Chapter 28-The Heart Wants What It Wants

1531 Words
[Orion Hale De Castro] Napapikit na lang ako at hinintay na maglapat ang mga labi namin. Nanginginig ang mga tuhod ko nang tuluyang magdikit ang mga labi namin, pero hindi pa man siya gumagalaw ay napasinok na ako nang malakas. Parang napaso na kaagad umatras palayo sa akin si Hunter. Tinakpan ko ang bibig ko at kaagad humarap sa sink para itago ang paglukot ng mukha ko. Nakakahiya ka, Orion! Ayon na 'yon, eh! Magkadikit na, eh! Bakit ka naman suminok?! Tumikhim ako at naglakad palapit sa ref para kumuha ng tubig. Gamit ang kamay kong nanginginig, kumuha ako ng baso sa gilid. Chill, Orion. Chill. Nanonood siya sa likod mo, bruhilda ka! Binuksan ko ang ref para kumuha ng malamig na tubig. Nang makuha ko ang pitsel ay nilagyan ko ng tubig ang hawak kong baso. Muntik na akong mapamura nang mula sa likod ko ay hinawakan ni Hunter ang kamay kong may hawak ng pitsel. "Huwag kang manginig. Hindi naman natuloy 'yong kiss. Chill ka lang," mapang-asar na bulong niya sa tenga ko. Nilunok ko ang laway ko. Mas lalo pa yatang uminit ang paligid ngayong halos naka-back hug siya sa akin dahil sa posisyon naming dalawa. Siya ang sumalin ng tubig sa basong hawak ko, hindi pa rin binitawan ang kamay kong may hawak ng pitsel. "Uminom ka na para mawala ang sinok mo. Tapos..." Siya na ang nagbalik ng pitsel sa ref at sinara 'yon bago tumingin sa akin, sinadyang ibitin ang sinasabi. "T-Tapos ano?" "Ituloy natin 'yong ginagawa natin," nakangising sagot niya. Nag-init ang pisngi ko at mabilis siyang tinalikuran. Hindi ko pinansin ang nanginginig kong kamay at uminom ng tubig galing sa baso. Shemay! Natuyuan yata ako ng laway dahil sa mga pinaggagawa ng lalakeng 'to sa akin! Hindi ko pa nauubos 'yon nang maramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso ni Hunter sa bewang ko. Muntik ko na tuloy madura ang iniinom ko. Kakaiba ang pakiramdam ng pagdidikit ng katawan naming dalawa. Ngayon lang kami nagkalapit nang ganito at wala akong ibang maramdaman kundi ang panginginig ng buong katawan ko. Sunod kong naramdaman ang pagpatong niya ng kaniyang noo sa balikat ko. "Hindi mo kailangang sagutin 'yong tanong ko kanina kung gusto mo rin ba ako," halos pabulong na sabi niya. "Ayokong marinig na hindi mo ako gusto. Masasaktan lang ako." Humigpit ang pagkakahawak ko sa baso. Iyon ba ang akala niya? Na hindi ko siya gusto? Alam kong hindi totoo 'yon, pero kapag sinabi kong gusto ko rin siya, baka iyon pa ang mas magtulak sa kaniya para layuan si Farrah. "H-Hindi ko deserve ang atensyon mo, Hunter. Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan mo sa akin. Oo, alam kong maganda ako pero ayaw mo sa maingay, 'di ba?" Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Nahigit ko na naman ang hininga ko nang ibaon niya ang sariling mukha sa balikat ko at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin. "Medyo mayabang ka sa sinabi mong maganda ka," natatawang sabi niya. "Hmm, okay lang ba na yakapin kita nang ganito?" Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngumiti. "Nagpaalam ka kung kailan nakalingkis ka na sa akin." "Mukha namang gusto mo, eh." Gusto ko nga, bakit? "Nagtatanong ka kung anong nagustuhan ko sa 'yo? Sa totoo lang ay hindi ko alam. Bigla ko na lang naramdaman. Ngayong nasabi ko na sa 'yo, mas lalo pa yatang lumala ang pagtingin ko sa 'yo. Gusto kong yakapin kita nang ganito palagi." "Hunter...hindi pwede." "Hindi pwedeng ano?" "Hindi tayo pwede." Naramdaman ko ang paghinga niya nang malalim. "Alam ko. Hindi mo ako gusto." "Hindi importante kung gusto mo ako o hindi. Paano ka? Paano ka mabubuhay kung ipagpapatuloy mo 'yang nararamdaman mo?" "Bakit kasi hindi na lang ikaw?" basag ang boses na tanong niya. Narinig ko pa ang pagsinghot niya. "Bakit kasi hindi na lang ikaw ang magligtas sa akin mula sa sumpa na 'yon?" "Kasi hindi natin hawak ang tadhana, Hunter." "Hindi ba pwedeng...tayo na lang ang gumawa ng sarili nating tadhana? Tapos...pipiliin kita para mabuhay ako. Hindi ba pwedeng gano'n? Bakit pakiramdam ko ay pinagkakaitan ako ng tadhana na sumaya? Bakit parang ang hirap magmahal?" Nag-init ang mga mata ko nang marinig ang mga sinabi niya. Nararamdaman ko sa boses niya ang hinanakit sa tadhana naming dalawa. Ang bigat sa dibdib dahil wala akong magawa. Wala akong magawa para ipaglaban ang nararamdaman ko para sa kaniya. Wala rin akong magawa para alisin ang sakit na nararamdaman niya. Ito pala ang tinatawag ng iba na 'bittersweet feeling'. Masaya ako sa nalaman ko na mahal niya ako...pero sobrang nalulungkot din ako dahil hindi kami pwede. Kailangan niyang mabuhay...pero sa piling ng iba. Ganito nga ba talaga kahirap magmahal? Bumaba ang tingin ko sa mga braso niya na nakapulupot sa bewang ko. Gamit ang isa kong kamay ay hinawakan ko siya roon. "K-Kung talagang mahal mo nga ako, makinig ka sa akin. Kailangan mong mabuhay..." Tumulo ang mga luha ko. "k-kasi mahal kita, Hunter." Lumuwag bigla ang pagkakayakap niya sa akin nang sabihin ko 'yon. Inangat niya ang ulo para tingnan ako. Humarap ako sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi na may bahid ng mga luha. Bakas sa mga mata niya ang pagkagulat sa sinabi ko. Ngumiti ako sa kaniya sa kabila ng panlalabo ng paningin ko. "M-Mas gugustuhin ko na makasal ka sa iba kaysa mamatay ka. Hindi ko kayang isipin na wala ka na sa mundo, Hunter. Gawin mo 'yon para sa akin...nakikiusap ako sa 'yo. P-Piliin mong mabuhay..." Umawang ang bibig niya at nag-umpisang bumuhos ang mga luha. Magkahalong saya at lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon. "M-Mahal...mo...ako?" mabagal na tanong niya. Hindi ko siya sinagot at tumingkayad ako para halikan ang noo niya, sunod sa magkabilang pisngi hanggang sa ilong. "A-At handa akong protektahan ka laban sa mga demonyong gustong kumuha ng kaluluwa mo..." lumuluhang dagdag ko sa sinabi niya. "k-kasi mahal na mahal kita—" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil hinawakan niya na ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa labi. Mariin iyon pero puno ng pagmamahal. Napapikit ako para damhin ang malambot niyang labi. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at siniil ang pang-ibaba kong labi. Nanghina ang mga tuhod ko kaya napakapit ako sa balikat niya. Nagulat na lang ako nang agawin niya ang hawak kong baso at inilapag iyon sa sink na nasa gilid namin. Mukhang hindi siya nakuntento sa ginagawa at hinapit niya pa ang bewang ko para magdikit ang mga katawan namin. Nakakaliyo ang bawat galaw ng labi niya, nakakaadik na umabot sa puntong namalayan ko na lang na hinahalikan ko na siya pabalik. Narinig ko ang mahina niyang ungol at ang pagpisil niya sa bewang ko. Binuka ko ang aking bibig para hayaang pumasok ang dila niya roon. Hind ko na alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko kaya hinawakan niya ang magkabila kong pisngi para siya na lang ang kusang gumalaw. Nadadala na ako sa galaw ng labi at dila niya at unti-unti kong naramdaman ang pag-iinit ng katawan ko. Parang gusto nito ng higit pa at wala akong magawa kundi sumabay sa agos. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi nang bumaba ang halik niya sa leeg ko. Tinulak niya ako para pasandigin sa sink kaya umupo ako roon at pinulupot ang mga binti ko sa kaniya. "H-Hunter..." ungol ko nang maramdaman ang mainit niyang dila sa gilid ng leeg ko. Pabigat nang pabigat ang paghinga ko. Tumigil siya sa ginagawa at tumitig sa mga mata ko, hinihingal pa. "S-Sorry. Ayaw mo ba?" Napalunok ako. "B-Baka makita tayo ni Mama." "Tulog na 'yon." Nanlaki ang mga mata ko at tinampal nang mahina ang braso niya. "I-Ikaw, ah..." "Bakit?" natatawang tanong niya. "Ayaw mo?" Kinagat ko ulit ang labi ko, nag-iinit na naman ang pisngi. Sumagi na naman sa isip ko si Farrah at ang sumpa ni Hunter pero ayoko munang isipin ang mga mangyayari sa hinaharap kaya ipinilig ko ang aking ulo. "Mahal kita, Hunter," nakangiting sambit ko. "Alam kong... hindi pa tayo matagal na magkasama pero pakiramdam ko ay sobrang lalim na ng pagmamahal ko sa 'yo." Gumuhit ang malawak na ngiti sa mga labi niya. Hinalikan niya ako sa noo. "Gano'n din ako sa 'yo, Orion. Pakiramdam ko, ang tagal na kitang mahal. Corny, 'no?" Tumawa siya nang mahina. "Mahal natin ang isa't isa pero—" "Shh..." Dinikit niya ang kaniyang hintuturo sa labi ko. "Saka na natin isipin ang pwedeng mangyari sa hinaharap. Sa ngayon, hayaan mong... iparamdam ko sa 'yo kung gaano ako kasakim." Hinawakan niya ang kamay ko at dinala iyon sa labi niya. Matapos 'yon ay walang pasabing sinunggaban niya ulit ang labi ko. Muntik na akong mapahiga sa sink dahil sa pagkabigla, mabuti na lang at nahawakan niya ang bewang ko. Hindi katulad kanina ay mas agresibo na ang paraan ng paghalik niya. Kahit hindi ko tanungin, alam kong gusto niya ng higit pa roon. "Hunter..." tawag ko. Tumigil siya sa ginagawa at tiningnan ako sa mga mata. Namumula na ang leeg niya. "A-Ayaw mo ba? Pwede ko naman itigil—" Ngumiti ako sa kaniya at alam niya na ang ibig sabihin n'on.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD