picture ni Tita Mirriam noong kabataan niya kasama ang isang matangkad at gwapong lalake. Kumalabog ang dibdib ko dahil kamukhang-kamukha siya ni Hunter. Mula sa masusungit na mga mata hanggang sa matulis na panga. Sa mga sumunod na picture ay wedding pictures

