[Orion Hale De Castro]
Bigla akong napabangon nang makarinig ng magkakasunod na katok mula sa labas. At dahil antok na antok pa ay hindi ko maibuka nang maayos ang mga mata ko. Kinusot ko ang mga 'yon at pipikit-pikit na inilibot ang paningin sa paligid.
Humikab ako at inalis ang kumot na nakataklob sa katawan ko. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang wala akong kahit anong saplot!
"Waaahhh!!!" malakas na sigaw ko. Mabilis kong tinakpan ang katawan kong hubad at napatingin sa pinto.
"Orion? Ayos ka lang ba? Bakit ka sumisigaw?" nag-aalalang tanong ni Tita Mirriam mula sa labas. Siya pala 'yong kumakatok.
Pero, teka?! Ano 'to? Bakit ako nakabubad? At bakit ako nandito sa kwarto ni Hunter?! Hala siya!
"Oh, sh*t!" Napasabunot ako sa buhok nang unti-unti kong maalala ang ginawa namin ni Hunter kagabi! "Hoy, gagi!"
"Orion?" Muling kumatok si Tita Mirriam. "Umalis na si Hunter para magtrabaho. Sabi niya masama raw ang pakiramdam mo kagabi kaya hindi ka nakauwi at dito na lang natulog. Okay ka na ba? Gusto mong dalhan kita ng gamot?"
Nilunok ko ang aking laway. "O-Okay lang po ako, Mama! M-Maliligo lang muna po ako!"
"Gano'n ba? Oh, sige. Pagkatapos mo ay lumabas ka na at kakain na tayo ng almusal. Ang sabi ni Hunter siya na lang daw ang magsasabi sa boss n'yo kung bakit ka hindi nakapasok ngayong araw."
"S-Sige po, Ma! Salamat po!"
"Nga pala, may isusuot ka ba? May mga damit ako sa kwarto na pwede kong ipahiram sa 'yo."
"Salamat po ulit!" Ngumiwi ako at isa-isang pinulot sa maliit na couch ang mga damit ko. Naramdaman ko pa ang p*******t ng ibaba ko.
Naramdaman ko na umalis na si Tita Mirriam kaya napatili ako nang mahina habang isa-isang sinusuot ang mga damit ko.
"Ano bang pinaggagawa mo, Orion? Hindi ka na nahiya!" kastigo ko sa sarili ko.
Inabot ko ang aking cellphone na nakapatong sa side table nang tumunog iyon.
"Farrah!" exaggerated na sagot ko sa tawag niya. Nanginginig pa ang mga tuhod ko.
"Orion, bakit hindi ka umuwi kagabi?" Bakas ang pag-aalala sa boses niya. "Nasaan ka ba ngayon? Ang dami kong tawag sa 'yo kagabi pero hindi mo naman sinasagot. Ayos ka lang ba?"
Kinagat ko ang labi ko at pabalik-balik na naglibot sa buong kwarto.
Paano ko ba sasabihin sa kaniya na nandito ako ngayon sa bahay ng manliligaw niya? At hindi lang 'yon! May nangyari pa sa amin ni Hunter kagabi!
"U-Uh...nasa bahay ako nila Reese ngayon. Huwag kang mag-alala, okay lang ako. Uuwi rin ako mamaya."
Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. "Okay. Akala ko naman kung ano na ang nangyari sa 'yo. By the way, may balita ka ba kay Hunter?"
"Putragis!" Napamura ako nang mapadaan sa salamin na nakadikit sa pader at nakita ang mamula-mulang marka sa bandang collarbone ko. Dalawa pa, ha!
"Okay ka lang?" tanong ni Farrah mula sa kabilang linya. "Bakit parang hindi ka mapakali?"
Tinakpan ko ang mga markang 'yon habang minumura ko sa isip ko si Hunter.
"O-Oo, okay lang ako. Ano nga ulit 'yong tanong mo?"
Bumuntong-hininga siya. Rinig na rinig ko pa 'yon mula sa kabilang linya. "Si Hunter...hindi na siya nagpaparamdam sa akin mula no'ng mamatay si Grace. Since workmate kayo, baka lang kako alam mo kung bakit hindi siya nagpaparamdam."
Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko magawang sumagot dahil unti-unti akong kinain ng konsensya ko. Ayokong masaktan ang kaibigan ko dahil sa akin pero hindi ko naman mapilit si Hunter na ipagpatuloy ang panliligaw sa kaniya.
Paano ko pa kaya 'yon mapipilit kung...may namagitan na sa amin kagabi?
"F-Farrah, huwag ka munang masyadong mag-overthink," sabi ko. "Baka lang kasi busy siya, 'di ba? Hayaan mo, tatanungin ko siya kapag nagkita kami."
"Huwag na. Nalulungkot lang naman kasi ako na bigla siyang nagbago. Na-turn off kaya siya sa akin? Napangitan?"
Umupo ako sa gilid ng kama at napabuntong-hininga. "Hindi siya gano'n, Farrah."
Kahit antipatiko ang lalakeng 'yon, alam kong hindi siya tumitingin sa panlabas na anyo ng mga babae. At saka ano pa bang hahanapin nila kay Farrah? Maganda na nga at mabait pa.
"Sana kung ayaw niya na, sabihin niya na lang sa akin." Parang nilamukos ang puso ko nang mahimigan ang lungkot sa boses niya. "Para naman alam ko at makakapaghanda ako. Gusto ko siya, eh."
Gusto mo siya pero ang sabi ni Hunter ay ako ang gusto niya...at mahal niya raw ako. Hanep, nangyayari pa pala 'to sa totoong buhay. Love triangle.
"Huwag ka nang mag-isip nang kung ano-ano, Farrah. Hayaan mo at...kakausapin ko siya."
"Salamat, ha?"
Maya-maya ay nagpaalam na siya dahil papasok pa sa trabaho. Nang ibaba ko ang cellphone ko ay saka ko nakita na marami palang text si Hunter sa akin.
"Good morning."
"Hindi na kita ginising. Mukhang pagod na pagod ka."
"Binilin na lang kita kay Mama kasi ang himbing ng tulog mo. Ako nang bahala magsabi kay Sir Gelo."
Hindi ko pa nababasa lahat nang biglang lumitaw ang pangalan ni Hunter sa screen. Kumalabog ang dibdib ko at hindi kaagad pinindot ang answer button.
Ilang segundo akong natulala bago nagdesisyon na sagutin 'yon.
"H-Hello?" sagot ko. Pakiramdam ko ay biglang uminit ang paligid.
"Kumain ka na ba? Kakagising mo lang? Mukhang hinang-hina ka pa rin, ah."
Lumaki ang mga mata ko. "A-Anong ibig mong sabihin?"
"Lantay gulay ka kagabi." Narinig ko ang pagtawa niya. "Pagod na pagod, eh."
"B-Bakit? Ano bang nangyari kagabi?" Naramdaman ko na naman ang panginginig ng tuhod ko kaya pinagdikit ko ang mga hita ko.
Grabe pakiramdam ko...nasa loob ko pa rin 'yong ano ni...ano.
"Sigurado kang gusto mong sagutin ko 'yan?" natatawang tanong niya.
Minsan ko lang siya marinig na tumawa kaya nag-iinit ngayon ang pisngi ko. Ako kasi ang dahilan ng pagtawa niya. Grabe, ngayon lang yata ako kinilig ulit.
"Oh, sige. Ikwento ko sa 'yo—"
"H-Huwag na!" angil ko. "Subukan mo lang. Puyat na nga ako tapos—"
"Akala mo ba ikaw lang ang napuyat kagabi? Ikaw kaya 'tong...ano..."
"Ano?!" hamon ko.
"Tapos ang ingay mo pa. Kinailangan ko pang takpan ang bibig mo para hindi tayo marinig ni Mama mula sa kabilang kwarto—"
Nanlaki ang mga mata ko. "H-Hoy! Anong pinagsasasabi mo?!"
"Likod ko puro kalmot mo. Pero ayos lang, nag-enjoy naman tayo pareho, 'di ba?" Sunod kong narinig ang mapang-asar niyang tawa. Mas lalo tuloy nag-init ang pisngi ko.
Nakakainis!
Kumuha ako ng isang unan at pinagsusuntok 'yon, ini-imagine na si Hunter 'yon.
"Grabe. Gano'n ka pala ka-wild." Hindi pa rin talaga siya tumitigil!
"T-Tumigil ka na nga!"
"Bakit? Namumula ka na? Okay lang 'yan. Ngayon ka lang mahihiya kasi unang beses nating ginawa. Sa susunod—"
"W-Wala nang susunod!"
"Sigurado ka? Baka mamaya..." Tumawa na naman siya kaya napanguso ako.
Wala akong masabi kasi totoo naman ang sinabi niya. Nang matapos 'yong una, ako na ang nagyaya nang nagyaya!
Binaon ko ang mukha ko sa hawak kong unan at doon tumili nang walang boses.
Bwesit! Nakakahiya! Nakakahiya ka, Orion! Ka-babae mong tao tapos ang wild mo!
"Orion..." tawag niya.
"Oh?!" kunwaring galit na tugon ko.
"Babe..."
"H-Huh?" Babe daw. Waah!
Niyakap ko ang unan habang kagat ang pang-ibabang labi, nagpipigil ng ngiti.
"Pft. Hindi nakasagot. Kinikilig na 'yan."
Lumaki na naman ang mga mata ko. "H-Huwag ka ngang feeling! Papatayin ko na 'to!"
"Joke lang." Tumawa siya bago tumikhim. "Kamusta ka? Nakakatayo ka pa?"
"Hunter!" inis na sigaw ko.
"Heto na, seryoso na. Ano, galit ka ba sa ginawa ko?" Sumeryoso bigla ang boses niya nang itanong 'yon.
Galit ba 'ko? Oo, nahihiya ako sa nangyari pero ginusto ko naman, eh.
"H-Hindi ako galit."
"Talaga?"
"Hindi nga."
"Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Salamat naman. Akala ko lalayuan mo 'ko. Alam mo, maisip ko pa lang na lalayuan mo ako, parang mamatay na 'ko."
Napangiti ako sa sinabi niya. "Mamatay kaagad? Umayos ka nga. Ang corny mo na ngayon. At baka nakakalimutan mong nasa trabaho ka."
Umismid siya. "Tapos na po akong mag-display. Wala ring costumer."
"K-Kahit na."
"Ayaw mo ba akong kausap?" Sumeryoso ang boses niya.
"H-Hindi naman." Sumagi tuloy sa isip ko si Farrah. "Hunter..."
"Bakit?"
"Si Farrah."
Mukhang tinamaan din siya ng konsensya nang sabihin ko 'yon dahil natahimik siya nang ilang segundo.