[Orion Hale De Castro] "Tumawag siya sa akin kanina. Nagtataka siya kung bakit wala kang paramdam. Naaawa ako sa kaibigan ko, Hunter. Sana hindi mo na lang siya niligawan kung...sasaktan mo lang siya." "Hindi ko naman alam na may gusto ka rin sa akin, eh." "A-Anong connect?" Nag-iinit talaga pisngi ko kapag nababanggit niya na may gusto ako sa kaniya. "Kung hindi mo inamin sa akin ang nararamdaman mo, nasa isip ko pa rin na ligawan si Farrah para mabuhay ako. Kaya lang nalaman ko na mahal mo pala 'ko kaya determinado na akong ipaglaban ka." "Pero mamamatay ka." Hindi na naman siya nakaimik. "A-Ayokong mamatay ka. H-Hindi ko kakayanin," basag ang boses na sambit ko. Unti-unti na namang bumibigat ang dibdib ko. "Hindi ba sabi mo noon na lahat ng sumpa ay may solusyon?" tanong niya.

